Pumunta sa nilalaman

Temple Run

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Temple run)

Temple Run ay isang larong bidyo na ginawa ng Imangi Studios sa Washington, D.C.[1] Ang laro ay tungkol sa mga mausisang manggagalugad na nagnanais na makuha ang isang anito habang hinahabol ng mga mahiwagang unggoy. Ang mga manlalaro ang nagpapagalaw sa mga manggagalugad at kinakailangang tumakbo ang mga manggagalugad sa abot ng kanilang makakaya ng hindi naabutan ng mga mahiwagang unggoy. Ang larong ito ay makukuha mula sa sistemang iOS, na mayroon ang iPhone, iPod Touch, at iPad at sa mga sistemang Android.[2]

Sa iTunes Store, isa ito sa mga napasali sa limampung pinakamadalas na i-download na app noong Disyembre 2011,[3] at di nagtagal ay naging numero unong libreng iOS app.

Ang Temple Run ay isang laro kung saan ang mga karakter ay mga manggagalugad na nagnanais na makakuha ng isang anito mula sa isang napakatandang templo. Ang mga manlalaro ang nagpapagalaw sa mga manggagalugad matapos nilang makuha ang anito. Ang mga karakter sa laro ay sina: Guy Dangerous, Scarlett Fox, Barry Bones, Karma Lee, Montana Smith, Francisco Montoya, at si Zack Wonder. Subalit pagkakuha ng anito, ang manlalaro ay agad na hahabulin ng grupo ng mga mahiwagang unggoy palabas ng templo.

Ang larong ito ay walang nakatakdang katapusan, ang layunin ng larong ito ay makatakbo ang manlalaro sa abot ng kanyang makakaya sa pamamagitan ng pagiwas sa mga balakid. Makakaiwas ang manlalaro sa mga balakid sa pamamagitan ng pagtalon (pagdulas ng daliri pataas), pagyuko (pagdulas ng daliri pababa), o pagliko (pagdulas ng daliri pakaliwa o pakanan) sa eksaktong panahon. Habang patuloy ang pagtakbo ng manlalaro, patuloy din ang paghabol ng mga unggoy. Minsan ay nangangailangan itagilig ang kagamitang hawak pakaliwa o pakanan para makakolekta ng mga barya. Ang mga barya ay kulay dilaw na mge diamante, pero minsan ay kulay pula o asul depende sa kanilang halaga. Ang dilaw ay nagkakahalaga ng isang puntos, ang pula ay dalawang puntos, at ang asul ay tatlkong puntos. Bukod sa mga barya ay makakakuha din ng ibang mga bonus na bagay habang tumatakbo.

Mga Pampalakas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga barya na makokolekta ng manlalaro ay pwedeng gamitin sa "tindahan" ng larong ito. Sa tindahan, ang manlalaro ay pwedeng makabili ng mga pampataas ng iba't-ibang mga bonus sa laro (mas mapapadalas ang paglabas ng mga bonus sa laro), mga ekstrang gamit at ibang mga karakter, at mga wolpeyper. Ang mga bonus, kapag napataas ng todo, ay ang mga sumusunod:

  • Mega Coin (nagkakahalagang 150 puntos)
  • Coin Magnet (pinapadami ang halaga ng barya ng tatlong beses)
  • Invisibility (tumatagal ng 30 segundo)
  • Boost (hanggang 1000 metro)
  • Ang mga pulang barya ay magsisimula matapos ang 1000 metro
  • Ang mga asul na barya ay magsisimula matapos ang 1000 metro

Pagbuo ng laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mag-asawang si Keith Shepherd at Natalia Luckyanova, kasama si Kiril Tchangov, ang bumuo sa Temple Run. Noong umpisa, ang larong ito ay nagkakahalaga ng 99 sentimo, pero nung inilabas na sa publiko ay ginawa nilang freenium app, na nagpadami ng kita nila ng limang beses dahil sa pagbebenta ng mga baryang ginagamit sa laro.[4][5] Si Shepherd at Luckyanova ang bumuo ng konsepto ng laro, habang si Tchangov naman ang gumawa ng mga larawan.

Noong umpisa, ang Temple Run ay makukuha lamang sa App Store, pero hindi nagtagal ay nilabas na din ito sa Google Play, ang pumalit sa Android Market. 12 Enero 2012, ipinahayag ng Imangi Studios sa pahina ng Temple Run sa Facebook na ang laro ay kanilang ilalabas sa sistemang Android. Noong Pebrero 2012,sinabi nilang: "We're so excited to announce this and appreciate all of our fans' support across both platforms!". "Nagagalak kami na ipahayag ito at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta sa amin sa parehong sistema"[6]

Ang Temple Run ay nilabas para sa sistemang Android noong 27 Marso 2012.[7]

Ang larong ito ay anim na buwan na sa App Store, simula noon ang kasikatan nito ay hindi napigilan.[8] Madmi na ding mga laro ang gumaya sa Temple Run, tulad ng Temple Guns at Temple Jump [8] hanggang naging mas sikat na ang Imangi Studios kaysa sa Zynga Games.[9] Ang kasikatan ng Temple Run ang nag-udyok sa Imangi Studios na bumuo ng bersyon para sa Android. Matapos ilabas ang larong ito sa Android. isang milyon na beses itong nai-download sa loob lamang ng tatlong araw.[10]

Daloy ng Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Temple Run ay nakasentro sa isang grupo ng mga mananaliksik na nagnakaw ng idolo mula sa isang sinaunang templo. Ang mga manlalaro ay kinokontrol ang mga tauhan ilang saglit matapos nilang nakawin ang idolo. Ang mga tauhan ay sina Guy Dangerous, Scarlett Fox, Barry Bones, Karma Lee, Montana Smith, Francisco Montoya at Zack Wonder. Pagkatapos nakawin ang idolo, ang manalalaro ay hahabulin ng isang grupo ng mga malademonyong unggoy at hahabulin ang manlalaro palabas ng templo na kung saan magsisimula na ang pagtakbo.

Wala itong katapusan. Ang layunin lamang ng laro ay tumakbo ng malayo habang iniiwasan ang mga nakaharang na bagay. Kinakailangan ng manalalro na tumalon (ipadausdos paharap ang daliri), umuko (ipadausdos palikod ang daliri) o lumiko (ipadausdos ang daliri pakanan o pakaliwa) sa isang eksaktong paraan. Habang nangyayari ang lahat ng ito, ang manlalaro ay tuloy tuloy pa ring hinahabol ng mga unggoy. Habang naglalaro, kinakailangang itagilid ang gadyet pakaliwa o pakanan para makolekta ang mga barya. Ang mga baryang ito ay mapapansing hugis dyamante na may dilaw na kulay. Ayon sa puntos maari ring kulay pula (2 puntos) o bughaw (3 puntos) ang mga barya. Ang manlalaro ay maari ring makatagpo ng iba’t ibang bonus na bagay habang sila ay tumatakbo.

Wala naman talagang layunin. Habang ang manlalaro ay nananatiling ligtas, mas maraming puntos ang kanyang makukuha. Subalit ang puntos ng manlalaro ay magagamit lamang sa pagbukas ng mga layunin. Ang kanilang puntos ay malalaman gamit ang kanilang distansiya dagdag ang dami ng mga barya na imumultiplika sa lima na daragdagan pa ng 600 na imumultiplika naman sa numero ng kabuuan ng dami ng barya na hinati sa 100. Ang halaga ng tagapagparami ay mas marami ng sampu kaysa sa bilang ng mga layuning nabuksan. Ang pormula ay s = (m)(d+5c+t). Kung saan ang ‘s’ ay ang bilang ng puntos; ‘m’ ang bilang ng mga layuning nabuksan + 10; ‘d’ ang distansiya; ‘c’ ay ang bilang ng barya; ‘t’ ang 600 na imumultiplika sa numero ng natitira sa c/100.

Ang mag-asawang sina Keith Shepherd at Natalia Luckyanova kasama si Kiril Tchangov ang lumikha ng Templer Run. Ang orihinal na halaga ng laro ay 99 cents, na hindi kalaunan ay naging isang libreng app na naging dahilan ng paglaki ng kita dahil sa pagbili ng game coin.[4][5] Si Shepherd at Lukyanova ang nagdevelop ng daloy ng laro, samantalang si Tchangov naman ang lumikha ng grapika.

Ito dapat ay makukuha lamang sa App Store ngunit hindi kalaunan ay nilabas din sa Google Play, ang sumunod sa Android Market. Noong 12 Enero 2012, sinabi ng Imangi Studios sa kanilang Temple Run Facebook page na ang laro ay maaari naring makuha gamit ang Android. Ito ay inilabas sa Android noong 27 Marso 2012.[7]

Ang larong ito ay nasa App Store na sa loob ng anim na buwan at mula noon ang popularidad nito ay lalo pang tumaas.[8] Marami ang gumaya at gumawa ng mga laro tulad na lamang ng “Temple Guns” at “Temple Jump” at umabot na sa puntong mas naging popular na ang Imangi Studios kaysa sa Zynga Games.[9] Ang popularidad ng Temple Run ang nagudyok sa Imangi Studios na lumikha ng unang bersyon sa Android. Pagkatapos ilabas sa Android ang Temple Run, ito ay nadownload ng isang milyong beses sa loob lamang ng tatlong araw.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Imangi Studios". Imangi Studios. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Temple Run". TechCrunch. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Temple Run becomes popular throughout the app world". MSD Eagle's Landing. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-21. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Secrets to the Success of Temple Run on the iPhone". Red Rome. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "Going free quintupled Temple Run's revenue". macgasm. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Facebook". Imangi Studios, Facebook.
  7. 7.0 7.1 "Temple Run for Android to be released on Marso 27". Android Central. 6 Marso 2012. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 Chubb, Peter (21 Pebrero 2012). "Temple Run To Smash Records". InEntertainment. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-25. Nakuha noong 16 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 "How Temple Run Became More Popular Than Zynga Games". The New York Times.
  10. 10.0 10.1 "Temple Run for Android Gets A Whopping 1 Million Downloads In Three Days". Android Community.