Pumunta sa nilalaman

Teorya ng realismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Teoriya ng realismo)

Ang teorya ng realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias (kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal na paaran ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa "tunay na mundo". Kasáma nito ang pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa kamalayan).

Ang mga praktikal na impormasyon na ginagamit ng mga tao sa kanilang proseso ng pangangatuwiran ay (ngunit hindi limitado sa):

  • alaala ng mga bagay na sinabi ng ibang tao
  • lahat ng tao ay nagsisinungaling
  • lahat ng tao ay nagkakamali
  • ang mga bagay ay nagbabago, at sa mas matagal na panahon, mas maraming pagbabago ang mangayayari.

Halimbawa, kapag ang isang siyentipikong sumasaliksik ay nag-alok sa isang nais maging bahagi ng isang eksperimento ng ₱5,000 ngayon at ₱10,000 naman kung sa susunod na taon pa mula ngayon, ang indibidwal sa eksperimento ay hindi nagdedesisyon sa pagitan ng halaga ng ₱5,000 at ₱10,000, kundi ang posibilidad na ang mananaliksik, sa loob ng isang taon, ay maaaring mamatay, maghirap, mag-iba ang isip, o kayâ naman nagsisinungaling lámang ito. Maaalala rin ng indibidwal sa eksperimento ang isang artikulong nabása niya sa Internet tungkol sa paggamit ng salapi para makapanloko. Kung gayon, mas mainam na kunin na lámang ang ₱5,000 ngayon, na mas magandang alok, kaysa sa ₱10,000.