Pumunta sa nilalaman

Thomas Henry Huxley

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Thomas Huxley)
Thomas Henry Huxley
Woodburytype print of Huxley (1880 or earlier)
Kapanganakan4 Mayo 1825(1825-05-04)
Kamatayan29 Hunyo 1895(1895-06-29) (edad 70)
NasyonalidadEnglish
MamamayanUnited Kingdom
NagtaposSydenham College London
Charing Cross Hospital
Kilala saEvolution, science education, agnosticism, Man's Place in Nature
Karera sa agham
LaranganZoology; Comparative anatomy
InstitusyonRoyal Navy, Royal College of Surgeons, Royal School of Mines, Royal Institution University of London
Academic advisorsThomas Wharton Jones
Bantog na estudyanteMichael Foster
ImpluwensiyaEdward Forbes
Charles Darwin
NaimpluwensiyahanPatrick Geddes
Henry Fairfield Osborn
H.G. Wells
E. Ray Lankester
William Henry Flower

Si Thomas Henry Huxley PC FRS (4 Mayo 1825 – 29 Hunyo 1895) ay isang Ingles na biologo(anatomista) na kilala bilang "Bulldog ni Darwin" para sa kanyang pagtataguyod ng teoriyang ebolusyon ni Charles Darwin.[1] Ang kilalang debate noong 1860 kay Samuel Wilberforce ang isang mahalagang sandali sa mas malawakang pagtanggap ng ebolusyon at sa kanyang sariling karera. Si Huxley ay nagpaplanong lumisan sa Oxford sa nakaraang araw ngunit pagkatapos ng isang enkwentro kay Robert Champer na may akda ng Vestiges, kanyang binago ang kanyang isipan at nagpasyang lumahok sa debate. Si Wilberforce ay sinanay ni Richard Own na dinebate rin Huxley kung ang mga tao ay malapit na nauugnay sa mga ape. Mabagal na tinanggap ni Huxley ang ilang mga ideya ni Darwin gaya ng gradualismo at hindi nakapagpasya tungkol sa natural na seleksiyon. Gayunpaman, sa kabila nito, buong puso ang kanyang publikong suporta kay Darwin. Siya ay instrumental sa pagpapaunlad ng siyentipikong edukasyon sa Britanya at lumaban sa mas sukdulang mga bersiyon ng mga tradisyon relihiyoso. Inimbento ni Huxley noong 1869 ang terminong agnostiko upang ilarawan ang kanyang mga pananaw sa teolihyia na ang paggamit ay patuloy na ginagamit sa kasalukuyang panahon.[2] Si Huxley ay may kaunting pormal na edukasyon at tinuruan ang kanyang sarili ng halos lahat ng kanyang nalalaman. Siya ay naging marahil na pinakamahusay na komparatibong anatomista ng Huling ika-19 siglo.[3] Siya ay gumawa sa mga inbertebrata lalo na sa relasyon sa pagitan ng mga ape at tao. Pagkatapos ihambing ang Archaeopteryx sa Compsognathus siya ay nagbigay konklusyon na ang mga ibon ay nag-ebolusyon mula sa mga maliliit na karniborosong dinosaurong theropoda na isang teoriyang malawakang tinatanggap sa agham.

Ang harapang ilustrasyon ng akda ni Huxley na Evidence as to Man's Place in Nature (1863): ang larawan ay nagkukumpara ng mga kalansay ng mga ape sa tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Encyclopædia Britannica Online 2006
  2. Huxley T.H. 1889. Agnosticism: a rejoinder. In Collected Essays vol 5 Science and Christian tradition. Macmillan, London.
  3. Poulton E.B. 1909. Charles Darwin and the origin of species. London.