Pumunta sa nilalaman

Kasunduan sa Viena (1738)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tratado ng Vienna (1738))

Tinapos ng Tratado sa Viena o Kapayapaan ng Viena noong 1738 ang Digmaan ng Pagkakasunod sa Polonya. Sa pamamagitan ng mga tuntunin ng kasunduan, tinalikuran ni Stanisław Leszczyński ang kanyang pag-angkin sa trono ng Polonya at kinilala si Augusto III, Duke ng Sahonya.[1] Bilang kabayaran ay natanggap niya sa halip ang mga dukado ng Lorena at Bar, na ipapasa sa Pransiya sa kaniyang kamatayan.[1] Namatay siya noong 1766.

Nilagdaan noong Nobyembre 18, 1738, ang kasunduan ay isa sa mga huling pandaigdigang kasunduan na isinulat sa Latin (kasama ang Kasunduan sa Belgrado na nilagdaan noong sumunod na taon).

 

  1. 1.0 1.1 Lindsay, J. O. (1957) The New Cambridge Modern History Cambridge University Press, Cambridge, England, page 205, ISBN 0-521-04545-2