Pumunta sa nilalaman

Tulong:Kapahintulutan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tulong:Kontrol ng awtoridad)

Ang kontrol ng awtoridad (authority control) ay isang paraan ng pag-uugnáy ng isang unique identifier sa mga artikulo sa Wikipedia. Napakahalaga ito upang linawin ang magkakaibang mga aytem na may katulad o kaparehong mga pamagat, gayon din upang makapagtatag ng iisang pamantayang pamagat para sa isang aytem na karaniwang kilala sa dalawa o higit pang mga pamagat. Kapag ginamit ito, matatagpuan ang mga link ng kontrol ng awtoridad malapit sa pinakaibabang bahagi ng mga pahina ng Wikipedia, at ini-uugnáy sa mga talang bibliograpiko sa pandaigdigang mga katalogo ng aklatan. Malimit na ginagamit ang kontrol ng awtoridad sa mga artikulong pantalambuhay dahil kadalasang may higit sa isang tao na may kaparehong pangalan. Gayon din, malimit na ginagamit din ito sa ibang mga paksa.