United States Agency for International Development
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | Nobyembre 3, 1961 |
Preceding agency |
|
Punong himpilan | Ronald Reagan Building Washington, D.C. |
Empleyado | 3,909 (2012) |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Websayt | usaid.gov |
Talababa | |
[1][2] |
Ang United States Agency for International Development o USAID ay isang ahensiya ng pederal na pamahalaan ng Estados Unidos na pangunahing responsable para sa pagbibigay ng mga sibilyang tulong pandayuhan sa ibang bansa. Ito ay may layuning makatulong sa mga tao sa ibang bansa na mapabuti ang kanilang buhay, makaahon sa isang sakuna o magsikap na mamuhay sa isang malaya at demokratikong bansa. Ito ay pinapatakbo sa Aprika, Asya, Latin Amerika at Europa. Nilikha ito ni Pangulong John F. Kennedy noong 1961 bilang executive order upang ipatupad ang mga programang pagtulong ng kaunlaran sa mga lugar na pinahintulutan ng Kongreso ng Estados Unidos sa Foreign Assistance Act. Isinasapanahon ng Kongreso ng Estados Unidos ang pagpapahintulot na ito sa pamamagitan ng taunang mga akto ng paglalan at iba pang batas.