Pumunta sa nilalaman

Halumigmig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Umidad)
Pandaigdigang distribusyon ng relatibong halumigmig sa rabaw, na binalasak sa mga taong 1981–2010 mula sa data set ng CHELSA-BIOCLIM+[1]

Ang halumigmig ay ang konsentrasyon ng tubig-singaw sa hangin. Karaniwan, hindi nakikita ng mata ng tao ang tubig-singaw, ang estadong gas ng tubig.[2] Nagpapahiwatig ang halumigmig ng posibilidad na magkaroon ng presipitasyon o pag-ulan, hamog, o ulop.

Nakadepende ang halumigmig sa temperatura at presyon ng pinag-iinteresang sistema. Ang parehong dami ng tubig-singaw ay nagreresulta sa mas mataas na relatibong halumigmig sa malamig na hangin kaysa sa mainit na hangin. Isang kaugnay na parametro ang puntong hamog. Tumataas ang dami ng kinakailangang tubig-singaw para makamit ang katigmakan habang tumataas ang temperatura. Habang bumababa ang temperatura ng isang parsela ng hangin, maaabot nito, sa kalaunan, ang punto ng katigmakan nang walang pagdagdag o pagbawas ng masa ng tubig. Kapuna-punang nag-iiba-iba ang dami ng nilalamang tubig-singaw sa isang parsela ng hangin. Halimbawa, maaaring maglaman ang isang parsela ng hangin na malapit sa katigmakan ng 28 g ng tubig sa bawat metro kubiko ng hangin sa 30 °C (86 °F), ngunit 8 g ng tubig lamang sa bawat metro kubiko ng hangin sa 8 °C (46 °F).

Malakwang ginagamit ang tatlong pangunahing sukat ng halumigmig: ganap, relatibo, at tiyak. Ipinapahayag ang ganap na halumigmig bilang masa ng tubig-singaw sa bawat bolyum ng basang hangin (sa gramo kada metro kubiko)[3] o bilang masa ng tubig-singaw sa bawat masa ng tuyong hangin (kadalasan sa gramo kada kilogramo).[4] Nagpapahiwatig ang relatibong halumigmig, kadalasan ipinapahayag sa porsyento, ang kasalukuyang estado ng ganap na halumigmig kaugnay sa maksimum na halumigmig sa parehong temperatura. Ang tiyak na halumigmig ay ang rasyo ng masa ng tubig-singaw sa kabuuang masa ng parsela ng basang hangin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Brun, Philipp; Zimmermann, Niklaus E.; Hari, Chantal; Pellissier, Loïc; Karger, Dirk N. (2022-06-27). "Global climate-related predictors at kilometre resolution for the past and future" [Mga pandaigdigang tagahula na nauugnay sa klima sa kilometro resolusyon para sa nakaraan at hinaharap] (PDF) (sa wikang Ingles). ESSD – Land/Biogeosciences and biodiversity. doi:10.5194/essd-2022-212. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Enero 8, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "What is water vapor?" [Ano ang tubig-singaw?]. WeatherQuestions.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-03-11. Nakuha noong 2012-08-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Wyer, Samuel S. (1906). "Fundamental Physical Laws and Definitions". A Treatise on Producer-Gas and Gas-Producers [Isang Tratado sa Nagpoprodyus na Gas at Nagpoprodyus ng Gas] (sa wikang Ingles). McGraw-Hill Book Company. p. 23.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Perry, R.H. and Green, D.W, (2007) Perry's Chemical Engineers' Handbook (Ika-8 Edisyon) [Hanbuk ni Perry sa Mga Inhinyero sa Kimika] (sa wikang Ingles), Seksiyon 12, Psychrometry, Evaporative Cooling and Solids Drying McGraw-Hill, ISBN 978-0-07-151135-3