Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Delaware

Mga koordinado: 39°40′45″N 75°45′08″W / 39.679111111111°N 75.752166666667°W / 39.679111111111; -75.752166666667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa University of Delaware)

Ang Unibersidad ng Delaware o UD (University of Delaware sa Ingles) ay ang pinakamalaking unibersidad sa estado ng Delaware sa Estados Unidos. Ang pangunahing campus ay nasa Newark, at meron ding may mga sangay o satelayt na kampus sa mga lungsod ng Dover, Wilmington, Lewes, at Georgetown. Ang populasyon ng unibersidad ay may katamtamang laki – humigit-kumulang sa 18,500 undergradwado at 4,500 gradwadong mag-aaral. Ang UD ay isang pribadong unibersidad subalit tumatanggap na ng mga pampublikong pagpopondo bilang isang land-grant, sea-grant, space-grant and urban-grant na institusyon sa pananaliksik na suportado ng estado.[1]

Ang University of Delaware Green

Ang University of Delaware ay itinatag noong 1743 ng Presbyterian na ministrong si Francis Alison nang buksan niya ang kanyang "Libreng Paaralan" sa kanyang tahanan sa New London, Pennsylvania.[2] Nagbago ito ng pangalan at lokasyon hanggang 1769 kung saan tinawag itong Academy of Newark. Dahil ang Delaware ay bahagi ng Kolonya ng Pennsylvania hanggang 1776, ang akademya ay ayaw bigyan ng tsarter bilang isang kolehiyo upang maiwasan ito na makipagkumpitensya sa Unibersidad ng Pennsylvania (na noo'y kilala bilang Kolehiyo ng Philadelphia). Noong 1833, pinasa ng Delaware General Assembly ang "Isang Batas na Magtatatag ng isang Kolehiyo sa Newark", at sa sumunod na taon, binuksan ang Newark College. Ito ay nagbago ng pangalan bilang Delaware College noong 1843 at kinalauna'y isinanib sa Academy of Newark. Ang paaralan ay sinarado mula 1859 hanggang 1870 (humiwalay ang Newark Academy sa kolehiyo noong 1869). Ito muli ay binuksan noong 1870 dahil sa suporta ng Morrill Land-Grant Acts.[3] Noong 1921, pinalitan muli ang ngalan ng Delaware College bilang Unibersidad ng Delaware, at ito ay opisyal na naging isang koedukasyonal na institusyon noong 1945 nang ito ay isinanib sa kalapit na Kolehiyong Pangkababaihan ng Delaware (Women's College of Delaware).[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Welcome to the University of Delaware". University of Delaware. Nakuha noong Marso 10, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Office of Communications and Marketing. "The History of the University of Delaware". University of Delaware. Nakuha noong Oktubre 26, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Thomas, Grace Powers, pat. (1898). Where to educate, 1898–1899. A guide to the best private schools, higher institutions of learning, etc., in the United States. Boston: Brown and Company. p. 40. OCLC 31539533. Nakuha noong Agosto 17, 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "College for Delaware women formally established in October 1914". UDaily. University of Delaware. Oktubre 7, 2014. Nakuha noong Setyembre 19, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

39°40′45″N 75°45′08″W / 39.679111111111°N 75.752166666667°W / 39.679111111111; -75.752166666667