Pumunta sa nilalaman

Tagagamit:PrettiestDaughter91

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Personal na detalye

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Salamat sa pagbisita, sana maging mayaman ka sa taong ito.

Ako po si PrettiestDaughter91 isang tagapagbalita sa isang kilalang estasyon ng radyo sa syudad ng Davao. Ako ay nagtapos sa kursong Batsilyer ng Sining, medyor sa Komunikasyong Pangmasa sa Unibersidad ng Notre Dame of Dadiangas ng Heneral Santos taong 2018. Naghahangad akong mapaunlad hindi lamang ang aking kakayanan kundi ang mismong Tagalog na bersiyon ng Wikipedia.

Sariling Paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sapagkat naniniwala ako dapat natin paunlarin ang sariling wika na siyang tiyak na makakatulong sa kasalukuyan at sa hinaharap na henerasyon. Marami nang mga bansa ang umunlad dahil sa pagpokus sa sariling kultura katulad ng Tsina, Hapon at marami pang iba, kaya't ang pagkakaroon ng oportunidad na mapaunlad ang sariling wika na siyang sumasalamin sa kultura ay makakatulong sa bansa.

Ako ay mahilig sa usaping sikolohikal at mga paksang pangkalusugan. Kaya't nag-aaral pa ako kung paano makakagawa ng mga bagong pahina patungkol sa mga paksang aking nabanggit at mga subdisiplina nito tulad ng:

  1. Abnormal na sikolohiya
  2. Sikolohiya sa pag-uugali
  3. Klinikal na sikolohiya
  4. Kognitib na sikolohiya
  5. Sikolohiya sa pag-unlad
  6. Forensic sikolohiya
  7. Sikolohiyang pang-industriya-organisasyon