Tagagamit:Sky Harbor/Pseudo-manifesto
WMPH: Pasulong (isang mala-manifesto)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon nang karera (sa aking mga pamantayan) sa sino ang mauuna sa pagtatag ng kauna-unahang sangay ng Wikimedia sa Timog-silangang Asya.
Pinapabilis na natin (ang Pilipinas) at ang Indonesia ang ating pagtatag ng sarili nating mga sangay ng Wikimedia. Na-una ang Wikimedia Pilipinas, pero nahuhulian tayo dahil sa mga hadlang sa lohistika (ang tadhanang P1 milyon, bilang isa), habang ang Wikimedia Indonesia, na mamaya pang isinimula, ay lumalapit na sa pagiging una sa pagsang-ayon ng Pundasyong Wikimedia at posible bilang ang kauna-unahang sangay ng Wikimedia sa Timog-silangang Asya.
Pero, tandaan natin: sobrang magkaiba ang ating mga pamayanan. Ang pamayanang Indones ay mas marami sa bilang, mas aktibo at (baka) ay mas organisado sa mga interaksyong pantao kaysa sa pamayanang Pilipino, pero nasa atin ang determinasyon na patunayan na ang malayang kultura ay makakayumao, kung saan ang kulturang wiki (at sa pangkalahatan, ang malayang kultura) ay iniulat sa mga dyaryo, kung saan ang kontento ng Wikipedia ay ginagamit ng isang malawak na demograpiko: mula sa mga estudyante na gumagamit ng Wikipedia para sa kanilang pananaliksik, sa mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga pamahalaang lokal na gumagamit ng ating mga larawan sa kanilang mga websayt, at kung saan pati na ang pamahalaan ay nagpakita ng tiwala nito sa malayang kultura sa pamamagitan ng Bayanihan Linux.
Iyan ay halimbawa ng gaanong kayaman ang malayang kultura sa Pilipinas. At dahil sa ito, makakatulong kayo (seryoso, LAHAT kayo).
Malapit na sa yugto ng paglalakip (incorporation) ang Wikimedia Pilipinas, at, sa pagsuri ng pagkarehistro ng ating opisiyal na pangalan (Wikimedia Philippines, Inc.) ni Bentong (si Bentong Isles ng Cebuano Wikipedia), ang ating deadline para matapos ang lahat, mula sa pagkuha at pag-ayos ng lahat ng dokumento hanggang sa paglalakip mismo, ay 4 AGOSTO 2008 (ang petsa na mawawalang-bisa ang ating name registration slip). May tatlong buwan tayo (mas o menos) para maayos ito lahat, at nasa karera na tayo laban sa mga Indones.
Pero kasuklam-suklam naman na kulang sa representasyon ang ating pamayanan. Ang mayoridad ng mga miyembrong kusa ng WMPH ay mula sa Kalakhang Maynila at sa pamayanan ng English Wikipedia, kung saan ang mga ibang pamayanan (at mga pook heograpikal) ay may kaunting representasyon. Wala pa ngang babae sa ranggo ng mga miyembro. Kung gusto niyong umambag sa kayamanan ng pamayanang Pilipino ng Wikimedia (at sumali sa Wikimedia Pilipinas), pumunta dito. May 23 miyembro na kami, at, tulad sa sabi nila: "The more, the merrier!"
Gayundin, makakakomento kayo sa lahat ng mga umiiral na dokumento, at, kung marunong kayong mag-Bikol, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon/Ilonggo, Ilokano, Kapampangan, Kinaray-a, Pangasinan o Waray-Waray, o kahit ibang wika, makakasalin rin kayo. Maaari kayong mag-komento sa mga Artikulo ng Paglalakip (Articles of Incorporation) dito. Bahala na tayo sa bagong Alituntunin (By-laws) kapag tapos na tayo sa AoI.
At, kung nais niyo, ang inyong suportang pampananalapi (kung gusto mo) ay masasalamatan. Ang WMPH ay tumatanggap na ng inyong mga lagak (pledge). Tandaan, bago kayong maglagak, dapat makakaya niyo ito. P2000 ay naikulekta na.
Ito ay isang makasaysayang momento para sa malayang kultura sa Pilipinas. Sa wakas, may pagkakataon na tayo na maibahagi ang Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, at ang mina sa kaalaman na mabibigay nito sa sambayanang Pilipino. At, kasabay ng mga ibang proyekto ng Pundasyong Wikimedia, mabubuhay natin ang pangarap ng isang malayang diksyonaryo, mga malayang teksbuk at iba pang mga proyekto.
Inaasahan ko na magagawa natin ito. Ito na ang ating pagkakataon upang makaningning.
Mula sa puso,
Joshua Lim (Sky Harbor)