Pumunta sa nilalaman

Vernix caseosa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Vernix)
Bagong luwal na babaeng sanggol na mayroong vernix caseosa sa mga bahagi ng kaniyang balat.

Ang vernix caseosa, na nakikilala rin bilang vernix, ay ang mapagkit o parang keso na puting substansiya na matatagpuang nakapahid at nakapatong sa balat ng kapapanganak pa lamang na mga sanggol na tao. Isa rin itong pamprutektang balot na tumatakip sa balat ng namumuong sanggol habang nasa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina.[1] Ang vernix ay nagsisimulang lumitaw at umunlad sa ibabaw ng katawan ng sanggol habang nasa loob ng sinapupunan humigit-kumulang sa 18 mga linggo ng pagdadalangtao ng isang babae.

Sa Latin, ang vernix ay may kahulugang "barnis" at ang caseosa ay nangangahulugang "makeso".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary, Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570.