Vista Land
Padron:Philippine Stock Exchange | |
Industriya | Real estate / Retail |
Itinatag | 28 Pebrero 2007 |
Nagtatag | Manuel Villar |
Punong-tanggapan | Worldwide Corporate Center, , |
Pangunahing tauhan | Manuel Villar (Chairman) Manuel Paolo Villar (Vice Chairman, President and CEO) Cynthia Javarez (COO) |
Tatak | Vista Malls |
Subsidiyariyo | Brittany Corporation Crown Asia Properties Vista Residences Camella Homes Lessandra Communities Philippines VLL International Inc. Lumina Homes Camella Manors |
Website | vistaland.com.ph |
Ang Vista Land & Lifescapes Inc. ay isang developer ng ari-arian sa Pilipinas at umiikot sa mga industriya ng real estate at retail. Ang kompanya ay bahagi ng Villar Group of Companies na nauugnay kay Manny Villar, kasama ang Starmalls, Inc. at Golden Haven, Inc.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Vista Land ay naitala bilang isang korporasyon noong 28 Pebrero 2007 bilang isang holding company ng Vista Group, na imiikot sa industriya ng real estate bilang isang developer ng mga subdivision at condominium.
Organisasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang operasyon ng Vista Land ay nahahati sa apat na segment: pahalang, patayo, komersyal, at abot-kayang pabahay. Ang unang dalawa ay imiikot sa pag-develop at pagbenta ng mga ari-ariang pantahanan, ang pangatlong imiikot sa venture ng kompanya sa mga industriya ng retail at business process outsourcing, at ang huli ay imiikot sa pag-develop at pamamahala ng iba pang negosyo gaya ng resort, hotel, club, at spa pati na rin ang mga aktibidad ng mga hawak na kompanya. Ang Vista Land ay may anim na subsidiary: Brittany Corporation, Crown Asia Properties, Vista Residences, Camella, Camella Manors, Lessandra, Communities Philippines, at VLL International Inc.
Upang sagutin ang panawagan ng pamahalaan para sa murang pabahay, nilikha ng Vista Land ang Lumina Homes bilang serye ng pang-masang pabahay.
Pinapatakbo rin ang Vista Land ng Vista Malls shopping mall chain.