Si Vitelio o Aulus Vitellius (Latin: [ˈau̯lʊs wɪˈtɛlːijʊs]; 24 Setyembre 15 – 20 Disyembre 69) ay isang Emperador ng Roma na namuno ng walong buwan mula 19 Abril hanggang 20 Disyembre 69 CE. Si Vitelio ay prinoklamang emperador pagkatapos ng mabilisang paghalili ng mga nakakaraaang emperador na sina Galba at Otho sa isang tao ng digmaang sibil na kilala bilang Taon ng Apat na Emperador. Siya ang kaunaunahan na magdagdag ng honoripikong cognomen na Germanicus sa kanyang pangalan sa halip na Cesar sa kanyang pagupo sa trono. Gaya ng kanyang hinahlinhang si Otho, tinangka ni Vitelio na makuha ang suporta ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpaparangal at paggaya kay Nero na nanatiling malawakang tanyag sa buong Imperyo Romano. Siya ay nagmula saCampania malamang mula sa Nuceria Alfaterna,[4] at ipinanganak sa Vitellia gens na hindi kilalang pamilya sa sinaunang Roma. Siya ay nahirang na konsul Romano noong 48 CE at nagsilbing gobernador proconsul ng Probinsiya ng Aprika noong 60 o 61 CE. Noong 68, siya ay napiling manguna sa hukbo ng Germania Inferior at Germania Superior na nagsimula ng pag-aalsa laban kay Galba. Siya ay hinirang na emperador ng mga hukbo ng Germania Inferior at Superior na nagpasimula ng pag-aalsa laban kay Galba. Si Galba ay pinaslang ni Otho at hinarap naman ni Vitelio si Otho sa isang labanan kung saan natalo si Otho sa Labanan ng Bedriacum at pagkatapos ay kinilalang emperador ng Senado ng Imperyong Romano. Ang kanyang pag-aangkin sa trono ay agad na sinalungat ng mga lehiyon na nakalagay sa mga probinsiyang silangan na nagdeklara kay Vespasian bilang ang bagong emperador ng Imperyo. Ang isang digmaan ay sumiklab na nagdulot sa pagkatalo ni Vitelo sa Ikalawang Labanan sa Bedriacum sa hilagang Italya. Nang matanto ni Vitelo na humina na ang kanyang suporta, siya ay bumaba sa trono para kay Vespasian. Ang kanyang mga taga-suporta ay tumutol dito na nagresulta sa isang madugong labanan sa Roma sa pagitan ng mga puwersa ni Vitelio at ng mga hukbo ni Vespasian. Si Vitelio ay pinatay sa Roma ng mga sundalo ni Vespasian noong 20 Disyembre 69 CE.
↑Sutherland & Carson, Roman Imperial Coinage, p. 272.
↑Suetonius3: "was born on the eighth day before the Kalends of October [24 September], or according to some, on the seventh day before the Ides of September [7 September]". 24 September is generally the most accepted date.
↑Tacitus (III) records the defection of his troops on 18 December and the taking of the capitol the following day. Cassius Dio (64.22) indicates that he died a day later, although his calculations indicate that he died on the 22nd, not 20.