Wikipedia:Paano baguhin ang pangalan (ilipat) ang isang pahina
Ang mga pahina ay maaaring ilipat papunta sa isang bagong pamagat kapag ang dating pangalan ay hindi tumpak, hindi buo, o nakakalito o dahil sa isang pangkat ng mga dahilan ng paglilinis. Sa madaling sabi, ito ang pagbibigay ng bagong pangalan sa isang pahina. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagagamit ng panglaylay na "Ilipat" na nasa itaas. Na sinusundan ng pagpapasok o paglalagay ng bagong pangalan at pagpindot ng 'Ilipat ang Pahina'. Kapag binago ang pangalan o muling pinangalanan ang pahina, nakalakip o nakakabit sa bagong pangalan ang kasaysayan ng pahina, at ang dating pamagat ay kusang itinuturo papunta sa bagong pangalan (may opsiyon ang mga bot at mga tagapangasiwa na supilin o pigilin ang pagpapapunta ng pahina sa ibang pahina). Tanging mga kusang nakumpirma o kusang natiyak na mga tagagamit lamang ang maaaring maglipat ng mga pahina dahil sa paulit-ulit na bandalismo o pambababoy na ginagamitan ng paglipat ng pahina. Kung ikaw ay isang hindi nagpatalang tagagamit o nakatala subalit hindi pa kusang natiyak, maaari kang humiling ng paglipat ng pahina mula sa mga tagapangasiwa.
Kapag ang pahinang nasa puwang ng pangalan (iyong mga larawan at midya) ay inilipat, ang kaugnay na mga talaksan ay inililipat din. Magbuhat noong Setyembre 2009, tanging mga tagapangasiwa lamang ng Wikipedia ang nakapaglilipat ng mga pahinang ito.
Ang mga pahinang nasa puwang ng pangalan ng kategorya ay hindi maililipat. Upang baguhin ang pangalan ng isang kategorya, tingan ang Wikipedia:Mga kategoryang tatalakayin.