Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Pagpapatunay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:PATUNAY)

Sa Wikipediang Tagalog, nangangahulugan ang pagpapatunay na masusuri ng ibang tao na ginagamit ang ensiklopedya na nanggagaling ang impormasyon mula sa maasahang sanggunian. Hindi naglalathala ang Wikipedia ng orihinal na pananaliksik. Natutukoy ang nilalaman nito sa nakaraang nailahtalang impormasyon sa halip na mga paniniwala, opinyon, at karanasan ng patnugot. Kahit na tiyak ka na totoo ang isang bagay, kailangang mapatunayan ito bago ito maidagdag.[1] Kung hindi nagkakasundo ang mga maasahang sanggunian, ipinatili ang isang walang pinapanigang pananaw at ipakita kung ano ang sinasabi ng iba't ibang sanggunian, na binibigyan ang bawat panig ng kanilang nararapat na timbang.

Kailangang mapapatunayan ang lahat ng materyal sa pangunahing espasyo ng Wikipedia, kabilang ang lahat na nasa mga artikulo, tala, at paliwanag. Lahat ng mga pagbanggit, at kahit anumang materyal kung saan pinagduduhan o malamang pagduduhan ang mga pangungusap ay kailangang lagyan ng isang pagtukoy pagkatapos ng pagbanggit na tumuturo sa isang maasahang sanggunian na direktang sininusuporta[2] ang materyal. Matatanggal ang anumang materyal na kailangan ng pagtukoy pagkatapos ng pagbanggit subalit walang ibinigay. Pakitanggal agad ang pinag-aalinlangang materyal tungkol sa buhay na tao na walang sanggunian o hindi sapat ang sanggunian.

Para sa kung papaano magsulat ng mga pantukoy, tingnan pagtukoy ng mga sanggunian. Ang pagpapatunay, walang orihinal na pananaliksik, at pananaw na walang pinapanigan ay ang mga pangunahing patakaran ng Wikipedia. Gumagana silang sama-sama upang matukoy ang nilalaman, para maunawaan ng mga patnugot ang mga pangunahing punto ng tatlo. Kailangan din sumunod ang mga artikulo sa patakaran sa karapatnag-ari.

Maasahang sanggunian

Ano ang isang maasahang sanggunian

Ang tinukoy na sanggunian sa Wikipedia ay kadalasang isang partikular na bahagi ng teksto (tulad ng isang maikling artikulo o isang pahina ng isang aklat). Subalit kapag pinag-uusapan ng mga patnugot ang mga sangguian (halimbawa, upang pagtalunan ang kanilang kaangkupan o pagiging maaasahan) may apat na kaugnay na kahulugan ang salitang sanggunian:

  • Ang gawa mismo (ang artikulo, aklat: "Mukhang magagamit ang aklat na iyan bilang sanggunian para sa artikulong ito.") at mga gawa tulad nito ("Magagamit ang isang obitwaryo bilang sanggunian sa talambuhay", "Mas mainam ang kamakailang sanggunian kaysa sa isang luma na")
  • Ang lumikha ng gawa (ang manunulat, mamamahayag: "Ano ang alam natin tungkol sa reputasyon ng nagsulat ng sanggunian?") at mga taong tulad nila ("Mas mainam na sanggunian ang isang mananaliksik sa medisina kaysa mamamahayag para sa..").
  • Ang publikasyon (halimbawa, ang pahayagan, talaarawan, magasin: "Sinasakop ng sanggunian na iyan ang mga sining.") at mga publikasyon tulad nila ("Hindi maaasahng sanggunian ang isang pahayagan para sa mga impormasyong pangmedisina").
  • Ang naglathala ng gawa (halimbawa, Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge: "Naglalathala ng mga gawang reperensya ang sanggunian na iyan") at mga naglalathalang tulad nila ("Mabuting sanggunian ang isang akademikong naglalathala ng gawang reperensya").

Nakakaapekto ang lahat ng apat na ito sa pagiging maaasahan.

Ibatay ang mga artikulo sa mga sangguniang maaasahan, malaya, at nakalathala na may isang reputasyon sa pagsuri ng impormasyon at katumpakan. Kailangang nailathala ang mga materyal na pinanggalingan, ibig sabihin, para sa mga layuning Wikipedia, ay nailabas sa publiko sa ilang anyo.[3] Hindi tinuturing na maaasahan ang mga hindi nailathalang materyal. Gumamit ng mga sanggunian na direktang sumusuporta sa materyal na ipinakita sa isang artikulo at naaangkop sa ginawang pahayag. Depende ang pagkakaangkop ng kahit anumang sanggunian sa konteksto. Mayroon ang mga pinakamaiinam na sanggunian ng isang kayariang propesyunal para sa pagtsetsek o pagsusuri ng mga impormasyon, isyung legal, ebidensya, at argumento. Mas maaasahan ang sanggunianAng kung mas malaking antas ng pagsisiyasat na binigay sa mga isyung ito. Maging maingat lalo na sa pagtutukoy ng nilalaman na may kaugnayan sa buhay na tao o sa medisina.

Kung mayroon, ang mga publikasyong akademiko at kapantay-na-nirepaso (peer-reviewed) ay kadalasang pinakamaasahang sanggunian sa mga paksa tulad ng kasaysayan, medisina, at agham.

Maari din gumamait ang mga patnugot ng mga materyal mula sa maasahang di-akademikong sanggunian, partikular kung lumilitaw sa nirerespetong publikasyong mainstream o pangunahin. Kabilang sa ibang maasahang sanggunian ang:

  • Mga aklat-aralin na nasa antas-pampamantasan
  • Mga aklat na nilathala ng mga nirerespetong palimbagan
  • Mainstream (non-fringe o mga ideya na hindi lumalayo sa umiiral na pananaw) o pangunahing mga magasin, kabilang ang mga may espesyalidad
  • Marangal na mga pahayagan

Maaring gumamit din ang mga patnugot ng elektronikong midya, na sasailalim din sa parehong pamantayan. Tingnan ang detalye (sa Wikipediang Ingles): en:Wikipedia:Identifying reliable sources at en:Wikipedia:Search engine test.

Talababa

  1. Dating naihahayag ang prinsipyong ito sa patakaran bilang "ang saklaw para maisali ay pagpapatunay, hindi katotohanan". Tingnan ang sanaysay, en:Wikipedia:Verifiability, not truth sa Wikipediang Ingles.
  2. "Direktang sinusuporta" ng sanggunian ang isang piraso ng materyal kung tahasang naroon ang impormasyon sa sanggunian para kung gagamitin ang sanggunian na ito upang suportahan ang materyal, hindi ito lalabag sa patakarang walang orihinal na pananaliksik. Ang lokasyon ng kahit anumang pagtukoy—kasama kung ang isang pagtukoy ay naroon na sa artikulo—ay hindi kaugnay kung ang isang sanggunian ay direktang sumusuporta sa materyal. Para sa mga katanungan tungkol kung saan o papaano maglagay ng pantukoy, tingnan ang Wikipedia:Pagtukoy ng mga sanggunian, :en:Wikipedia:Manual of Style/Lead section § Citations (sa Ingles), atbp.
  3. Kabilang dito ang materyal tulad ng mga dokumentong makukuha ng publikong sinupan (archives) at gayon din ang mga inskripsyong nakikita sa publiko, tulad ng mga lapida.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.