Wikipedia:Pagtatanggi sa panganib
PAALAALA: GAMITIN ANG WIKIPEDIA NG MAY TAMANG PAGPAPASYA AT KAUNAWAAN NA WALA ITONG PANANAGUTANG SA KUNG ANO MANG DAHILAN AT KAPARAANAN.
KARAGDAGANG PAALAALA: ANG MGA IMPORMASYON SA WIKIPEDIA AY MAARING HINDI KUMPLETO, NAKAPANLILIGAW O LIHIS SA TAMA, MAPANGANIB, MALING NAIBAYBAY O MAARING ILEGAL.
Ang Risk Disclaimer na ito ay nilikha upang paalalahanan ang mga mambabasa na ang mga impormasyon mula sa pahinang inyong pinanggalingan ay may kaakibat na hindi resonableng panganib kung gagamitin ang nasabing impormasyon sa inyong mga gawain o kung ito ay ikakampanya sa iba.
Wala sa mga may akda, tagapag-ambag, isponsor, administrador, sysops, o taga "vandal" o kahit sino pang konektado sa Wikipedia, sa kahit ano pang paraan, ay/ang responsable sa inyong paggamit ng mga impormasyong mula sa Wikipedia.
Gawin ang mga nararapat na hakbang upang siguraduhin na ang mga impormasyong natanggap mula sa Wikipedia ay tama at ito ay siyasating maiigi. Suriin ang mga reperensiyang nagamit sa dulo ng mga artikulo at basahin ang mga "usapan" at ang mga detalye sa pagkakarebisa o pag aayos nito upang makita ang mga hindi pagkakasundo kung mayroon man hinggil sa artikulo. Makailang ulit na siguraduhing tama ang mga impormasyon mula sa ibang independyenteng materyales o babasahin.
Kung ang isang artikulo ay naglalaman ng suhuwestiyong mapanganib, ilegal, o hindi etikal, alalahanin na kahit sino ay maaring mag lagay ng ganitong klaseng impormasyon sa Wikipedia. Ang may akda nito ay maaring hindi kwalipikado na magbigay ng kumpletong impormasyon o magpaliwanag ng sapat na paalaalang pankaligtasan o mga hakbangin na maaring makaiwas sa pinsala, kapansanan, kasakitan, karamdaman o kahit ano pang bagay na hindi maganda sa katauhan, pagkatao, kalusugan, ari-arian at reputasyon. Kung kinakailangan ng mga payong medikal, legal at pang risk-management, mangyaring sumangguni sa lisensiyadong propesyunal o mga eksperto sa nasabing usapin. o paksain.
Gaya ng nabanggit, hindi unipormadong napagbalik-aralan ang nilalaman ng Wikipedia sa kaniyang bahagi o kabuuan, kahit na mayroong kakayanan ang mga mambabasa na baguhin, isatama o alisin ang mga hindi wastong suhestiyon o rekomendasyon, ang mga ito ay walang legal na pananagutan o obligasyon na isagawa ang mga ito. Bilang karagdagan, ang mga impormasyon sa Wikipedia ay walang garantiya na sapat, nararapat o kumpleto para sa iba pang paggagamitan.
Walang pananagutan o danyos na maaring hingin laban o mula sa Wikipedia, dahil ito ay binubuo lamang ng mga boluntaryong asosasyon ng mga indibidwal na may ibat ibang kaalaman (o kamalian), kultura at reperensiya. Inuulit pong ang mga impormasyong nilalaman nito ay binibigay ng walang bayad at walang kasunduan sa pagitan ng Wikipedia maliban sa lisensiyang GNU Free Documentation.
Maraming salamat sa panahon na inyong iniukol sa pagbabasa ng pahinang ito at nawa ay maging maayos ang inyong paggamit, pagaambag at pagtangkilik sa Wikipedia.