Wikipedia:WikiProyekto Wikify
Itsura
(Idinirekta mula sa Wikipedia:WIKIFY)
Mabuhay sa WikiProyekto Wikify!
Nakatuon ang proyektong ito sa pagpapabuti ng kaayusan at pormat ng mga artikulo. I-click dito kung ibig mong sumali rito!
Anong artikulo ang kinakailangang i-wikify?
[baguhin ang wikitext]Ang artikulo ay kailangan i-wikify kung may mga problema katulad ng:
- Walang pambungad na talata (lead paragraph) at/o walang pangulong seksiyon (head section);
- Kaunti o walang mga link;
- May HTML tag pero luma na at kailangan i-update;
- Walang kahon ng impormasyon (infobox) o mga padron (templates);
- Kailangan ayusin ang pormat.
Paghahanap ng mga artikulong kailangan na i-wikify
[baguhin ang wikitext]
- Mangyari lamang pumunta sa Kategorya:Mga artikulong nangangailangan ng pagsasawiki upang hanapin ang mga artikulong kailangan na isaayos o i-wikify.
Paano i-wikify
[baguhin ang wikitext]- Tingnan para sa mga paglabag sa karapatang-ari. Ang mahahabang mga bahagi ng tekstong walang wikilinks o mga sipi (citations) ay kadalasang ipinahihiwatig na ang teksto ay iligal na kinopya sa Wikipedia. Tingnan din ang iba pang mga suliranin.
- Maglagay o magdagdag ng mga wikilink. Kung naaangkop, maglagay ng mga link patungo sa ibang mga artikulo sa pamamagitan ng paglalagay ng "[[" at "]]" sa parehong panig ng mga magkaugnay na salita (pumunta rito para sa karagdagang impormasyon) at suriin kung gumana ang nilagay mong mga link gaya ng iyong inaasahan. Tandaan na hindi dapat lagyan ng links ang mga petsa para lamang sa layuning autoformatting; kadalasan, napagkasunduang may limitadong mga kasong kanais-nais ang paglalagay ng mga link sa mga petsa. Gayundin sa mga bilang. Pakiusap na huwag lagyan ng mga link sa mga terminong pamilyar sa maraming mga mambabasa, kabilang ang karaniwang mga trabaho (hal., "manunulat"), tanyag na mga terminong heograpiko (hal, "Pilipinas"), o pang-araw-araw na mga bagay (hal., "gatas").
- I-pormat ang pambungad na seksiyon. Lumikha o pagbutihan ang pambungad na talata. Dapat na "maibigyang kahulugan nito ang paksa, maitatag nito ang konteksto, maipaliwanag kung bakit kawili-wili o kapansin-pansin ang paksa, at maibuod nito ang pinakamahalagang mga punto."
- Ayusin ang pagkakaayos o layout. Ayusin ang mga heading ng bawat seksiyon tulad ng inilalarawan sa Wikipedia:Mga gabay sa estilo sa paglalathala/Pagkakaayos. Siguraduhing anumang mga padron ng usbong (Padron:Stub) ay pagkatapos ng anumang mga link ng kategorya, at hinihiwalay ng dalawang mga blangkong linya.
- Palitan ang mga HTML tag gamit ang wiki markup, kung mayroon. Hindi pinahihintulutan ang paggamit ng mga HTML tag kung umiiral ang katumbas na wiki markup. Halimbawa, sa halip na
<b>makapal na teksto</b>
, gamitin ang'''makapal na teksto'''
(para sa makapal na teksto). Ngunit pinahihintulutan ang HTML kapag walang umiiral na katumbas na wiki markup: halimbawa,H<sub>2</sub>O
para sa mga subscript at
para sa isang non-breaking space o espasyong hindi maghihiwalay sa bagong linya, bagamat sa karamihang mga kaso mayroong mga alternatibong padron (tulad ng {{sub}}) na mas ninanais. Ang Tulong:HTML sa wikitext ay may talaan ng lipas nang mga HTML tag at mga katumbas nitong wiki markup para sa karamihang mga tag; ang Tulong:Wikitext ay may mas-marami pang mga halimbawa ng sintaks ng wikitext. - Maglagay ng infobox kung naaangkop. Maglagay ng mga kahon ng impormasyon o infoboxes kung naaangkop ito sa artikulo; gumamit ng mga subtemplate kung akma.
- Para sa artikulo tungkol sa isang tao, gumamit ng {{BD}} upang magdagdag ang isang sort key at mga kategorya. Ang tatlong mga parametro ng padron ito ay awtomatikong magdaragdag ng sort key, mga kategorya ng kapanganakan at kamatayan, at Kategorya:Nabubuhay na mga tao kung gayon. Para sa ibang mga artikulo, gumamit ng {{DEFAULTSORT:}} para magdagdag ng isang sortkey.
- Maglagay ng {{Walang tugmaang-pampook}} kung nawawala. Walang mga koordinado ang isang artikulo hinggil sa isang lugar o gusali? Maglagay nito, kalakip ng isang angkop na parametrong panrehiyon. Mas-mainam, hanapin ang koordinado at ilagay iyan sa artikulo, gamit ang {{Coord}}!
- Tanggalin ang tag. Matatanggal ang artikulo sa talang ito ng naka-tag na mga pahina.
- Ilathala ang iyong mga binago!