Wikipedia:WikiProyekto Pagbati
Maligayang pagdating sa WikiProyekto Pagbati!
Nilalayon naming batiin ang lahat ng mga bagong Wikipedista, maging manggagamit na nakatala man o hindi, sa mga layuning paramihin ang mga Wikipedista, upang palawigin at pagbutihin ang Wikipediang Tagalog, at pagyamanin ang wikang Tagalog. Lahat ito ay upang magkaroon ng magandang impresyon ang mga bago at magiging bagong Wikipedistang magbago at magpabuti ng Wikipediang ito.
Mga suleras
[baguhin ang wikitext]Pagbati
[baguhin ang wikitext]Ang mga sumusunod ay mga suleras ng WikiProyekto Pagbati sa pagbati. Ilagay sa kanilang pahinang pang-usapan, hindi sa mismong pahinang pangmanggagamit.
Tandaan ang WikiProyektong ito ay hindi lamang para sa pagbati ng mga nakakatulong na Wikipedista, maging mga bandalo ay babatiin din natin. Ito ay dahil maaari pa silang magbago at maging isang mabuting Wikipedista. Kung bandalo nga ang babatiin ay bigyan na lamang sila ng isang mabuti, mahinahon, malumanay at palakaibigang babala. Kailanman ay huwag silang takutin.
Uri | Kodigo | Paggamit |
---|---|---|
Pangkaraniwan | {{subst:Pambati}}~~~~
|
Para sa mga Wikipedistang nakatala na |
Di-kilala | {{subst:Pambati|di-kilala}}~~~~
|
Para sa mga Wikipedistang hindi pa nakatala |
Bandalo | {{subst:Pambati|bandalo}}~~~~
|
Para sa mga Bandalong Wikipedistang nakatala na |
Bandalo at di-kilala | {{subst:Pambati|bandalo-di-kilala}}~~~~
|
Para sa mga Bandalong Wikipedistang hindi pa nakatala |
Kasapi
[baguhin ang wikitext]Ito naman ang mga suleras ng WikiProyekto Pagbati para sa mga kasapi ng Wikiproyekto.
Kung hangad mong masama sa WikiProyekto maaari mong iragdag ang sumusunod na suleras sa iyong pahinang pangmanggagamit. Kung ayaw mo namang gumamit ng mga kahong pangmanggagamit ngunit gusto pa ring maging isang kasapi ng WikiProyekto ay maaari mong iragdag ito sa iyong pahinang pangmanggagamit: [[Kategorya:Mga mambabati]].
|
|