Agham-tao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang agham-tao o dalubtauhan o antropolohiya o Ingles na anthropology (mula sa salitang Griyego na anthropo "pagiging tao" + logia "salita") ay ang pag-aaral sa lahi ng tao. (Tingnan ang genus Homo.) Holistiko ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapan sa antropolohiya ang kultura at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri (species) sa isang unibersal na kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo—at ating sarili—na nakabatay.

(Ang mga tinandang taon na menos ay ukol sa Common Era na bilang.)

Mga subespesye sa tradisyunal na agham-tao[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa tradisyunal na agham-tao, may apat na subespesye ang espesye ng taong Homo sapiens, ang Kawkasoyd (puti), Monggoloyd (dilaw o pula), Negroyd (itim), at Awstraloyd (itim din). Puwede ring ibaybayin ang mga salitang ito ng Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid.

Isang model ng relasyon ng tao ito.

Ang teoriya ng ilang antropologo ay ang Australoid subspecies ay nag-diverge galing sa orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -73 000 hanggang -60 000. Maiitim ang balat nila, ng mga Australoid. Kahit na kalimitang itim ang buhok nila, may ilan sa kanila na parang mapula o blonda ang buhok. Kung talagang tutuusin, ang varyant ng Australoid sa India ay medyo magkaiba sa mga naroon sa Australia. Kung minsan, Proto-Australoid o Veddoid ang tawag sa mga nasa Asya. At sa recent history, nagmestiso sila nang kasama ang mga Caucasoid, yung mga Aryan. Mestiso ngayon ang India. Pagkatapos ng taong -4000 nagsimula ang mestisasyon, kasunod ng kung tawagin ay Aryan Invasion.

Ang sabi ng ibang researcher, na-colonize ng mga Australoid ang Australia nang simulang taong -70 000 o -50 000. Dumaan sila via India at South-East Asia, galing Africa. Ilang alon ang dumaan. Kaya, matagal na. Ang nangyari ay parang naiwanan ang mga Proto-Australoid o Veddoid sa India ng mga naging talagang Australoid sa Australia. (Ang Proto-Australoid ay Australoid din kung tutuusin.)

Sa South-East Asia at Pacific, nakabangka ang mga Australoid. At nang unang panahon, may mga land bridge na mararaanan nila.

Magkaiba ang Negroid ng Africa sa Australoid. Magkaiba ang skeleton at iba pa. Pero nga, pareho silang maitim ang balat. Nag-diverge sa mga Negroid ang orihinal na grupong Caucasoid-Mongoloid nang taong -108 000. At nag-diverge din ang mga Mongoloid doon nang taong -39 000. Mga aproksimasyon lamang ang mga bilang at may mga taong kalagitnaan sa porma noong nag-diverge.

Ang Mongoloid subspecies ay may maraming varyant din. Ang mga Northern Mongoloid ay ang mga Intsik, Koreano, at iba pa. Ang mga Amerindian o kung tawag ng ilan ay Proto-Mongoloid ay kasama sa subspecies na ito. Nagsimula nang mga taong -38 000 hanggang -10 000 ang colonisasyon sa hilaga at timog ng mga Amerika. Galing Asya, tumawid sila sa Bering Land Bridge papuntang Amerika. Tapos, dahan-dahan silang naglakad hanggang sa Timog na Amerika. Ilang libong taon ang lumipas. Dahil may Ice Age, may Bering Land Bridge na ngayon ay Bering Sea. Iba-iba ang itsura ng mga Amerindian, pero kalimitang hindi sila kasing singkit ng mga Northern Mongoloid. Iba naman ang mga Eskimo na tumawid galing Siberia papunta sa Arctic ng Amerika noong mga taong -8000. Mas parang Northern Mongoloid ang Eskimo, pero may kahalong parang Amerindian.

N = Negrito Australoids, A = Aboriginal Australoids, Sinodont = ngiping Intsik, Sundadont = ngiping Sundanes

May teoriya ang ilang antropologo na ang mga Australoid ay nauna sa mga Amerika noong taong -52 000. Ang tawag ng mga teorista sa mga taong ito ay Pre-Siberian American Aborigines. Iyon ang teoriya, na naunahan ng mga Australoid ang mga Mongoloid sa Amerika. Naglakad sila galing sa South-East Asia. Tapos, umakyat sila sa East Asia at tumawid ng Bering Land Bridge hanggang mga Amerika. Ang tawag ay The Great Coastal Migration ng Proto-Australoid.

Mayroon pang ibang klaseng Mongoloid, yung Southern Mongoloid, na talagang mestisuhin ng Mongoloid at Australoid. Nagsimula nang taong -4000 sa pook ng Taiwan. Tapos, sinakop nila ang South-East Asia na puno ng maiitim na Australoid at naghalo sila. Tapos, kumalat sila sa Pacific at hanggang Madagascar, Island South-East Asia (ISEA), Hawaii, Tahiti, Samoa, New Zealand, at iba pa. Ang mga Polynesian ay Southern Mongoloid. Sa Madagascar, isla na katabi ng East Africa, natagpo nila ang mga Negroid na naroon na at naghalo sila. Ang mga Melanesian at Papuan sa Pacific ay mga iba-ibang klaseng Australoid. Nakakapagtaka rin na may mga parang Negroid na kasama sa kanila. Parang kulang ang research dito.

Ang katauhan ng mga Hapon ay komplikado. Myth lamang na sila ay homogeneous o homogenous na lipunan. Ang katotohanan ay mga parang mestisuhin sila ng Northern Mongoloid, Amerindian, Southern Mongoloid, at Caucasoid. Dahil nito, iba ang itsura nila sa Intsik. Sa halo-halo, naging ibang rasa sila. Ang mga unang katauhan sa Hapon ay kasama ang Ainu, na maiitim ang buhok, mabalahibo, at balbasin. Ito yata ay isa sa mga tribu na naglibot sa Siberia. Baka mga mestiso na sila noong unang panahon man.

May naniniwala na ang mga Amerindian at Eskimo, bagamat sila'y karamihang Mongoloid, ay may kaunting lahing Caucasoid o Australoid na bago pa dumating si Christopher Columbus.

Ang kaisipan ng Hapones na si Dr. Akazawa Takeru ay may dalawa lamang bersiyon ng Monggoloyd, ang Paleo-Monggoloyd at ang Neo-Monggoloyd. Ang mga Neo-Monggoloyd ay mga Intsik, Buryat, Eskimo, Chukchi, atbp. Ang mga Paleo-Mongggoloyd ay mga Burmes, Pilipino, Polinesyano, Jōmon, Amerindiyo, atbp. Ang Awstronesyo nga ay klasipikadong Paleo-Monggoloyd. Kung minsan, ang tawag sa Awstronesyo ay Monggoloyd-Timog.

Dalawa naman ang klase ng Caucasoid subspecies, yung Mediterranean at Nordic. Ang mga Mediterranean ay maiitim ang buhok, malimit ay blue black, kung minsan ay red black, at kung minsan ay talagang dark brown. Iba-iba rin ang kulay ng mata. Ang mga Nordic naman ay blond, o brown, o red ang buhok. Iba-iba ang kulay ng mata. Mas maputla ang kulay ng balat ng mga Nordic kaysa sa mga Mediterranean. May genetic mutation nang taong -9000, noong pinakahuling Ice Age, na nagresulta sa blond na buhok.

Ang dakilang wikang tribong Caucasoid ng Indo-European ay, sabi ng isang teoriya, nagsimula sa Southern Russia, malapit sa Black Sea, noong taong -4000. Nakakabayo sila at kumalat sila sa Europa at India. Sa India, sinakop nila ang mga Proto-Australoid. Ang wikang PIE o Proto-Indo-European ay wikang ama ng mga karamihan ng mga wika ngayon sa Europa at Hilaga ng India. Kasama na ang mga Aleman, Latino, Griyego, Slabiko, Keltiko, at iba pa. Ibang pamilya ito kaysa sa mga Uralic ng Finnish at Hungarian. Language isolate noong pang huling Ice Age naman ang Basque o Euskara sa Espanya, na sinakop ng mga Indo-European.

Isang model ng ebolusyon ng tao ito.

Ibang tao sa genus Homo[baguhin | baguhin ang batayan]

Lahat ng mga human subspecies, yung Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid ay nanggaling sa malayong Africa, nang taong -200 000, sa anumang original human form ng Homo sapiens. May kapatid ang species na ito na ang tawag ay Homo neanderthalensis. May interbreeding na baka nangyari noong -80 000 hanggang -50 000 sa Middle East. Walang natira sa kanilang puro, ngayon. Mayroon ding Homo denisova. Ang genus nating Homo ay may maraming species at mga 2.3 milyong taon na. Ang Homo sapiens ay isa lamang sa mga species ng genus Homo. May ilang tao ngayong may kaunting lahing Homo neanderthalensis o kaya Homo denisova.

Alam na ang Homo neanderthalensis ay may mas malaking utak sa modernong tao. Ang average brain size nila ay 1450 cc at ang modernong Homo sapiens naman ay 1330 cc. Kung talagang mas matalino sila ay di alam. Marahil bukod sa itim ang buhok, may mapula o madilaw na buhok din sa mga Homo neanderthalensis (o Neanderthal kung tawagin).

Alam ng dalub-agham na ang mga human subspecies na Caucasoid, Mongoloid, Negroid, at Australoid ay magkasama sa isang species, yung Homo sapiens. Ang isang dahilan ay pareho ang chromosome count nila: 46.

Espekulasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

May mga taong hindi naniniwala sa ebolusyon ng tao. Isip nila'y may ilang espesye ng genus Homo na parang hindi magkarugtong. Ayon kay Tuesday Lobsang Rampa, tinanim ang tao nang parang hardin. May mga kung tawagin ay mga Hardinero. Ang Tiyera'y isa sa kanilang mga hardin. Kung minsan, nag-aalis din sila ng damo.

Bagong Tanaw[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa pinakabagong agham-tao, hindi na masyadong naniniwala sa mga "rasa" sa analisis ng katauhan. Ginagamit ng dalubtao ang human genetic clustering o principal components analysis dahil malawak ang mga iba-ibang henetikang atribyut ng mga tao. Alam na di puro ang mga "rasa" ng tao.

Sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang karamihan sa Pilipinas ay may lahi ng mga Awstronesyo. Paleo-Monggoloyd o Monggoloyd-Timog din kung tawagin sila. May mga Pilipinong may lahing Neo-Monggoloyd o Monggoloyd-Hilaga (gaya ng Intsik o Hapon) nang kasama. May mga Pilipinong may lahing Kawkasoyd, katulad ng Kastila. Dahil ang Meksiko ang nag-alaga sa Pilipinas noong ilang siglong nakalipas, may Pilipino ring may lahing Amerindiyo (Monggoloyd din), katulad ng tribung Nahuatl sa Meksiko. (Ang mga salitang tatay at nanay ay galing sa Nahuatl na tatl at nantl.) Maraming mestiso sa Pilipinas. Ang mestisong Intsik ay Tsinito o Tsinoy kung tawagin.

Mga taong prehistoriko[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga subespesye noong taong mga -8 000

Mga Kulay[baguhin | baguhin ang batayan]

  Caucasoid
  Congoid
  Capoid
  Mongoloid
  Australoid

Ibang Kategorisasyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Congoid at Capoid ay mga dibisyon ng Negroid. Sa ibang research, iba silang subspecies. Ang Capoid ay singkit ang mata at golden brown ang balat at hindi sepia. Kung ito ay separate development sa mga Silangang Asyano o kung may lahi silang Asyano ay di pa alam. Kulang ang research sa antropolohiya talaga at ang isang rason ay itong subject ay mapolitika. (Ang Africanid ay Congoid.) Dahil may mga Awstronesyo (Mongoloid) sa Madagaskar na nasa tabi ng kontinenteng Africa, di improbable na narating ng mga Asyano ang kontinente mismo. Di improbable na pabalik-balik ang mga iba-ibang subspecies sa surpasyo ng Tiyera. Sa palagay, marahil may tatlong klaseng itim na tao, ang Congoid, Capoid, at Australoid.

Mga tao ngayon[baguhin | baguhin ang batayan]

Etnikong distribusyon ngayon sa mundo, sa pangkaraniwan

Mga Kulay[baguhin | baguhin ang batayan]

  Aprikano sa Sahara-ilalim (Africanid-Capoid)
  Amerikanong Mulato (Africanid-Caucasoid)
  Turkik (Caucasoid-Mongoloid)
  Euro-Caucasian (Caucasoid)
  Semitik (Caucasoid)
  Siberyano o Eskimo (Mongoloid)
  Silangang Asyano at Amerindiyo (Mongoloid)
  Mestiso (Mongoloid-Caucasoid)
  Silangang Asyano at Timog-Silangang Asyano (Mongoloid)
  Amerikanong Trirasyal (Africanid-Mongoloid-Caucasoid)
  Papuano o Melanesyano (Australoid)
  Bumbay (Caucasoid na iba-ibang grado ng Australoid at Mongoloid na nakasama)

Dahil mas mahusay ang transportasyon ngayon, mas pangkaraniwan ang paghalohalo ng tao. Ngunit may mga antigong relasyon na di alam ng tao, katulad na ang marami sa mga Caucasoid sa Rusya ay may kaunting lahing Hun o iba pang Mongoloid. Sa Hilagang Amerika, ang mga Caucasoid na maraming henerasyon na roon ay may probabilidad na may kaunting lahing Amerindian (Mongoloid). Sa Latinong Amerika ay talagang pangkaraniwan ang mestisasyon. Ang mga Caucasoid sa Gitnang Silangan na Semitik ay may kaunting lahing itim. Maraming itim sa Africa ay may kaunting lahing Arabo (Semitik na Caucasoid). Sa Silangang Asya rin ay naghalohalo ang tao; halimbawa ang mga may lahing Turkikong mestisong Uighur sa Xinjiang ng Tsina at mga apo sa talampakan ng marinerong Portuges sa baybayin ng Tsina. Marahil di tunay talaga ang konsepto ng "purismo" sa rasa ng tao.

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]