Alfonso, Kabite

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Alfonso
—  Bayan  —

Sagisag
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Alfonso.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Cavite
Distrito Pangpitong Distrito ng Cavite
Mga barangay 32
Pamahalaan
 • Punong-bayan Virgilio P. Varias
Lawak
 • Kabuuan 66.58 km2 (25.71 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 48,567
Zip Code 4123
Kodigong pantawag 46
Kaurian ng kita Unang Klase
PSGC 42101000
Sensus ng populasyon ng
Alfonso, Cavite
Senso Populasyon +/-
1990 28,944
1995 34,613 3.6%
2000 39,674 2.97%
2007 47,973 2.65%
2010 48,567 0.17%

Ang Bayan ng Alfonso ay isang Ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Cavite sa Pilipinas. Ayon sa 2010 census, mayroon itong 48,567. Mayroon ito ng 72.60 kilometro kwadradong sukat ng lupa.

Ang pananampalatayang katoliko kristiyano ay lumago at umunlad sa pagdaan ng mahabang panahon sa pagkakaroon ng sariling parokya na hiwalay sa bayan ng Indang noong taong 1861. Taong 1861 napasimulan ang Parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso, Cavite. Ang parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso ang may pinakamagandang patyo sa buong lalawigan ng Cavite at siya ding may pinamagandang tunog ang kampana. Noong taong 1997, nagkaroon ng pangalawang parokya sa Kaytitinga, Alfonso, Cavite. Ang bagong parokya ay binubuo ng barangay Kaytitinga I, II, III, Sta. Theresa, Sinaliw Malaki, Sinaliw Munti, Bilog, Buck Estate, Kaysuyo, Amuyong, Palumlum at Upli. Ang kasalukuyang Paring tagapamahala sa bagong parokya ay si Reb. Padre Lino N. de Castro.

Heograpiya[baguhin]

Isang mataas na bayan ang Alfonso, na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng lalawigan ng Cavite. May layo itong 74 kilometro mula sa Maynila. Naghahanggan ang bayan ng Alfonso sa bayan ng Magallanes sa kanluran, sa lalawigan ng Batangas sa timog, sa bayan ng Mendez at lungsod ng Tagaytay sa silangan, sa Heneral Aguinaldo sa hilagang kanluran at sa bayan ng Indang sa hilagang silangan.

Mga Barangay[baguhin]

Ang Alfonso ay nahahati sa 32 mga barangay.

  • Barangay I (Pob.)
  • Barangay II (Pob.)
  • Barangay III (Pob.)
  • Barangay IV (Pob.)
  • Barangay V (Pob.)
  • Amuyong
  • Buck Estate
  • Esperanza Ibaba
  • Kaytitinga I
  • Luksuhin Ilaya
  • Luksuhin Ibaba
  • Mangas I
  • Marahan I
  • Matagbak I
  • Pajo
  • Sikat
  • Sinaliw Malaki
  • Sinaliw na Munti
  • Sulsugin
  • Taywanak Ibaba
  • Taywanak Ilaya
  • Upli
  • Kaysuyo
  • Luksuhin Ilaya
  • Palumlum
  • Bilog
  • Esperanza Ilaya
  • Kaytitinga II
  • Kaytitinga III
  • Mangas II
  • Marahan II
  • Matagbak II
  • Santa Teresa

Mga Kawing Panlabas[baguhin]