Anak ng Diyos

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Huwag itong ikalito sa Mga Anak ng Diyos at sa Diyos Anak.
Si Hesus na Anak ng Diyos, habang nangangaral ukol sa mayamang lalaki at kaharian ng Diyos. Isa itong paglalarawan ng isang pintor na Intsik ukol sa kuwentong ito na inilahad sa Ebanghelyo ni Marcos (Marcos 10). Ipininta ito sa Beijing, Tsina noong 1879.

Ang Anak ng Diyos (Ingles: Son of God), na minsan ring tinatawag na "Anak ng Tao"[1], ay isang pariralang matatagpuan sa Bibliyang Hebreo, sa iba pang sari-saring mga tekstong Hudyo, at sa Bibliyang Kristiyano. Sa Tanakh, mga banal na kasulatang Hebreo, na naaayon sa tradisyon ng Hudaismo, maraming mga maaaring maging kahulugan ang Anak ng Diyos, na tumutukoy sa mga anghel, o mga tao, o maging lahat ng sangkatauhan. Batay sa karamihan ng mga denominasyong Kristiyano, tumutukoy din ito sa ugnayan o relasyon sa pagitan ni Hesus (bilang anak) at ng Diyos (bilang ama ng anak na si Hesus), partikular na ang pagiging Diyos Anak ni Hesus.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "Anak ng Diyos, Anak ng tao". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa 35, pahina 1576.


PananampalatayaKristiyanismoHudaismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya, Kristiyanismo at Hudaismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.