Fidel Castro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Fidel Castro
Fidel Castro

Fidel Castro, 2003


Panunungkulan
2 Disyembre 1976 – 24 Pebrero 2008[1]
Pangalawang Pangulo Unang Pangalawang Pangulo:
Raúl Castro
(Acting President simula noong 31 Hulyo 2006)
Iba pang Pangalawang Pangulo:
Juan Almeida Bosque
Abelardo Colome Ibarra
Carlos Lage Davila
Esteban Lazo Hernández
José Machado Ventura
Sinundan si Osvaldo Dorticós Torrado
Sinundan ni Raúl Castro

Panunungkulan
16 Pebrero 1959 – 2 Disyembre 1976
Sinundan si José Miró Cardona
Sinundan ni Isinama sa tanggapan ng Pangulo ng Konseho ng mga Ministro

Kapanganakan 13 Agosto 1926 (1926-08-13) (88 taong gulang)
Birán, Holguín Province, Kuba
Kabansaan Kuban
Partidong politikal Partido Komunista ng Kuba
Asawa (1) Mirta Díaz-Balart Gutierrez (divorced 1955)
(2) Dalia Soto del Valle
Kamag-anak Natalia Revuelta y Clews
Mga anak Fidel Angel Castro Diaz-Balart
Alina Fernandez-Revuelta
Alexis Castro-Soto
Alejandro Castro-Soto
Antonio Castro-Soto
Angel Castro-Soto
Alain Castro-Soto
Jorge Angel Castro[2]
Francisca Pupo[2]
Alma mater Colegio de Belen
University of Havana
Propesyon Lawyer
Relihiyon Self-defined as secular, dating Romano Katoliko
Lagda Lagda ni Fidel Castro
Fidel Castro, 2006

Si Fidel Castro Ruz (ipinanganak 13 Agosto 1926) ay namamahala ng Cuba simula pa noong 1959, kung saan noong panahong iyon, pinamunuan Kilusang ika-26 ng Hulyo, pinatalsik niya ang rehimen ni Fulgencio Batista, at binago ang anyo ng Cuba sa kauna-unahang estadong komunista sa Kanlurang Hemisperyo.

Unang nagkaroon ng atensiyon kay Castro ang buhay politika sa Cuba sa pamamagitan ng kanyang aktibismo bilang mag-aaral; ang prangka niyang nasyonalismo at radikal na pagpuna kay Batista at impluwensiya ng Estados Unidos sa Cuba ang nagdala ng pagtanggap, kritisismo, at atensiyon mula sa mga awtoridad. Sa bandang huli, ang kanyang mga pag-atake sa Baraks ng Moncada, at mga sunod-sunod na pagtapon sa kanya, at ang guerillang pagsakop sa Cuba noong Disyembre 1956 ang nagtatak sa kanyang katanyagan sa buong mundo. Simula nang umakyat sa kapangyarihan noong 1959, naging mas kontrobersiyal, at maimpluwensiya, na pinainit ang maraming pagkondena, paghanga, at pagtatalo.

Sa internasyunal na relasyon, nagbunga ang kanyang pamumuno ng mga tensiyon sa Estados Unidos (umabot sa rurok noong Krisis ng Misil sa Cuba) at isang malapit na samahan sa Unyong Sobyet. Sa pamumuno ng Cuba, pinamahalaan niya ang implementasyon ng radikal na reporma pang-lupa na sinundan ng kolektibisasyon ng agrikultura, nasyonalisasyon ng mga nangungunang industriya sa Cuba (nasa ilalim ng Estados Unidos ang ilan), at mga programang panlipunan na pinamulaan ang pangkalahatang pag-ingat sa kalusugan at pinalawak ang walang bayad na pampublikong edukasyon. Nagkaroon ang pamahalaan ni Castro ng malawak na suporta sa mga taga-Cuba sa simula ngunit inalayo ang kalooban ng maraming gitna at mataas na uri ng lipunan habang ang bagong pamahalaan ay ginawang pambansa ang mga industriya, pinigilan ang lahat ng partidong oposisyon, at tinakdaan ang pangingibang bayan

Kapag namatay o nagkaroon ng matinding sakit, mapupunta ng legal ang pamamahala ni Castro kay Bise Presidente Raúl Castro, ang kanyang kapatid.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "Raul Castro named Cuban president". BBC. 2008-02-24. http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/7261204.stm. Hinango noong 2008-02-24. "Raul, 76, has in effect been president since and the National Assembly vote was seen as formalising his position." 
  2. 2.0 2.1 http://www.canf.org/es/ENSAYOS/2003-dic-09-vida_secreta_del_tirano_castro.htm




Kuba Ang lathalaing ito na tungkol sa Kuba ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.