Herodes Antipas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nuremberg chronicles f 096v 1.png

Si Herodes Antipas[1] (pinaikling Antipatros) (bago ang 20 BK – pagkaraan ng 39 AD) ay isang pinuno ng Galilea at Perea noong unang daang taon AD, na nagtangan ng pamagat na tetrarka ("pinuno ng isang ika-apat"). Higit na kilala siya sa ngayon dahil sa kanyang naging gampanin sa mga pangyayaring humantong sa pagpapakitil ng buhay nina Juan Bautista[1] at Hesus ng Nasaret, na kapwa nagmula sa mga pagsasalaysay ng mga kaganapang nasa Bagong Tipan at sa paglalarawan ng mga pangyayaring ito sa pamamagitan ng makabagong midya, katulad ng pelikula.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C.. (2000). "Herodes Antipas". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., talababa 31, pahina 1538.



TalambuhayBibliyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.