Hika
Ang hika, kilala sa Ingles bilang asthma o asthma bronchiale, ay isang pangkaraniwang karamdaman ng baga. Dahil sa hika, nahihirapang huminga ang mga taong mayroon ng sakit na ito. Maaaring hindi na gumaling mula sa hika ang mga tao kapag nagkaroon nito, isa itong panghabang-buhay na kalagayan. Ang mga baga at lalamunan (daanan ng hininga) ay palagiang namamaga. Ang mga taong hikain ay mayroong mas maraming uhog kaysa normal na mga tao at ang mga masel na nakabalot sa paligid ng mga baga ay napakamaselan o sensitibo. Ang atake ng hika ay kapag may isang bagay na nakapag-uumpisa o nakapagsasanhi sa maselang mga baga na humigpit at gumawa ng marami pang uhog kasya pangkaraniwan. Kapag mas namamaga ang mga baga nagiging mas mahigpit ang mga baga. Na lumalaong sumasapit sa kamatayan. Ang mga sumpong ng hika ay itinuturing ng mga manggagamot bilang malalang emerhensiya.
Mga nilalaman |
Paglalarawan[baguhin]
Ang katawagan sa Ingles ng hika na asthma ay nanggaling sa wikang Griyegong άσθμα, ásthma, na may kahulugang "hinihingal" o "humahagok". Sa mas pangmedisinang paglalarawan, ang hika ay isang pangkaraniwang pangmatagalan at paulit-ulit na sakit ng pamamaga ng mga bronchus o daanan ng hangin na may katangiang pabagu-bago at pabalik-balik na mga sintomas, naipapanumbalik sa dati na harang sa daloy ng hininga, at "pulikat ng daanan ng hangin" o bronchospasm.[1] Kasama sa mga sintomas ng hika ang paghingang may huni, pag-ubo, kahigpitan sa dibdib, at kahirapan sa paghinga.[2] Sa pangklinikang pag-uuri ang hika ay maikakategorya ayon sa dalas ng sintomas, pinuwersang bolyum ng inilabas na hininga sa loob ng isang segundo (forced expiratory volume in 1 second, FEV1), at sagsag na antas ng dalos ng palabas na hininga.[3] Ang hika ay maaari ring iklasipika bilang atopiko (ekstrinsiko) o hindi-atopiko (intrinsiko).[4]
Sanhi ng hika[baguhin]
Pinaniniwalaan na ang hika ay dulot ng isang kumbinasyon ng mga bagay-bagay na panghenetika at pangkapiligiran.[5] Ang pagbibigay ng lunas sa malubhang mga sintomas ay pangkaraniwang sa pamamagitan ng isang pagsinghot ng may pandaliang talab na agonistang beta-2 (tulad ng salbutamol).[6] Ang mga sintomas ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pag-iwas ng mga pampahika, katulad ng mga allergen, mga bagay na nakapagpapahika[7] at mga pampayamot (mga iritante), mga bagay na nakapagpapa-irita at sa pamamagitan ng paglanghap ng mga corticosteroid.[8] Ang mga antagonista ng leukotriene ay hindi gaanong mabisa kaysa sa mga corticosteroid kung kaya't hindi gaanong ninanais gamitin.[9]
Diyagnosis[baguhin]
Ang diyagnosis ng hika ay pangkaraniwang ginagagawa batay sa gawi ng mga sintomas at/o sa tugon sa terapiya sa pagdaan ng panahon.[10] Ang paglaganap ng hika ay tumaas magmula noong dekada 1970. Mula noong 2010, 300 milyong mga tao ang naapektuhan sa buong mundo.[11] Noong 2009, nagdulot ang hika ng 250,000 mga kamatayan sa buong daigdig.[12] Sa kabila nito, kung may angkop na pagkontrol ng hika na mayroon ng tinatawag na terapiyang "step down" (literal na humakbang paibaba), ang prognosis (tantiyang kalalabasan ng sakit matapos gamutin) sa pangkalahatan ay mabuti.[13]
Sumpong ng hika[baguhin]
Ang mga sumpong ng hika ay nilulunasan sa pamamagitan ng mga aparatong panglanghap na may gamot na pangsagip (tinatawag na mga inhaler o nebulizer) na sinisinghot ng isang tao papunta sa kanyang mga baga. Hindi palaging madaling malaman kung ang tao ay hinihika o sinusumpong ng hika; natatanging may kahirapang malaman kung gaano kasama ang atake ng hika sa mga bata. Ang mga bagay na dapat pagtuunan ay ang mga katulad ng:
- Nahihirapan sa paghinga.
- Paggamit ng tiyan, mga masel ng dibdib o mga masel na nasa ibaba ng dibdib, upang makatulong sa paghinga.
- Ayaw kumain ng bata. Ayaw sumuso ng sanggol.
- Ang bata ay kailangang suminghap upang makatapos ng isang pangungusap.
- Ang gamot na pangsagip ay hindi nakapagpapainam ng kalagayan.
Ang mga sumpong ng hika ay maaaring idulot ng ehersisyo, mga alagang hayop, mga alerhiya, o marami pang ibang mga pampahika. Maaaring maging mapanganib ang mga atake ng hika. Tinatawag ng mga manggagamot ang pinakamalubhang mga sumpong ng hika bilang status asthmaticus, at pangkaraniwang ipinapasok sa ospital ang tao, papunta sa loob ng isang natatanging silid na kung tawagin ay intensive care unit.
Mga pampahika[baguhin]
Ang isang pampahika, nagpapahika, o nakapagpapahika ay anumang bagay na nagsasanhi ng paglala ng hika. Ang hika ay hindi isang bagay na naaalis kung kaya't ang mga baga ay laging naiirita at sensitibo. Ang mga pampahika ay nakapagdurulot ng paghihigpit ng mga baga. Ang karaniwang mga nakapagpapahika ay mga bagay na katulad ng:
- Usok ng sigarilyo (kahit na amoy lamang)
- Alagang hayop (mga pusa at mga aso)
- Mga kulisap
- Mga amag
- Panlabas na kapaligiran
- Ehersisyo
Ang paraan upang maiwasan ang mga pampahika ay tanggalin ang mga ito kung maaari.
Paglulunas[baguhin]
Sa mas kadalasan ang hika ay maaaring kontrolin sa pamamagitan ng pag-iwas sa pagdikit sa mga bagay na nakapagpapahika at sa pamamagitan ng paggamit ng ilang partikular na mga gamot. Karamihan sa mga may hika ang nagdadala ng natatanging mga gamot sa tuwi-tuwina kahit saan man sila magpunta. Tinatawag ang mga tiong mga panglanghap o pangsinghot (mga inhaler). Ang gamot na nasa loob ng panglanghap ang nagbubukas ng mga tubong papunta sa mga baga. Ang panglanghap ay pangkaraniwang ginagamit upang maiwasan ang sumpong ng hika, o pahintuin ang isang sumpong na nagaganap na.
Gamot na pangsagip — Ang gamot na pangsagip o rescue medicine ay isang panglanghap o panghitit na ginagamit kapag ang isang tao ay nakaisip o nakadama na nagkakaroon siya ng sumpong ng hika.
Gamot na pangkontrol — Ang gamot na pangkontrol ay isang gamot na maaaring isang pildora na iniinom o isang panglanghap na ginagamit araw-araw upang maiwasan ang mga sumpong ng hika.
Pangkariwang lunas sa ospital[baguhin]
Ang mga ospital ay mayroon mga mapagpipiliang mga panlunas na maaari nilang gamitin sa isang emerhensiya kapag ang regular na panglunas ay hindi naging mabisa:
- Oksiheno
- Ang ilang partikular na mga gamot na gumaganap na katulad ng isang pangwisik na panghika, subalit mas malakas.
- Ang ilang partikular na mga gamot na maibibigay sa pamamagitan ng pagdaan sa lloob ng ugat na daluyuan ng dugo (iyong papasok sa suwero).
- Mga steroid
- Mga pantulong sa paghinga (kasama ang mga tubo, at mga barbula para sa napakalubhang mga kaso).
Mga sanggunian[baguhin]
- ↑ NHLBI Guideline 2007, pp. 11–12
- ↑ British Guideline 2009, p. 3
- ↑ Yawn, BP (Setyembre 2008). "Factors accounting for asthma variability: achieving optimal symptom control for individual patients". Primary Care Respiratory Journal 17 (3): 138–147. doi:10.3132/pcrj.2008.00004. PMID 18264646. http://www.thepcrj.org/journ/vol17/17_3_138_147.pdf.
- ↑ Kumar, Vinay; Abbas, Abul K; Fausto, Nelson; Aster, Jon (2010). Robbins and Cotran Pathologic Basis of Disease (8th ed.). Saunders. p. 688. ISBN 9781416031215.
- ↑ Martinez FD (2007). "Genes, environments, development and asthma: a reappraisal". Eur Respir J 29 (1): 179–84. doi:10.1183/09031936.00087906. PMID 17197483.
- ↑ NHLBI Guideline 2007, p. 214
- ↑ NHLBI Guideline 2007, pp. 169–172
- ↑ GINA 2009, p. 69
- ↑ Fanta CH (March 2009). "Asthma". N Engl J Med 360 (10): 1002–14. doi:10.1056/NEJMra0804579. PMID 19264689.
- ↑ Lemanske RF, Busse WW (Pebrero 2010). "Asthma: clinical expression and molecular mechanisms". J. Allergy Clin. Immunol. 125 (2 Suppl 2): S95–102. doi:10.1016/j.jaci.2009.10.047. . PMID 20176271. http://www.pubmedcentral.nih.gov/articlerender.fcgi?tool=pmcentrez&artid=2853245.
- ↑ GINA 2010, p. 3
- ↑ GINA 2009, p. 2
- ↑ Tippets B, Guilbert TW (2009). "Managing Asthma in Children: Part 1: Making the Diagnosis, Assessing Severity". Consultant for Pediatricians 8 (5). http://www.consultantlive.com/asthma/article/10162/1414747.