Ina ng Salambaw

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Mahal na Birhen ng Salambao o Ina ng Salambaw ay isa sa mga pintakasing santo ng Obando, Bulacan, pook na malapit sa Maynila, Pilipinas. Siya rin ang santong pinagdadasalan ng mga mangingisda upang magkaroon ng mayamang huli. Hinango ang pangalan niya mula sa imahen ng Ina ng Imakulada Concepcion (Ina ng Malinis na Paglilihi) na nahuli ng mga mangingisdang sina Diego, Julian, at Juan dela Cruz sa pamamagitan ng kanilang salambaw, isang malaking lambat na nasa pinagkrus na mga bahaging kawayan na nakalagay sa isang balsa. Ipinagdiriwang ang kaniyang kapistahan tuwing Kalagitnaan ng buwan ng Mayo kasunod ng araw ng pagdiriwang para sa dalawa pang mga santong pinipintakasi sa Obando, Bulakan: ang ika 17 ng Mayo para kay San Pascual Baylon, ika 18 ng Mayo naman para kay Santa Clara, at ang ika 19 naman ng Mayo ay para naman sa Mahal na Birhen ng Salambao. Ipinagdiriwang ito kasama ang pagsasayaw ng Pandanggo sa Simbahan ng Obando o mas kilala sa Pangalang Parokya ni San Pascual Baylon, nasa Barangay ng Pag-asa sa Bayan ng Obando. Kilala rin ang Ina ng Salambaw sa katawagang hango sa wikang Kastila na Nuestra Señora dela Inmaculada Concepcion de Salambao. Nakuha ang imaheng ito noong ika 19 ng Hunyo 1763 at ito rin ang pintakasing santa ng mga magsasaka at mga mag-asawa na nais magkaroon ng supling. Ang tubig na pinagkunan sa imahen ng Mahal na Ina ay sagisag ng buhay.

Mga sanggunian[baguhin]

Tingnan din[baguhin]


Pananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.