J. R. R. Tolkien

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
J. R. R. Tolkien
Trabaho May-akda, Academic, Pilologo
Nasyonalidad Briton
Henero Panitikang pambata, Mataas na pantasya, Pagsasalin, Kritisismo
(Mga) kilalang gawa The Hobbit
The Lord of the Rings

Si John Ronald Reuel Tolkien (Enero 3, 1892 - Setyembre 2, 1973) o mas kilala sa bansag na J. R. R. Tolkien ay isang manunulat, manunula, mag-aaral ng mga kasulatan (pilologo) at dalubguro sa isang pamantasan na nakilala sa kanyang mga aklat na The Hobbit at The Lord of the Rings.

Isang Rawlinson at Bosworth na Dalubguro ng Anglo-Saxon sa Oxford si Tolkien mula 1925 hanggang 1945, Merton na Propesor ng wikang Ingles at panitikan mula 1945 hanggang 1959. Isa siyang malapit na kaibigan ni C. S. Lewis - kapwa sila miyembro ng isang hindi pormal na samahan tungkol sa panitikan na Inklings. Itinalaga rin siya bilang pinuno ng Order of the British Empire (OBE) ni Reyna Elizabeth II noong Marso 28, 1972.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.