Kalibo, Aklan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Kalibo
—  Bayan  —
Mapa ng Aklan na nagpapakita sa lokasyon ng Kalibo.
Bansa Pilipinas
Rehiyon VI (Kanlurang Visayas)
Lalawigan Aklan
Distrito Mag-isang Distrito ng Aklan
Mga barangay 16
Pamahalaan
 • Punong-bayan Raymar Rebaldo
Lawak
 • Kabuuan 50.75 km2 (19.59 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 74,619
Zip Code 5600
Kodigong pantawag 36
Kaurian ng kita Unang Klase
PSGC 60407000
Senso ng populasyon ng
Kalibo, Aklan
Senso Populasyon +/-
1990 51,387
1995 58,065 2.5%
2000 62,438 1.57%
2007 69,700 1.53%
2010 74,619 0.95%

Ang Kalibo ay isang unang klase ng munisipalidad na nasa lalawigan ng Aklan sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa hilaga-kanlurang bahagi ng Panay. Ito ang nagsisilbing kabisera ng Aklan. Ayon sa senso ng taong 2000, mayroong itong populasyon na 62,438 sa 12,628 tahanan. Ang Lungsod ng Roxas sa Capiz at ang Lungsod ng Iloilo sa Lalawigan ng Iloilo ang dalawang pinakamalapit na lungsod dito. Nararating ang mga ito sa pamamagitan ng bus o dyip.

Kilala ang Kalibo dahil sa pista ng Ati-atihan. Daanan din ito patungo sa Boracay, na 45 minuto lang ang layo galing sa daungan sa Caticlan. Nagsisilbi rin itong sentro ng edukasyon, kalusugan at komersyo ng lalawigan..

Nagmula ang "Kalibo" sa salitang "sangka libo" na ibig sabihin ay "isang libo" sa wikang Aklanon. Ayon sa alamat, ito ang bilang ng mga katutubong Ati (o Aeta) na sumama sa kauna-unahang misa sa lalawigan, kung saan nagmula rin ang pista ng Ati-atihan.

Maaaring mapuntahan ang Kalibo gamit ang mga eroplanong mula sa Maynila. Mapupuntahan din ito mula sa mga daungan ng Dumagit o New Washington. Traysikel ang karaniwang sasakyan sa bayan.

Mga barangay[baguhin]

Nahahati ang Kalibo sa 16 na barangay.

  • Andagao
  • Bachao Norte
  • Bachao Sur
  • Briones
  • Buswang New
  • Buswang Old
  • Caano
  • Estancia
  • Linabuan Norte
  • Mabilo
  • Mobo
  • Nalook
  • Poblacion
  • Pook
  • Tigayon
  • Tinigao

Estasyong Pantelebisyon[baguhin]

Mga kawing palabas[baguhin]