Kinshasa

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kinsasa)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Kinshasa (dating Léopoldville) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Demokratikong Republika ng Congo. Matatagpuan ito may Ilog Congo.

Dati-rati'y isang pamayanang namamalakaya, ang Kinshasa ngayon ay isang lungsod na may populasyon noong 2013 na umaabot ng 9 milyon.[1] Katapat naman ng lungsod ang Brazzaville, ang kabisera ng katabing bansa nitong Republika ng Congo na makikita sa kabilang dako ng malapad na Ilog Congo. Isa ang lungsod ng Kinshasa sa 11 lalawigan ng Congo. At dahil malawak ang nasasakupan ng lungsod–lalawigan na ito, mahigit sa 90% lupain ng lungsod–lalawigan ay kanayunan pa, at ang maliit na bahagi lamang ng lupain nito ay kabayanan na matatagpuan sa malayong kanlurang dulo ng lungsod–lalawigan.[2]

Ang Kinshasa ay ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Aprika, kasunod ng Cairo at Lagos.[1] Ito rin ang ikalawang pinakamalaking "francophone" na lungsod, kasunod ng Paris, dahil na rin Pranses ang wika ng pamahalaan, mga paaralan, pahayagan, lingkurang–bayan, at high–end na komersiyo sa lungsod, samantala ang wikang Lingala ay ang lingua franca sa kalye.[3] Kung magpapatuloy ang takbo ng demograpiko nito, malalagpasan ng Kinshasa ang Paris sa populasyon bandang 2020.[4] Idinaos sa Kinshasa ang ika-14 na summit ng Francophonie noong Oktubre 2012.[5]

Ang mga naninirahan sa Kinshasa ay tinatawag na Kinois.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]


Aprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.