Lapu-Lapu

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lapu-Lapu

Bantayog ni Lapu-Lapu sa Pulo ng Mactan
Kapanganakan 1491
Pulo ng Mactan (ngayon Punta Engaño, Mactan, Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu, Pilipinas)
Kamatayan 1542 (aged 50–51)
Iba pang pangalan
  • Çilapulapu
  • Si Lapulapu
  • LapuLapu
Kilala dahil sa Namuno sa mga hukbong Bisaya na pumatay kay Fernando Magallanes
Pamagat Datu ng Mactan

Si Lapu-Lapu (nakilala 1521) ay isang datu sa pulo ng Maktan, isang pulo sa Kabisayaan, Pilipinas, na nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes.[1] Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino.[2][3] Kilala rin siya sa mga pangalang Çilapulapu,[4] Si Lapulapu,[5] Salip Pulaka,[6][note 1] at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay din bilang Cali Pulaco),[7] subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.

Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang Muslim na mula sa mga Tausug.[8] Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.[9]

Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu). Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.

Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulla, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng 26 Abril 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan.Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapu-lapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya tuluyang pinatay ng mga sakop ni Lapu-lapu. Siya ay namatay dahil sa dalawang Kalabaw sa Batanggas, nang siya'y inimbita ng hari ng Estanza. Nang siya ay naghihintay sa kaibigan nyang nagsasaka, bigla siyang sinugod ng dalawang kalabaw at nawalan ng malay pagkatapos.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Briney, Amanda. "Ferdinand Magellan". http://geography.about.com/od/historyofgeography/a/magellan.htm. Nakuha noong 6 Pebrero 2013. 
  2. Zaide, Sonia M. (1994). The Philippines: A Unique Nation. All Nations Publishing Co., Inc.. pp. 83–84. ISBN 971-642-005-6. 
  3. De Guzman, Maria O. (1967). The Filipino Heroes. National Bookstore, Inc.. pp. 58. ISBN 971-08-2987-4. 
  4. Antonio Pigafetta (1812). "Pigafetta's Voyage Round the World". In John Pinkerton. A general collection of the best and most interesting voyages and travels in all parts of the world: many of which are now first translated into English ; digested on a new plan. Longman, Hurst, Rees, and Orme. p. 344. http://books.google.com.ph/books?id=WxsnAAAAMAAJ&dq=Pigafetta's%20Voyage%20Round%20the%20World&lr&pg=PA344#v=onepage&q=cilapulapu&f=false. 
  5. Antonio de Morga (1559–1636) annotations by José Rizal (1890). Sucesos de las islas Filipinas por el doctor Antonio de Morga, obra publicada en Méjico el an̄o de 1609. nuevamente sacada à luz y anotada por José Rizal y precedida de un prólogo del prof. Fernando Blumentritt.. Garnier hermanos. p. 4. http://quod.lib.umich.edu/cgi/t/text/pageviewer-idx?c=philamer;cc=philamer;q1=Lapulapu;rgn=full%20text;idno=AHZ9387.0001.001;didno=AHZ9387.0001.001;view=image;seq=00000050. 
  6. William Henry Scott (1994). Barangay: sixteenth-century Philippine culture and society. Ateneo de Manila University Pres. ISBN 9789715501354. 
  7. Albert P. Blaustein, Jay A. Sigler, Benjamin R. Beede (1977). "Republic of the Philippines: Cavite Declaration of 12 Hunyo 1898". Independence Documents of the World, Volume 2. Oceana Publications. p. 567. ISBN 0379007959. http://books.google.com.ph/books?id=3FzT7IFsSKoC&lpg=PA567&dq=King%20Kalipulako%20de%20Maktan&pg=PA567#v=onepage&q=King%20Kalipulako%20de%20Maktan&f=false. 
  8. http://books.google.co.uk/books?id=U3rXBdkCnL0C&pg=PA41&dq=lapu-lapu+muslim&hl=en&sa=X&ei=f-iFUvaKJ6SS7QbszIDICw&ved=0CDAQ6AEwAA#v=onepage&q=lapu-lapu%20muslim&f=false
  9. http://books.google.co.uk/books?id=axwAwWsxYOUC&pg=PT497&dq=lapu-lapu+muslim&hl=en&sa=X&ei=f-iFUvaKJ6SS7QbszIDICw&ved=0CD0Q6AEwAg#v=onepage&q=lapu-lapu%20muslim&f=false

Tanda[baguhin]

  1. Salip (and its variants Sarripada, Sipad, Paduka, Seri Paduka, and Salipada, etc.) is a royal title derived from the Sanskrit title Sri Paduka, denoting "His Highness". It is not derived from the Islamic title Khalīfah (Caliph), despite common misconception. The title is still used today in Malaysia as Seri Paduka.

Mga dagdag na babasahin[baguhin]

  • Agoncillo, Teodoro A. "Magellan and Lapu-Lapu". Fookien Times Yearbook, 1965, p. 634.
  • Alcina, Francisco, Historia de las Islas e Indios de Bisaya, MS 1668.
  • Correa, Gaspar, Lendas de India, Vol. 2, p. 630.
  • Cruz, Gemma, "Making Little Hero of Maktan."
  • Estabaya, D. M., "445 Years of Lapu-lapu", Weekly nation 1: 26–27, 25 Abril 1966.
  • Pigafetta, Antonio, Primo Viaje en Torno al Globo Terraqueo, Corredato di Notte de Carlo Amoteti, Milano, 1800.

Mga panlabas na kawing[baguhin]