Leila de Lima

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Leila de Lima
Leila de Lima

Kasalukuyan
Panunungkulan
30 Hunyo 2010
Pangulo Benigno Aquino III
Sinundan si Alberto Agra

Panunungkulan
Mayo 2008 – 30 Hunyo 2010
Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo
Sinundan si Purificacion Quisumbing
Sinundan ni Etta Rosales

Kapanganakan 27 Agosto 1959 (1959-08-27) (55 taong gulang)
Kabansaan Pilipino
Alma mater Pamantasang De La Salle
Kolehiyo ng San Beda
Propesyon DOJ Secretary
Relihiyon Katoliko Romano

Si Leila Magistrado de Lima (ipinanganak noong 27 Agosto 1959) ang kasalukuyang Kalihim ng Kagawaran ng Katarungan ng Pilipinas sa ilalim ni Pangulong Benigno S. Aquino III.

Bago nito, siya ay nanungkulan bilang Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Pilipinas mula 2008-2010.

Talambuhay[baguhin]

Siya ang panganay na anak ng dating Komisyonado ng Komisyon ng Halalan na si Vicente de Lima, at ni Norma Magistrado. Siya ay ipinanganak sa Lungsod ng Iriga at may dalawang anak na lalake.

Nagsitapos si de Lima noong 1980 mula sa Pamantasang De La Salle nang may digri sa Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan. Siya ay nagtapos na salutatoryan sa kaniyang Batsilyer ng Batas sa Kolehiyo ng Batas ng Kolehiyo ng San Beda noong 1985. Siya ang ika-8 pinakamataas sa 1985 Philippine Bar Examinations na may markang 86.26%.