Lusiper

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Si Lusiper o Satanas, iginuhit ni Gustave Doré para sa Paradise Lost (Nawalang Paraiso)[1] ni John Milton.
Ang pagkahulog ni Satanas o Lusiper, isa pang guhit ni Gustave Doré para sa Paradise Lost ni John Milton.

Ang Lusiper[2] ay isang pangalang kalimitang ibinibigay kay Satanas[2] sa pananampalatayang Kristiyano dahil sa isang partikular na paliwanag at pagkakaunawang nabanggit sa Aklat ng Isaiah ng Bibliya. Sa mas tuwirang pagtukoy, sinasabing ito ang dating pangalan ni Satanas bago palayasin mula sa kaharian ng langit. Naging singkahulugan din ito ng demonyo at diyablo.[2][3] Nangangahulugan ang mismong pangalang Satanas ng katunggali o adbersaryo.[3][4]

Sa Bibliya[baguhin]

Lusiper sa Biblia Sacra Vulgata:

Sa Lumang Tipan[baguhin]

Job 11:17 "At ang iyong buhay ay magiging lalong maliwanag kay sa katanghaliang tapat; bagaman magkaroon ng kadiliman, ay magiging gaya ng umaga (Lusiper)."
Job 38:32
Isaiah 14:12

Sa Isaiah 14:12, sagisag ang pangalang ito para isang hari ng Babilonya na malapit nang bumagsak mula sa katungkulan.[5]

Sa Bagong Tipan[baguhin]

Tungkol sa Kristo:

2 Pedro 1:19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga (Lusiper) ay sumilang sa inyong mga puso.

Sa tradisyon[baguhin]

Si Satanas, o Lusiper, ang kalaban[3] ng Diyos na may nais na wasakin ang lahat ng mga nilikha ng Diyos. Tinatawag din si Satanas bilang ang "isang masama", ang "prinsipe ng mundong ito" (ng lupa o daigdig na kinaroroonan ng tao), at bilang "ang diyos ng kapanahunang ito". Siya ang nagdala ng kasamaan sa mundo at nilarawan bilang isang "sinungaling, mapangwasak, at mapanlusob" ng mga tao ng Diyos.[4]

Satan sa Bagong Tipan[baguhin]

Sa Lukas 10:18, bilang pagtukoy sa Isaiah 14:12, isang itong pahiwatig na sumasagisag kay Satanas, na bumagsak sa anyo ng isang lintik (o kidlat)[6] mula sa kalangitan.[5] Kaugnay kay Hesus, dumating si Hesus sa mundo upang muling baguhin ang mga ginuho ni Satanas. Sinubok ni Satanas na pigilan si Hesus ngunit, dahil sa si Hesus ang Anak ng Diyos, naging mas makapangyarihan si Hesus kaysa kay Satanas. Bilang pangaral sa Kristiyanismo, matatanggihan at maiiwasan ng mga tagasunod ni Hesus si Satanas sa pamamagitan ng paghiling sa kapangyarihan ni Hesus at ng Diyos. Darating ang araw na lubos na magtatagumpay ang Diyos sa ibabaw ni Satanas.[4]

Sa astronomiya[baguhin]

Ito rin ang pangalan ng planetang Venus kapag lumilitaw bilang "bituin ng umaga."[5]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Literal na salin.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Lusiper, Satanas, demonyo, diyablo". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  3. 3.0 3.1 3.2 Gaboy, Luciano L.. "Adversary, kalaban, katalo, kaaway, katunggali, kabangga, kaalit, kagalit adbersaryo, dimonyo, diyablo, Satanas, Lucifer". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. 4.0 4.1 4.2 The Committee on Bible Translation. (1984). "Satan, adversary, devil, evil one, the prince of this world and the god of this age". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B11.
  5. 5.0 5.1 5.2 "Lucifer". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).
  6. "Lintik, kidlat". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).


Panlabas na kawing[baguhin]