Majayjay, Laguna

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bayan ng Majayjay
—  Bayan  —
Mapa ng Laguna na nagpapakita ng lokasyon ng Majayjay.
Bansa Pilipinas
Rehiyon CALABARZON (Region IV-A)
Lalawigan Laguna
Distrito Pang-apat na Distrito ng Laguna
Mga barangay 40
Lawak
 • Kabuuan 69.58 km2 (26.86 sq mi)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 26,547
Zip Code 4005
Kodigong pantawag 49
Kaurian ng kita Pang-apat na Klase
PSGC 43416000
Sensus ng populasyon ng
Majayjay, Laguna
Senso Populasyon +/-
1990 15,875
1995 18,989 3.6%
2000 22,159 3.37%
2007 23,681 0.92%
2010 26,547 1.59%

Ang Bayan ng Majayjay ay isang ika-4 na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Ayon sa senso noong 2007, ito ay may populasyon na 23,681 katao sa 4,978 na kabahayan.

Ang Simbahan ng Majayjay,Laguna

Kasaysayan[baguhin]

Ayon sa matandang kasaysayan ang pangalang "Malay Barangay" ay napalitan ng pangalang Maybahay o "Majayjay" nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa. Ang mga nagtutungo sa Majayjay ay inilululan sa duyan o hamaka dahil sa lubhang matataas ang inaahong mga bundok na kinalalagyan ng lugar na iyon. Dahil nga sa mahabang pag-ahon at mabigat ang kanilang dala ang mga naglalakbay ay nagpapatuloy sa pagtaghoy ng hay, hay, hay, na nag-papakilalang sia ay hirap na hirap sa kanilang paglakad.

Nang ang mga Kastila ay kasalukuyang nagpapalaganap ng pananakop sa bayan ng Majayjay, sila'y hindi lamang sa inaahong mga bundok nahihirapan kundi gayon din sa madawas at maliit na tinatawid. Dahil nga sa hirap na kanilang dinaranas ay napipilitan silang magpahinga at inaalis ang pagod sa paghinga ng malalim at pagtaghoy ng "hay, hay, hay".

Kapag tinatanong noon ang isang tagapag-buhat kung anong sinasabi tungkol sa pook na iyon, ang isinasagot ay "maraming hay, hay muna bago dumating doon. At dito nagsimula ang pangalan ng bayan ng Majayjay.

Nang mga panahong iyon ang Majayjay ay isa sa pinakamalaking bayan sa Laguna. ang mamamayan ay umaabot sa 15,523 at nasasakupan nito ang nayon mga bayan ng Luisiana at Magdalena.

Mga Barangay[baguhin]

Ang bayan ng Majayjay ay nahahati sa 40 mga barangay.

  • Amonoy
  • Bakia
  • Bukal
  • Balanac
  • Balayong
  • Banilad
  • Banti
  • Bitaoy
  • Botocan
  • Burgos
  • Burol
  • Coralao
  • Gagalot
  • Ibabang Banga
  • Ibabang Bayucain
  • Ilayang Banga
  • Ilayang Bayucain
  • Isabang
  • Malinao
  • May-It
  • Munting Kawayan
  • Oobi
  • Olla
  • Origuel (Pob.)
  • Panalaban
  • Panglan
  • Pangil
  • Piit
  • Pook
  • Rizal
  • San Francisco (Pob.)
  • San Isidro
  • San Miguel (Pob.)
  • San Roque
  • Santa Catalina (Pob.)
  • Suba
  • Tanawan
  • Taytay
  • Talortor
  • Villa Nogales

Mga Kawing Panlabas[baguhin]

Coordinates: 14°09′ N 121°28′ E