Modernong Griyego

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Modern Greek
(Νέα) Ελληνικά
(Nea) Elliniká
Pagbigkas [ˈne.a eliniˈka]
Sinasalitang katutubo sa Greece, Cyprus, Albania, Turkey, Egypt (Alexandria), Italy (Griko), Romania (Karakatchans), Ukraine (Mariupol), plus diaspora
Mga katutubong
tagapagsalita
ca. 13 million[1][2][3][4][5]  (date missing)
Pamilyang wika
Mga maagang anyo:
Mga pamantayang anyo
Mga dialekto
Sistema ng pagsulat Greek alphabet
Opisyal na katayuan
Opisyal na wika sa Watawat ng European Union European Union
Watawat ng Greece Greece
Watawat ng Cyprus Cyprus
Kinikilalang wikang minoridad sa Watawat ng Albanya Albania[6]
Watawat ng Armenya Armenia[7][8]
Watawat ng Italy Italya[6]
Watawat ng Rumanya Rumaniya[7]
Watawat ng Turkiya Turkey
Watawat ng Ukraine Ukraine[7]
Mga kodigo ng wika
ISO 639-1 el
ISO 639-2 gre (B)
ell (T)
ISO 639-3 ell
Linguasphere part of 56-AAA-a

Ang Modernong Griyego (Griyego: νέα ελληνικά o νεοελληνική γλώσσα, "Neo-Helleniko" na kilala rin bilang Ρωμαίικα, "Romaiko" o "Romano") ay tumutukoy sa mga anyo at dialekto ng wikang Griyego na sinasalita sa modernong panahon. Ang pasimula ng panahong moderno ng wikang Griyego ay kadalasang simbolikong itinatakda sa pagbagsak ng Constantinople noong 1453 bagaman ang petsa ay hindi maliwanag na nagmamarka ng hangganang linggwistiko at maraming mga katangian ng wikang ito ay umiiral na sa mga nakaraang siglong mula ikaapat na siglo CE hanggang ika-15 siglo CE. Sa karamihan ng panahon, ang wikang ito ay umiral sa isang sitwasyon ng diglossia na may mga pang-rehiyong sinasalitang dialekto na umiiral katabi ng mga anyong isinulat ng maalam at sinauna. Sa karamihan ng ika-19 at ika-20 siglo CE, ito ay kilala sa mga magkakatunggaling anyo ng mga popular na Demotiko at maalam na Katharevousa. Ngayon, ang pamantayang modernong Griyego na nakabase sa Demotiko ang opisyal na wika ng Gresya at Cyprus. Ang modernong Griyego ay sinasalita ngayon ng tinatayang 12-15 milyong katao na pangunahing ay sa Gresya at Cyprus gayundin sa mga minoridad na pamayanan at mga imigrante sa maraming mga ibang bansa.

Mga sanggunian[baguhin]