Morning Musume
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (walang petsa) |
Morning Musume モーニング娘。 | |
---|---|
Kabatiran | |
Kilala rin bilang | Momusu 早安少女組。 |
Pinagmulan | Tokyo, Japan |
Genre | J-pop Electropop EDM |
Taong aktibo | 1997 | –kasalukuyan
Label |
|
Miyembro | Mizuki Fukumura (2011–) Erina Ikuta (2011–) Haruna Iikubo (2011–) Ayumi Ishida (2011–) Masaki Sato (2011–) Sakura Oda (2012–) Haruna Ogata (2014–) Miki Nonaka (2014–) Maria Makino (2014–) Akane Haga (2014–) Kaede Kaga (2016–) Reina Yokoyama (2016–) |
Dating miyembro | Haruka Kudo (2011–2017) Kanon Suzuki (2011–2016) Riho Sayashi (2011–2015) Sayumi Michishige (2003–2014) Reina Tanaka (2003–2013) Aika Mitsui (2006–2012) Risa Niigaki (2001–2012) Ai Takahashi (2001–2011) Linlin (2007–2010) Junjun (2007–2010) Eri Kamei (2003–2010) Koharu Kusumi (2005–2009) Miki Fujimoto (2003–2007) Hitomi Yoshizawa (2000–2007) Makoto Ogawa (2001–2006) Asami Konno (2001–2006) Rika Ishikawa (2000–2005) Mari Yaguchi (1998–2005) Kaori Iida (1997–2005) Ai Kago (2000–2004) Nozomi Tsuji (2000–2004) Natsumi Abe (1997–2004) Kei Yasuda (1998–2003) Maki Goto (1999–2002) Yuko Nakazawa (1997–2001) Sayaka Ichii (1998–2000) Aya Ishiguro (1997–2000) Asuka Fukuda (1997–1999) |
Website | helloproject.com/morningmusume |
Ang Morning Musume '18 (モーニング娘。'18), kilala rin bilang Momusu (モームス。) at Momusume (モー娘。) sa mga pahayagan ay isang kilalang grupo sa bansang Hapon, na binubuo ng mga babae at bawat taon ay nagpapalit ng kanilang mga miyembro. Ang kanilang mga ginagawa ay umiikot sa pag-awit at sa pag-sayaw sa mabibilis na himig. Sila ang pangunahing grupo ng Hello! Project, na pinangungunahan ni Tsunku.
Ang ibig sabihin ng "musume" ay babae o anak na babae.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsagawa ng isang kompetisyon ang grupong Sharan Q gamit ang isang sikat na palabas sa TV Tokyo, ang ASAYAN. Ang kanilang misyon ay maghanap ng babaeng mang-aawit na kanilang tutulungan at susuportahan sa kaniyang karera at maaaring maging kasapi nila sa banda. Sa pagpasok ng Abril, taong 1997, sinimulan ng grupo ang mga odisyon. Ginanap ang mga ito sa mga susunod na lungsod: Fukouka (Abril 13), Tokyo (Mayo 3), Osaka (Mayo 24), at Sapporo (Hunyo 21). Ang mga napiling kalahok ay uusad sa huling bakbakan o finals sa entablado, kung saan nila kailangang awitin ang kantang, "GET." Ang awiting ito ang magiging unang single ng mananalong kalahok, at tutulong rin sa pagdedesisyon ng mga hurado ng kompetisyon.
Ginanap ang huling bakbakan at ang paghayag ng nagwagi sa ika-10 at ika-11 ng Agosto taong 1997, ngunit ipinalabas ito sa telebisyon sa huling araw ng Agosto. Nagulat ang mga manonood noong inihayag ang nagwagi, na si Michiyo Heike, sa dahilang nakalimutan niya ang mga linya awiting "GET." Ipinaliwanag ng mga hurado kung bakit siya nanalo, at ang dahilan ay ang tamang pag-awit niya sa huling linya ng kanta. Kahit na nagpaliwanag ang mga hurado, marami pa rin ang nagtataka sa pagkapanalo ni Michiyo.
Ang Hamon ni Tsunku
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Tsunku, isang kompositor at miyembro ng bandang Sharan Q, ay hindi natuwa sa kinalabasan ng pagkapanalo ni Michiyo. Kaya paglipas ng anim na araw, hinikayat niya ang lima sa sampung natalo na bumalik at pag-uusapan nila ang record deal na ibibigay niya sa kanila. Ang mga mapalad na natawag ay sina Yuko Nakazawa, Aya Ishiguro, Kaori Iida, Natsumi Abe, at Asuka Fukuda. Hinamon niya sila na magbenta ng 50,000 ng kopya ng kanilang demo single na "Ai no Tane." Pumayag ang lima, handang gawin ang lahat makuha lamang ang kanilang mga pangarap na maging isang bantog na tao sa larangan ng musika. Natuwa si Tsunku at pinangalang Morning Musume ang grupo noong ika-8 ng Setyembre.
Sinimulan nila ang pagrecord ng "Ai no Tane" noong Setyembre 23 at natapos ito isang buwan ang nakalipas. Sa wakas, inilabas na ang awiting ito sa ika-3 ng Nobyembre. Sa gayon ring araw nagsimula ang hamon na ibinigay sa kanila ni Tsunku. Nagumpisa sila sa Osaka, kung saan sila nakabenta ng 16,610 ng kopya. Ang iba pa nilang pinuntahan ay ang mga lungsod ng Fukuoka (Nobyembre 9; 9,004 na kopya), Sapporo (Nobyembre 24; 14,853 ng kopya), at Nagoya (Nobyembre 30; 9,533 ng kopya), kung saan nila natapos ang hamong ibinigay sa kanila. Natuwa ang lima at nagpasalamat, "Maraming maraming salamat po. Ang aming pangarap na maging ganap na mang-aawit ay natupad na. Ang ganda po talaga ng oportunidad na ito. Maraming salamat po ulit sa inyong lahat."
Ang Epekto ng "Morning Coffee"
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagpasok ng Disyembre, sinimulang pag-aralan ng lima (o ang Unang Henerasyon) ang tatlong awitin na possibleng maging unang single ng grupo. Ang mga awiting ito ay "Dou ni ka Shite Doyoubi" at "Usotsuki Anta," na mailalagay sa kanilang unang album, at "Morning Coffee," na napili upang maging unang single ng lima bilang Morning Musume. Inilabas ang awiting ito noong ika-28 ng Enero, taong 1998. Pumasok ito sa Oricon charts sa ika-anim na pwesto. Ang tagumpay ng kanilang debut single ay naging sanhi sa pagumpisa sa isang tradisyon, ang pagdaragdag ng mga miyembro.
Pagkatapos ng tagumpay ng kanilang unang awitin, inihayag ni Tsunku noong Marso 12 na madadagdagan ang grupo ng tatlo pang bagong miyembro. Nagsimula ang kompetisyon sa sumunod na araw. Pagkatapos ng isang buwan at pitong araw, ipinakilala ni Tsunku ang tatlong bagong miyembro na sina Kei Yasuda, Mari Yaguchi, at Sayaka Ichii, binubuo ang Ikalawang Henerasyon. Ipinakila ang mga bagong miyembro gamit ang ikalawang single ng grupo, "Summer Night Town" (inilabas noong Mayo 27), at ang kanilang kaunaunahang album, First Time (inilabas noong Hulyo 8).
Ang kanilang pangatlong awitin, "Daite Hold On Me!," na inilabas noong ika-9 ng Setyembre ay naging patok sa mga tao. Ito ang kaunaunahang awiting ng grupo na makapasok sa Oricon sa unang puwesto. Dahil rin sa awiting ito, nakatanggap sila ng isang gantimpala galing sa Japan Record Grand Prix, bilang Best Rookie of the Year.
Ang Kapanganakan ng isang Tradisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dalawang buwan bago matapos ang taong 1998, tatlo sa walong miyembro ang nagsama upang buuhin ang kaunaunahang subgroup na may pangalang Tanpopo. Ang grupo, na binubuo nina Aya, Kaori, at Mari, ay aawit lamang ng mas mabagal at magulang na mga himig. Ang kanilang unang awitin na "Last Kiss" ay inilabas noong Nobyembre 18.
Sa pagpasok ng taong 1999, ginulat ni Asuka ang mga tagasubaybay ng ASAYAN sa kabanatang ipinalabas noong Enero 17. Hinayag niya na siya ay aalis na sa grupo upang mas bigyan pansin ang kanyang pag-aaral. Dahil dito, nagsagawa ng isang konsiyerto ang kanilang produser na si Tsunku. Ang kaunaunahang konsiyertong pagtatapos (o graduation concert) ay naganap noong Abril 18 na may ngalang Morning Musume Memory ~Seishun no Hikari~. Ang konsiyertong ito ang naging daan sa pagsimula ng isang bagong tradisyon, ang "pagtatapos" o ang pagalis ng isang miyembro. Ito ay hindi lamang nagaganap sa grupong ito, kundi pati rin sa iba pang grupo na kasama sa Hello! Project.
Ang Ginintuang Panahon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkaraan ng konsiyertong ito, nagsimula ulit maghanap ang produser na si Tsunku ng mga bagong miyembrong maari niyang ilagay sa grupo. Makalipas ang tatlong buwan, matapos maglabas ng dalawang single at isang album ang grupo, nakapili na rin siya ng miyembrong papalit kay Asuka. Dalawa dapat ang makakapasok, pero dahil sa di-tiyak na mga rason isa lang ang napili, at siya ay si Maki Goto, binubuo ang Ikatlong Henerasyon.
Inilabas ng grupo ang kanilang pampitong awitin na "Love Machine," noong Setyembre 9, kasama ang bagong miyembro na si Maki. Sa di inaasahang pangyayari, pumasok ang awiting ito sa Oricon sa unang puwesto. Ito ang ikalawang awit ng grupo na pumasok sa ganitong puwesto. Dahil sa tagumpay na dinala nito, tumaas ang kanilang katanyagan. Lalo pa itong nadagdagan nang inilagay si Maki sa subgroup na Pucchi Moni kasama sina Kei at Sayaka. Ang kanilang unang awitin na "Chokotto LOVE" ay inilabas noong Nobyembre 11.
Sa pagdating ng baong taon, nagpasya si Aya na iwanan ang grupo upang tumugis ng karera sa industriya ng moda. Iniwan niya ang grupo noong ika-7 ng Enero, taong 2000. May isinagawang konsiyertong pagtatapos sa araw na ito, ngunit hindi ito inilabas sa VHS o DVD. Apat na buwan ang nakalipas, kinasal siya kay Shinya, ang drummer ng bandang LUNA SEA. Dahil sa kanyang pag-alis, naghanap ulit si Tsunku ng mga miyembrong papalit sa kanya, sa tulong ng palabas na ASAYAN.
Ang Ika-apat na Henerasyon ay pumasok sa grupo pagkatapos ilabas ang pangwalong single ng grupo. Ang mga miyembrong bumubuo ng henerasyong ito ay sina Rika Ishikawa, Hitomi Yoshizawa, at ang mga pinakabatang miyembro na sumali sa grupo, sina Nozomi Tsuji at Ai Kago. Nakasama sila sa sumunod na single ng grupo na inalabas noong ika-17 ng Mayo. Pagkatapos ng awiting ito, umalis si Sayaka upang gumawa ng sariling karera. Binuo niya ang bandang CUBIC-CROSS, kasama sina Taisei at Naoki Yoshizawa, na naging asawa niya pagkatapos madisband ang grupo.
Nang pumasok sina Ai at Nozomi ng Ika-apat na Henerasyon, nagkaroon ng idiya si Mari na gumawa ng isang bagong subgroup. Binuo nila ang grupong Mini Moni at nagsimulang magtanghal sa mga konsiyerto pagkatapos silang mabuo noong Oktubre. Ang grupo, na binubuo ng mga miyembrong hindi tataas sa 150 ng sentimetro (halos limang talampakan), ay nadagdagan pa ng isang miyembro na hindi kasama sa Morning Musume. Siya ay si Mika Todd ng grupong Coconuts Musume, isa pang grupo na hinahawakan ng Hello! Project. Nang sila'y naging apat, naging opisyal na ang grupo at inilabas ang kanilang unang single na "Minimoni Jankenpyon!" noong ika-17 ng Enero, sa sumunod na taon.
Sa pagpasok ng taong 2001, nagorganisa ang Morning Musume ng isang musikal na may pangalang LOVE Century. Kinailangang nilang maghanap ng iba pang mga kasapi sa pangteatrong palabas na ito. Pito ang napili, ngunit anim lamang ang nakapunta sa palabas na ipinalabas noong Mayo 3 hanggang Mayo 27 sa Teatro ng Nissay. Madaming tumangkilik sa musikal na ito. Dahil dito, ang mga awiting inawit dito ay inilabas sa album.
Bago pa ipalabas ang musikal na ito, ang pinuno ng grupo na si Yuko ay nagtapos noong Abril 15. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang sinimulan noong Agosto 5, taong 1998, gamit ang kanyang unang single na "KARASU no Nyoubou". Dahil dito, inilagay si Kaori bilang pinuno habang inilagay si Kei bilang bise-pinuno. Sa panahong ring ito, si Rika ay "ipinahiram" sa grupong Country Musume, isang grupo na hinahawakan rin ng Hello! Project. Dahil dito, ang pangalang Country Musume ay naging Country Musume ni Ishikawa Rika.
Bago matapos ang taon, naghanap ulit ang produser ng grupo ng mga miyembrong sasali para palitan ang umalis na si Yuko. Ang odisyon na may pangalang "LOVE Audition 21," hango sa panglabing-isang awitin na "Renai Revolution 21," ay nakakuha ng apat na babae, binubuo ang Ikalimang Henerasyon. Sina Ai Takahashi, Asami Konno, Makoto Ogawa, at Risa Niigaki ay nakasama sa panglabing-tatlong single ng grupo. Ang "Mr. Moonlight ~Ai no Big Band~" man ang unang awiting ng Ikalimang Henerasyon ay isa lang sa kanila ang nakakuha ng sariling linya.
Ang Pase ng Pagbabago
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naglabas ang grupo ng tatlong awitin bago umalis ang kaisa-isang kasapi ng Ikatlong Henerasyon na si Maki. Umalis siya sa grupo noong Setyembre 23, taong 2002, upang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang inumpisahan noong Marso 28, taong 2001, gamit ang kanyang unang single na "Ai no Bakayarou." Ang pag-alis niya ang naging sanhi sa pagbaba ng katanyagan at tagahanga ng grupo na mangyayari sa hinaharap.
Matapos umalis si Maki, nagsimula kaagad maghanap ang produser ng mga bagong miyembrong papalit sa umalis. Tatlo ang napili sa odisyong ito. Binuo nina Eri Kamei, Sayumi Michishige, at Reina Tanaka ang Ika-anim na Henerasyon. Naging apat sila nang idinagdag si Miki Fujimoto, isang orihinal na malayang mang-aawit (solo singer sa Ingles) ng kompanyang humawak rin sa grupong Morning Musume, sa henerasyong ito. Ang rason kung bakit nangyari ito ay dahil naging matagumpay ang kanyang pagtatanghal sa isang programang pinapalabas lamang tuwing Bagong Taon, ang Kouhaku Uta Gassen.
Ang konsiyertong pagtatapos ni Kei ay naganap noong Mayo 5, taong 2003, kung saan nagdebut ang bagong henerasyon. Nais ni Kei na magumpisa ng sariling karera, ngunit hindi ito nangyari. Hindi siya nakapaglabas ng kahit isang album o single mula noong umalis siya sa grupo hanggang ngayon.
Pagkatapos ng konsiyertong pagtatapos ni Kei, hinati ang mga natitirang miyembro sa dalawang grupo upang makapunta at magtanghal sa maraming siyudad, lalo na sa mga maliliit na lungsod na hindi makaalalay ng grupo na may labing-limang miyembro. Ang mga pangalan ng mga grupo ay Morning Musume. Otomegumi, may pitong miyembro at umaawit ng mabibilis na mga awitin, at Morning Musume. Sakuragumi , may walong miyembro at kabaliktaran ng kabilang grupo, umaawit sila ng mababagal na mga kanta.
Sa pagpasok ng taong 2004, inilabas ng grupo ang kanilang pangdalawampu't isang single na "Ai Araba IT'S ALL RIGHT!" noong ika-21 ng Enero. Apat na araw ang nakalipas, naganap ang konsiyertong pagtatapos ni Abe. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na sinimulan niya noong Agosto 1, taong 2003, gamit ang kanyang unang opisyal na single "22sai no Watashi."
Pitong buwang ang nakalipas, nagtapos naman sina Ai at Nozomi ng Ika-apat ng Henerasyon noong Agosto 1. Nais nilang umalis sa grupo para mas bigyan pansin ang grupong W (Double You), na kanilang itinatag bago magtapos si Natsumi. Inilabas ng dalawa ang kanilang unang single na "Koi no Vacance" noong ika-19 ng Mayo, tatlong buwang bago sila magtapos sa grupong Morning Musume.
Ang Pampitong Taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ulit ng isa pang odisyon ang produser pagkatapos umalis sina Ai at Nozomi. Ipinangalan niyang "Lucky 7" ang odisyong ito upang ipagdiwang ang pampitong taon ng grupo, ang Ikapitong Henerasyon, at ang pitong lungsod kung saan ginanap ang mga odisyon. Makalipas ang limang buwan, nagbunga ang odisyon ng anim na finalist. Ngunit, noong Enero 9 taong 2005, hinayag ni Tsunku na walang nanalo sa odisyong ito, na walang maidadagdag sa grupo. Ipinaliwanag niya na wala sa anim ang hinahanap niyang makakatulong sa grupo.
Pagkatapos ng bigong odisyon, isa na namang malungkot na pangyayari ang naganap. Ang pinuno at ang huling orihinal na miyembro ng grupo na si Kaori ay umalis sa grupo noong Enero 31. Gusto niyang ipagpatuloy ang sariling karera na kanyang sinimulan noong Abril 23 taong 2003, gamit ang unang album na may pamagat na Osavurio ~Ai wa Matte Kurenai~. Ang kanyang bise-pinuno na si Mari (na siyang pumalit kay Kei noong nagtapos siya) ay pumalit sa kanya at naging pinuno. Naging bise-pinuno naman si Hitomi.
Sa pagdating ng Pebrero ng 2005, sinimulan ulit ni Tsunku ang kanyang paghahanap sa mga bagong miyembro na papalit sa mga umalis. Ang naging bunga ng odisyong ito ay si Koharu Kusumi, ang kaisaisang kasapi ng Ikapitong Henerasyon. Siya ay naging opisyal na miyembro ng grupo noong Hulyo 15.
Tatlong buwan bago idagdag si Koharu sa grupo may isang di-inaasahang pangyayari ang naganap. Ang pinunong si Mari ay biglaang nagretiro noong Abril 14. Marami ang nagulat, lalo na ang mga tagahanga ng dalaga. Ang rason kung bakit siya umalis ay dahil sa isang artikulong nakalagay sa magasing Friday. Ito ay naglalaman ng kanyang larawang kasama ang kanyang kasintahan. Bilang miyembro ng Morning Musume, hindi sila pinapayagang magkaroon ng mga karelasyon. Dahil dito, naging pinuno si Hitomi at naging bise-pinuno naman si Miki.
Sa ibang balita, umalis si Rika sa grupo noong Mayo 7. Gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang karera bilang kasapi ng grupong Biyuuden, na itinatag noong Agosto ng taong 2004. Kasama niya dito sina Erika Miyoshi at Yui Okada. Ang kanilang kaunaunahang single na "Koi no Nukegara" ay inilabas noong Setyembre 23, isang buwan pagkatapos matatag ang grupo.
Noong Disyembre 31, bumalik ang mga dating miyembro ng grupo (maliban kina Aya Ishiguro, Asuka Fukuda, at Sayaka Ichii) upang samahan ang mga kasalukuyang miyembro upang itanghal ang pinakatanyag na awitin ng grupo, ang LOVE Machine, sa isang programang pinapalabas lamang tuwing Bagong Taon, ang Kouhaku Uta Gassen.
Kasalukuyang Lagay ng Grupo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maganda ang naging simula ng grupo dahil nakatanggap sila ng isang gantimpala galing sa organisasyong "Kanagawa Image Up" noong Enero 16, taong 2006. Ito ay sa dahilang pagsusuporta nila, kasama ang buong Hello! Project, sa kampanyang laban sa polusyon. Sina Hitomi, Miki, at Ai (ng Ikalimang Henerasyon) ang tumanggap ng gantimpala para sa banda at sa kompanya. [1][patay na link], [2][patay na link], [3][patay na link]
Maganda rin ang naging simula ng bagong miyembro ng grupo, na si Koharu. Inilagay siya sa Kirarin Revolution, isang anime na nagsimula noong Abril 7, upang maging voice actor ng pangunahing karakter nito, na si Kirari Tsukishima. Bukod dito, naglabas rin siya ng isang single, ang kanyang kaunaunahang awitin, na "Koi Kana" noong Abril 12. Ang mga awiting nakalagay sa single na ito ay ginamit sa kanyang palabas bilang mga theme song.
Labing-anim na araw ang nakalipas, inihayag ni Tsunku sa kanyang sariling website na magtatapos sina Asami at Makoto. [4] Naka-arkibo 2006-12-15 sa Wayback Machine., [5] Naka-arkibo 2008-06-07 sa Wayback Machine. Aalis sa grupo, pati na rin sa kompanyang Hello! Project, sa Hulyo 23 si Asami upang pumunta sa kolehiyo. Si Makoto naman ay magtatapos sa Agosto 27, pagkatapos niyang magtanghal sa isang musikal na Ribbon no Kishi, upang mag-aral sa ibang bansa. 'Di kagaya ni Asami, gusto niya lang iwanan ang grupo, hindi ang kompanya. [6] Naka-arkibo 2007-06-11 sa Wayback Machine.
Ang mga Miyembro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bago umaalis ang isang miyembro ng grupo, nagsasagawa ang kompanya ng odisyon upang palitang ang aalis na miyembro. Ang dami ng miyembrong ito ay nasa pagitan ng limang babae (bilang ng unang henerasyon ng grupo) hanggang labing-anim na babae (nangyari noong malapit nang nagtapos si Kei).
Mga Kasalukuyang Miyembro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mizuki Fukumura (譜久村聖, Ika-siyam na Henerasyon)
- Erina Ikuta (生田衣梨奈, Ika-siyam na Henerasyon)
- Haruna Iikubo (飯窪春菜, Ika-sampong Henerasyon)
- Ayumi Ishida (石田亜佑美, Ika-sampong Henerasyon)
- Masaki Sato (佐藤優樹, Ika-sampong Henerasyon)
- Haruka Kudo (工藤遥, Ika-sampong Henerasyon)
- Sakura Oda (小田さくら, Ika-labing isang Henerasyon)
- Haruna Ogata (尾形春水, Ika-labing dalawang Henerasyon)
- Miki Nonaka (野中美希, Ika-labing dalawang Henerasyon)
- Maria Makino (牧野真莉愛, Ika-labing dalawang Henerasyon)
- Akane Haga (羽賀朱音, Ika-labing dalawang Henerasyon)
- Kaede Kaga (加賀楓)
- Reina Yokoyama (横山玲奈)
Mga Dating Miyembro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kada taon, isa (o mahigit pa sa isa) ang "nagtatapos" sa grupo. Ang ibig sabihin ito ay aalis na sila sa grupo upang bumuo ng sariling karera, sumali sa isang bagong grupo, o magpatuloy sa pag-aaral. Ito ang listahan ng mga dating miyembro:
- Asuka Fukuda (福田明日香, Unang Henerasyon) nagtapos noong 18 Abril 1999
- Aya Ishiguro (石黒彩, Unang Henerasyon) nagtapos noong 7 Enero 2000
- Sayaka Ichii (市井紗耶香, Ikalawang Henerasyon) nagtapos noong 21 Mayo 2000
- Yuko Nakazawa (中澤裕子, Unang Henerasyon) nagtapos noong 15 Abril 2001
- Maki Goto (後藤真希, Ikatlong Henerasyon) nagtapos noong 23 Setyembre 2002
- Kei Yasuda (保田圭, Ikalawang Henerasyon) nagtapos noong 5 Mayo 2003
- Natsumi Abe (安倍なつみ, Unang Henerasyon) nagtapos noong 6 Enero 2004
- Nozomi Tsuji (辻希美, Ika-apat na Henerasyon) nagtapos noong 1 Agosto 2004
- Ai Kago (加護亜依, Ika-apat na Henerasyon) nagtapos noong 1 Agosto 2004
- Kaori Iida (飯田圭織, Unang Henerasyon) nagtapos noong 30 Enero 2005
- Mari Yaguchi (矢口真里, Ikalawang Henerasyon) nagretiro noong 14 Abril 2005
- Rika Ishikawa (石川梨華, Ika-apat na Henerasyon) nagtapos noong 7 Mayo 2005
- Asami Konno (紺野あさ美, Ikalimang Henerasyon) nagtatapos sa 23 Hulyo 2006
- Makoto Ogawa (小川麻琴, Ikalimang Henerasyon) nagtatapos sa 27 Agosto 2006
- Hitomi Yoshizawa (吉澤ひとみ, Ika-apat na Henerasyon) nagtapos ng 26 Mayo 2007
- Miki Fujimoto (藤本美貴, Ika-anim na Henerasyon) nagtapos noong 7 Hunyo 2007
- Koharu Kusumi (久住小春, Ikapitong Henerasyon) nagtapos noong 6 Disyembre 2009
- Eri Kamei (亀井絵里, Ika-anim na Henerasyon) nagtapos noong 13 Disyembre 2010
- Jun Jun (光井愛佳, Ikawalong Henerasyon) nagtapos noong 13 Disyembre 2010
- Lin Lin (リンリン, Ikawalong Henerasyon) nagtapos noong 13 Disyembre 2010
- Ai Takahashi (高橋愛, Ikalimang Henerasyon) nagtapos noong 30 Setyembre 2011
- Risa Niigaki (新垣里沙, Ikalimang Henerasyon) nagtapos noong 18 Mayo 2012
- Aika Mitsui (光井愛佳, Ikawalong Henerasyon) nagtapos noong 18 Mayo 2012
- Sayumi Michishige (道重さゆみ, Ika-anim na Henerasyon) nagtapos noong 26 Nobyembre 2014
- Reina Tanaka (田中れいな, Ika-anim na Henerasyon) nagtapos noong 21 Mayo 2013
- Riho Sayashi (鞘師里保 Ika-siyam na Henerasyon) nagretiro ngayong 31 Disyembre 2015
- Kanon Suzuki (鈴木香音 Ika-siyam na henerasyon) nagretiro ngayong 31 Mayo 2016
Ang Mga Pinuno ng Grupo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katulad ng isang kapisanan, ang grupo ay pinamumunuan ng isang pinuno't ng isang bise-pinuno. Ayon sa tradisyon ng Hello! Project, ang pinakamatandang miyembro ng banda ang ginagawang pinuno ng grupo, habang ang pinakamatandang miyembro ng susunod na henerasyon naman ang ginagawang bise-pinuno. Ito ang listahan ng mga naging pinuno (sa kauna-unahang pinuno sa kasalukuyang pinuno):
- Unang Administrasiyon - Yuko Nakazawa (Pagbuo ng grupo—15 Abril 2001)
- Tila walang bise-pinuno ang grupo noong pinuno si Yuko Nakazawa. Ngunit, sinasabing naging bise-pinuno si Aya Ishiguro dahil sa kanyang personalidad na kinakatakutan ng mga batang miyembro.
- Pangalawang Administrasiyon - Kaori Iida, bise-pinuno: Kei Yasuda (16 Abril 2001—5 Mayo 2003)
- Pangatlong Administrasiyon - Kaori Iida, bise-pinuno: Mari Yaguchi (6 Mayo 2003—30 Enero 2005)
- Pang-apat na Administrasiyon - Mari Yaguchi, bise-pinuno: Hitomi Yoshizawa (31 Enero 2005—14 Abril 2005)
- Panglimang Administrasiyon - Hitomi Yoshizawa, bise-pinuno: Miki Fujimoto (15 Abril 2005—19 Mayo 2007)
- Pang-anim na Administrasyon - Miki Fujimoto, bise-pinuno: Ai Takahashi (19 Mayo 2007—7 Hunyo 2007)
- Sa di-kilalang rason, naging bise-pinuno si Miki ng Ika-anim na Henerasyon imbis si Ai ng Ikalimang Henerasyon. Ang dahilan marahil ay matagal nang kasapi si Miki sa Hello! Project. Isa pang dahilan ay kasama siya sa Odisyon: Pangatlong Pagdaragdag.
- Panpitong Administrasiyon Ai Takahashi, bise-pinuno: Risa Niigaki (7 Hunyo 2007—kasalukuyan)
Ang mga Tagapagturo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tuwing may mga bagong miyembro inilalagay sa grupo, sila ay itinatalaga sa isang mas matandang miyembro ng grupo upang sila'y patnubayan at turuan. Ito ang listahan kung sino ang nagturo at tinuruan.
- Pangalawang Henerasyon
- Walang nagturo sa kanila. Ngunit, sa isang kabanata ng ASAYAN, ipinakita si Yuko Nakazawa, kinakusap o pinagsasabihan sila.
- Pangatlong Henerasyon
- Pang-apat na Henerasyon
- Panglimang Henerasyon
- Walang inihayag na tagapagturo sa henerasyong ito. Ngunit sa pagdating ng Nobyembre 2, taong 2001, inihayag rin kung sinu-sino ang nagtuturo sa kanila.
- Hitomi Yoshizawa → Ai Takahashi
- Rika Ishikawa → Makoto Ogawa
- Natsumi Abe → Asami Konno
- Mari Yaguchi → Risa Niigaki
- Pang-anim na Henerasyon
- Si Kei Yasuda ang nagturo sa kanila, maliban kay Miki Fujimoto.
- Pampitong Henerasyon
Mga Odisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bukod sa mga odisyong nakalista dito, may iba pang paraan para maging kasama sa grupo:
- Ang mga kasapi sa Hello! Project Kids ay pwedeng maging miyembro sa darating na mga panahon. Sa kasalukuyan, wala pang bata ang nakakagawa nito.
- Bukod sa mga kasapi ng Hello! Project Kids, pwede ring makapasok ang mga miyembro ng Hello! Project Eggs sa grupo, ngunit hindi pa ito napapatunayan.
Odisyon: Pagdaragdag
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Hindi hinayag kung ano ang kanilang kailangan
- Bilang ng mga sumali: 5,000
- Ipinalabas sa programang ASAYAN, taong 1998.
- Walang training camp at theme song.
- Resulta: Kei Yasuda, Mari Yaguchi, at Sayaka Ichii
- Iba pang sumali: Erika Miyoshi (三好絵梨香), Saki kabata (椛田早紀), at Souko Watanabe (渡辺奏子)
- Akala ng mga tao na lima ang makakapasok sa grupo. Akala rin nila na itong odisyon na ito ang huling odisyon na gagawin sa paghahanap ng bagong miyembro ng grupo.
Odisyon: Pangalawang Pagdaragdag
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae na hindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang
- Bilang ng mga sumali : 11,000
- Ipinalabas sa programang ASAYAN, taong 1999.
- Ang training camp ay naganap sa Tokyo.
- Ang theme song ay Summer Night Town (pangalawang single ng Morning Musume).
- Resulta: Maki Goto
- Iba pang sumali: Kumi Koda (倖田來未)
- Akala ng mga tao na dalawa ang makakapasok sa grupo.
Odisyon: Pangatlong Pagdaragdag
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae nahindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang
- Bilang ng mga sumali : 25,000
- Ipinalabas sa programang ASAYAN, taong 2000.
- Ang training camp ay naganap sa Tokyo.
- Ang theme song ay Akai Nikkichou (single ng Akagumi 4).
- Resulta: Rika Ishikawa, Hitomi Yoshizawa, Tsuji Nozomi, at Ai Kago
- Iba pang sumali: Miki Fujimoto (藤本美貴) at Mai Satoda (里田まい)
Odisyon: Love Audition 21
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae na hindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang
- Bilang ng mga sumali : 25,827
- Ipinalabas sa programang muSix!, taong 2001.
- Mayroong training camp ang odisyong ito, ngunit hindi hinayag kung saan ito ginanap.
- Ang theme song ay LOVE Namida Iro (pangatlong single ni Aya Matsuura).
- Resulta: Ai Takahashi, Asami Konno, Makoto Ogawa, at Risa Niigaki
Odisyon: Love Audition ng taong 2002
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babaeng estudyanteng nasa gitna ng ika-pitong at ika-labing-dalawang-baitang
- Kailanga kantahin ng mga sasali: Do it! Now
- Bilang ng mga sumali : 12,417
- Ipinalabas sa programang muSix!, taong 2002.
- Ang training camp ay naganap sa Yamanashi Prefecture.
- Ang theme song ay Akai Freesia (pangwalong single ng Melon Kinebi).
- Resulta: Eri Kamei, Sayumi Michishige, at Reina Tanaka
- Si Miki Fujimoto ay idinagdag sa mga nanalo ng odisyong ito. Dahil dito, naging miyembro siya ng grupong Morning Musume at pansamantalang tumigil sa pagiging malayang mang-aawit o solo artist.
Odisyon: Lucky 7
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang odisyong ito ay ipinangalanang Lucky 7 upang alalahanin ang pangpitong henerasyong, ang pangpitong taon ng Morning Musume, at pitong siudad kung saan ginagawa ang odisyong ito.
- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae na hindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-siyam na baitang at hindi tatanda sa edad na dalawampu
- Kailangan kantahin ng mga sasali: Kahit ano, basta a capella
- Bilang ng mga sumali : Hindi hinayag ng programa
- Ipinalabas sa programang Hello! Morning, nagsimula noong Setyembre, taong 2004 hanggang Enero 9, taong 2005.
- Ang training camp ay naganap sa Yamanashi Prefecture.
- Ang theme song ay Haru no Uta (galing sa pang-anim na album ng Morning Musume na Ai no Dai 6 Kan).
- Resulta: Walang naidagdag na miyembro
Odisyon: Odisyon sa taong 2005
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae na hindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-siyam na baitang at hindi tatanda sa edad na dalawamput-dalawa
- Bilang ng mga sumali : 21,611
- Ipinalabas sa programang Hello! Morning. Nagsimula noong Pebrero 9, taong 2005. Inihayag ang napili sa Mayo 1, taong 2005.
- Walang training camp at theme song.
- Resulta: Koharu Kusumi
Odisyon: Terminong Happy 8
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kailangan sa mga sasali: Babae, isang babae na hindi babata sa isang estudyanteng nasa ika-pitong baitang at hindi tatanda sa edad na dalawamput-isa
- Bilang ng mga sumali:
- Ipapalabas sa programang Hello! Project. Magsisimula sa Agosto 27, taong 2006.
- Resulta: TBA
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga opisyal album
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Pamagat ng album | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | First Time (ファーストタイム) | 1998-07-08 |
2 | Second Morning (セカンドモーニング) | 1999-07-28 |
3 | 3rd -Love Paradise- (3rd -LOVEパラダイス-) | 2000-03-29 |
4 | 4th "Ikimasshoi!" (4th 「いきまっしょい!」) | 2002-03-27 |
5 | No.5 (ナンバーファイブ) | 2003-03-26 |
6 | Ai no Dai 6 Kan (愛の第6感) | 2004-12-08 |
7 | Rainbow 7 (レインボー7) | 2006-02-08 |
8 | Sexy 8 Beat | 2007-03-21 |
9 | Platinum 9 Disc (プラチナ 9 DISC) | 2009-03-18 |
10 | 10 My Me (⑩ MY ME) | 2010-03-17 |
11 | Jūichi (11) | 2010-12-01 |
12 | 12, Smart (12,スマート) | 2011-10-12 |
13 | 13 Colourful Character (⑬カラフルキャラクター) | 2012-09-12 |
14 | 14 Shō: The Message (14章〜The message〜) | 2014-10-29 |
15 | 15 Thank You, Too (⑮ Thank you, too) | 2017-12-06 |
Mga compilation album
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Pamagat ng album | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | Best! Morning Musume 1 (ベスト! モーニング娘。1) | 2001-01-31 |
2 | Best! Morning Musume 2 (ベスト! モーニング娘。2) | 2002-03-31 |
3 | Hawaiian de Kiku Morning Musume Single Collection (ハワイアンで聞くモーニング娘。シングルコレクション) | 2002-07-10 |
4 | Early Single Box | 2004-12-15 |
5 | Morning Musume All Singles Complete ~10th Anniversary~ (モーニング娘。 All Singles Complete ~10th Anniversary~) | 2007-10-24 |
6 | Morning Musume Zen Singles Coupling Collection (モーニング娘。全シングル カップリングコレクション) | 2009-10-07 |
7 | The Best! ~Updated Morning Musume~ (The Best!〜Updated モーニング娘。〜) | 2013-09-25 |
8 | Morning Musume '14 Coupling Collection 2 (モーニング娘。’14 カップリングコレクション2) | 2014-03-12 |
Mga sountrack album
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Pamagat ng album | Inilabas noong |
---|---|---|
1 | Morning Cop OST (モーニング刑事 オリジナルサウンドトラック) | 1998-09-30 |
2 | Pinch Runner OST (ピンチランナー オリジナルサウンドトラック) | 2000-07-05 |
3 | LOVE Century (LOVEセンチュリー ~夢はみなけりゃ始まらない~) | 2001-08-01 |
4 | Morning Town (モーニングタウン) | 2002-07-17 |
5 | Koinu Dan no Monogatari OST (仔犬ダンの物語 オリジナルサウンドトラック) | 2003-02-14 |
6 | Edokko Chushingura (江戸っ娘。忠臣蔵) | 2002-07-02 |
7 | Ribbon no Kishi (リボンの騎士) | 2006-07-26 |
8 | Fashionable | 2010-09-15 |
Mga single
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Pamagat ng single | Inilabas noong | Single V: Inilabas noong |
---|---|---|---|
0 | Ai no Tane (愛の種) | 1997-11-03 | - |
1 | Morning Coffee (モーニングコーヒー) | 1998-01-28 | - |
2 | Summer Night Town (サマーナイトタウン) | 1998-01-28 | - |
3 | Daite Hold on Me! (抱いて Hold on Me!) | 1998-09-09 | - |
4 | Memory Seishun no Hikari (Memory 青春の光) | 1999-02-10 | - |
5 | Manatsu no Kōsen (真夏の光線) | 1999-05-12 | - |
6 | Furusato (ふるさと) | 1999-07-14 | - |
7 | Love Machine (Love マシーン) | 1999-09-09 | 1999-10-14 |
8 | Koi no Dance Site (恋のダンスサイト) | 2000-01-26 | 2000-02-23 |
9 | Happy Summer Wedding (ハッピーサマーウェディング) | 2000-05-17 | - |
10 | I Wish | 2000-09-06 | - |
11 | Renai Revolution 21 (恋愛レボリューション21) | 2000-12-13 | - |
12 | The Peace! (ザ☆ピ~ス!) | 2001-07-25 | - |
13 | Mr. Moonlight ~Ai no Big Band~ (Mr. Moonlight ~愛のビッグバンド~) | 2001-10-31 | - |
14 | Souda! We're Alive (そうだ! We're Alive) | 2002-02-21 | 2002-04-10 |
15 | Do it! Now | 2002-07-24 | 2002-09-26 |
16 | Koko ni Iruzee! (ここにいるぜぇ!) | 2002-10-30 | - |
17 | Morning Musume no Hyokkori Hyōtanjima (モーニング娘。のひょっこりひょうたん島) | 2003-02-19 | 2003-02-19 |
18 | As for One Day | 2003-04-23 | 2003-04-23 |
19 | Shabondama (シャボン玉) | 2003-07-30 | 2003-07-30 |
20 | Go Girl ~Koi no Victory~ (Go Girl ~恋のヴィクトリー~) | 2003-11-06 | 2003-11-06 |
21 | {{nihongo[Ai Araba It's All Right!|愛あらば It's All Right!}} | 2004-01-21 | 2004-01-21 |
22 | Roman ~My Dear Boy~ (浪漫 ~My Dear Boy~) | 2004-05-12 | 2004-05-12 |
23 | Joshi Kashimashi Monogatari (女子かしまし物語) | 2004-07-22 | 2004-07-22 |
24 | Namida ga Tomaranai Hōkago (涙が止まらない放課後) | 2004-11-03 | 2004-11-03 |
25 | The Manpower!!! (The マンパワー!!!) | 2005-01-19 | 2005-01-19 |
26 | Osaka Koi no Uta (大阪 恋の歌) | 2005-04-27 | 2005-04-27 |
27 | Iroppoi Jirettai (色っぽい じれったい) | 2005-07-27 | 2005-08-03 |
28 | Chokkan 2 ~Nogashita Sakana wa Ōkiizo!~ (直感2 ~逃した魚は大きいぞ!~) | 2005-11-09 | 2005-11-23 |
29 | Sexy Boy ~Soyo Kaze ni Yorisotte~ (Sexy Boy ~そよ風に寄り添って~) | 2006-03-15 | 2006-03-29 |
30 | Ambitious! Yashinteki de Ii Jan (Ambitious! 野心的でいいじゃん) | 2006-06-21 | 2006-06-28 |
31 | Aruiteru (歩いてる) | 2006-11-08 | 2006-11-15 |
32 | Egao Yes Nude (笑顔Yesヌード) | 2007-02-14 | 2007-03-07 |
33 | Kanashimi Twilight (悲しみトワイライト) | 2007-04-25 | - |
34 | Onna ni Sachi Are (女に 幸あれ) | 2007-07-25 | 2007-08-01 |
35 | Mikan (みかん) | 2007-11-21 | - |
36 | Resonant Blue (リゾナント ブルー) | 2008-04-16 | 2008-04-03 |
37 | Pepper Keibu (ペッパー警部) | 2008-09-24 | 2008-10-22 |
38 | Naichau Kamo (泣いちゃうかも) | 2009-02-18 | 2009-02-25 |
39 | Shōganai Yume Oibito (しょうがない 夢追い人) | 2009-05-13 | 2009-05-20 |
40 | Nanchatte Ren'ai (なんちゃって恋愛) | 2009-08-12 | |
41 | Kimagure Princess (気まぐれプリンセス) | 2009-10-28 | 2009-11-04 |
42 | Onna ga Medatte Naze Ikenai (女が目立って なぜイケナイ) | 2010-02-10 | 2010-02-24 |
43 | Seishun Collection (青春コレクション) | 2010-06-09 | - |
44 | Onna to Otoko no Lullaby Game (女と男のララバイゲーム) | 2010-11-17 | 2010-11-24 |
45 | Maji Desu ka Ska! (まじですかスカ!) | 2011-04-06 | - |
46 | Only You | 2011-06-15 | 2011-06-29 |
47 | Kono Chikyū no Heiwa o Honki de Negatterun Da yo! / Kare to Issho ni Omise ga Shitai! (この地球の平和を本気で願ってるんだよ! /彼と一緒にお店がしたい!) | 2011-09-14 | 2011-09-21 |
48 | Pyocopyoco Ultra (ピョコピョコ ウルトラ) | 2012-01-25 | 2012-02-01 |
49 | Ren'ai Hunter (恋愛ハンター) | 2012-04-11 | - |
50 | One Two Three / The Matenrō Show (One・Two・Three/The 摩天楼ショー) | 2012-07-04 | - |
51 | Wakuteka Take a Chance (ワクテカ Take a chance) | 2012-10-10 | - |
52 | Help Me!! | 2013-01-23 | - |
53 | Brainstorming / Kimi Sae Ireba Nani mo Iranai (ブレインストーミング/君さえ居れば何も要らない) | 2013-04-17 | - |
54 | Wagamama Ki no Mama Ai no Joke / Ai no Gundan (わがまま 気のまま 愛のジョーク/愛の軍団) | 2013-08-28 | - |
55 | Egao no Kimi wa Taiyō sa / Kimi no Kawari wa Iyashinai / What is Love? (笑顔の君は太陽さ/君の代わりは居やしない/What is LOVE?) | 2014-01-29 | - |
56 | Toki o Koe Sora o Koe / Password is 0 (時空を超え 宇宙を超え/Password is 0) | 2014-04-16 | - |
57 | {{nihongo|Tiki Bun / Shabadaba Dū / Mikaeri Bijin|TIKI BUN/シャバダバ ドゥ〜/見返り美人! | 2014-10-15 | - |
58 | Seishun Kozo ga Naiteiru / Yūgure wa Ameagari / Ima Koko Kara (青春小僧が泣いている/夕暮れは雨上がり/イマココカラ) | 2015-04-15 | - |
59 | Oh My Wish! / Sukatto My Heart / Ima Sugu Tobikomu Yūki (Oh my wish!/スカッとMy Heart/今すぐ飛び込む勇気) | 2015-08-19 | - |
60 | Tsumetai Kaze to Kataomoi / Endless Sky / One and Only (冷たい風と片思い/ENDLESS SKY/One and Only) | 2015-12-29 | - |
61 | Utakata Saturday Night! / The Vision / Tokyo to Iu Katasumi (泡沫サタデーナイト!/The Vision/Tokyoという片隅) | 2016-05-11 | - |
62 | Sexy Cat no Enzetsu / Mukidashi de Mukiatte / Sō ja Nai (セクシーキャットの演説/ムキダシで向き合って/そうじゃない) | 2016-11-23 | - |
63 | Brand New Morning / Jealousy Jealousy (BRAND NEW MORNING/ジェラシー ジェラシー) | 2017-03-08 | - |
64 | Jama Shinaide Here We Go! / Dokyū no Go Sign / Wakaindashi! (邪魔しないで Here We Go!/弩級のゴーサイン/若いんだし!) | 2017-10-04 | - |
Mga concert DVD
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [1998-12-12] Hello! First Live at Shibuya Kohkaido
- [1999.04.18] Morning Musume Memory ~Seishun no Hikari~ (Pagtatapos ni Asuka Fukuda)
- [2000.08.30] Morning Musume First Live at Budokan ~Dancing Love Site 2000 Haru~ (Pagtatapos ni Sayaka Ichii)
- [2001.06.27] Morning Musume Live Revolution 21 Haru (Pagtatapos ni Yuko Nakazawa)
- [2001.09.05] Green Live
- [2002.07.31] Morning Musume Concert Tour 2002 Haru "LOVE IS ALIVE!" at Saitama Super Arena
- [2002.11.20] Morning Musume LOVE IS ALIVE! 2002 Natsu at Yokohama Arena (Pagtatapos ni Maki Goto)
- [2003.06.25] Morning Musume Concert Tour 2003 Haru "NON STOP!" (Pagtatapos ni Kei Yasuda)
- [2003.12.26] Morning Musume Concert Tour 2003 "15nin de NON STOP!"
- [2004.06.09] Morning Musume Sakura Gumi Hatsukouen ~Sakura Saku~
- [2004.06.09] Morning Musume Otome Gumi Hatsukouen ~Otomechikku~
- [2004.07.14] Morning Musume Concert Tour 2004 Haru The BEST of Japan
- [2004.12.08] Morning Musume Concert Tour 2004 "The Best of Japan Natsu ~ Aki '04"
- [2005.07.05] Morning Musume Concert Tour 2005 Haru - Dai 6 kan Hit Mankai (Pagtatapos ni Rika Ishikawa)
- [2005.12.14] Morning Musume Concert Tour 2005 Natsu Aki "Baribari Kyoushitsu ~Koharuchan Irasshai!~"
- [2006.07.19] Morning Musume Concert Tour 2006 Haru ~Rainbow Seven~
- [2006.12.27] Morning Musume Concert Tour 2006 Aki ~Odore! Morning Curry~
- [2007.07.04] Morning Musume Concert Tour 2007 Spring ~Sexy 8 Beat~
- [2008.06.30] Morning Musume Concert Tour 2008 Haru: Single Daizenshū
- [2009.01.28] Morning Musume Concert Tour 2008 Aki: Resonant Live
- [2009.07.15] Morning Musume Concert Tour 2009 Spring: Platinum 9 Disco
- [2010.01.20] Morning Musume Yomiuri Land East Live 2009
- [2010.02.24] Morning Musume Concert Tour 2009 Aki: Nine Smile
- [2010.07.14] Morning Musume Concert Tour 2010 Haru: Pika Pika!
- [2011.02.23] Morning Musume Concert Tour 2010 Aki: Rival Survival
- [2011.07.27] Morning Musume Concert Tour 2011 Haru: Sin Souseiki Fantasy DX ~9-Ki Men Wo Mukaete-~!
- [2011.12.28] Morning Musume Concert Tour 2011 Haru: Aki Ai Believe ~Takahashi Ai Sotsugyou Kinen Special~ / Takahashi Ai's Graduation Concert.
- [2012.08.29] Morning Musume Concert Tour 2011 Haru: ~Ultra Smart~ Niigaki Risa Mitsui Aika Sotsugyou Special / Niigaki Risa and Mitsui Aika's Graduation Concert.
- [2013.03.13] Morning Musume Tanjou 15 Shuunen Kinen Concert Tour 2012 Aki ~Colorful Character~
Koleksiyon ng mga music video
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [2000.06.14] Eizou The Morning Musume Best 10
- [2002.12.04] Eizou The Morning Musume 2 ~Single M Clips~
- [2005.03.24] Eizou The Morning Musume 3 ~Single V Clips~
- [2007.05.02] Eizou The Morning Musume 4 ~Single M Clips~
- [2009.08.19] Eizō The Morning Musume 5: Single M Clips
- [2011.04.13] Eizō The Morning Musume 6: Single M Clips
- [2012.11.14] Eizō The Morning Musume 7: Single M Clips
Iba pang DVD
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [2002.07.24] Single V Morning Musume. Single Medley ~Hawaiian~
- [2004.02.18] Best Shot Vol.1
- [2004.05.28] Best Shot Vol.2
- [2004.09.14] Best Shot Vol.3
- [2004.12.04] Best Shot Vol.4
- [2006.11.29] Ribbon no Kishi The Musical DVD
Filmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga musikal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng musikal | Tiatro | Petsa ng pagtatanghal |
Dami ng Pagtatanghal |
Love Century ~Yume wa Minakerya Hajimaranai~ (Love センチュリー ~夢はみなけりゃ始まらない~) |
Tiatro ng Nissay | Mayo 3 - Mayo 27 taong 2001 |
37 ng beses |
Morning Town (モーニングタウン) | Tiatro ng Aoyama | Mayo 24 - Hunyo 24 taong 2002 |
41 ng beses |
Edokko Chushingura (江戸っ娘。忠臣蔵) | Tiatro ng Meiji | Mayo 31 - Hunyo 29 taong 2003 |
26 na beses |
Help!! Atchii Chikyu wo Samasunda (Help!! 熱っちぃ地球を冷ますんだっ。) |
Tiatro ng Nakano | Mayo 29 - Hunyo 13 taong 2004 |
20 ng beses |
Ribbon no Kishi (リボンの騎士) | Tiatro ng Shinjuku Koma | Agosto 1 - Agosto 27 taong 2006 |
40 na beses |
Mga palabas sa telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng TV show | Nagsimula noong | Natapos noong | Pangalan ng TV station |
Asayan | 1998-09-08 | 2002-03-24 | TV Tokyo |
Taiyō Musume to Umi (太陽娘と海) | 1998-04-07 | 1998-06-30 | |
Morning Musume no Heso (モーニング娘。のへそ) | 2000-01-04 | 2000-09-29 | |
Friday Night wa Onegai! Morning (フライデーナイトはお願い! モーニング) | 2000-04-07 | 2001-09-29 | TV Iwate at Nippon TV |
Haromoni@ (ハロモニ@) | 2000-04-08 | Kasalukuyan | TV Tokyo |
Hello! Morning (ハロー!モーニング。) | 2000-04-09 | 2007-04-01 | |
muSix! | 2000-12-03 | 2003-03-18 | |
Mo Taihen Deshita (モー。たいへんでした) | 2001-04-12 | 2002-03-14 | Nippon TV |
Tintin Town! (ティンティン Town!) | 2002-07-05 | 2004-03-27 | |
Mecha Mecha Iketeru! (めちゃ²イケてるッ!) | N/A | N/A | Fuji TV |
Musume Dokyu! (娘 Dokyu!) | 2005-04-04 | Kasalukuyan | TVQ Kyushu Housou |
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng pelikula | Inilabas noong | Studiyo |
Morning Cop (モーニング刑事) | 1998-09-02 2000-12-08 |
Toei Company |
Pinch Runner (ピンチランナー) | 2000-10-21 | |
Nama Tamago (ナマタマゴ) | 2002-05-15 | - |
Tottoko Hamtaro (劇場版とっとこハム太郎) | 2002 | Toho Company |
Tokkaekko (とっかえっ娘) | 2002-07-17 | - |
Koinu Dan no Monogatari (仔犬ダンの物語) | 2003-06-21 | Toei Company |
Mga pahayagan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga komiks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng komiks | Inilabas noong | Produser | ISBN |
TBA | TBA | TBA | TBA |
Mga photobook
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng photobook | Inilabas noong | Produser | ISBN |
TBA | TBA | TBA | TBA |
Ibang proyekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga palabas sa radyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamagat ng radio show | Nagsimula noong | Natapos noong | Pangalan ng Himpilan ng Radyo |
Natsumi Abe no Super Morning Rider (安倍なつみのスーパーモーニングライダー) |
1998-10-05 | 2000-12-29 | Tokyo FM |
Pucchi Moni Diver (プッチモニダイバー) | 1999-10-04 | 2000-12-25 | |
Air Moni (エアモニ。) | 2001-10-01 | 2003-03-30 | JOQR |
TBC Eagles Night (TBC イーグルスナイター) | 2005-04-01 | Kasalukuyan | TBC |
Mga video game
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Pamagat ng video game | Inilabas noong | Para sa |
---|---|---|---|
1 | Space Venus (スペースヴィーナス) | 2001-01-11 | PlayStation 2 |
2 | Tenku no Resutoran Hello! Project Version (天空のレストラン Hello! Project Version) | 2001-03-01 | PlayStation |
3 | Liliput Kingdom (リリパット王国 ~リリモニといっしょプニ!~) | 2004-02-12 | Game Boy Advance |
4 | Osu! Tatakae! Ouendan[1] (押忍!戦え!応援団) | 2005-07-28 | Nintendo DS |
[1] Ang larong ito ay hindi ginawa ng grupo o ng Hello! Project. Ginamit ng larong ito ang kanilang pangwalong awitin na "Koi no Dance Site."
Mga kaugnayang panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Hello! Project: Opisyal na Site
- Hello! Project at Morning Musume: Linggu-linggong Balita
- ThePPN:Morning Musume
Hello! Project: Morning Musume |
Mga Miyembro |
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin |
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto |
Diskograpiya |
---|
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 |
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat |
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete |