Morpeo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Morpeo at Iris, ipininta ni Pierre-Narcisse Guérin (1811).

Sa mitolohiyang Griyego, si Morpeus o Morpeo (Griyego: Μορφέας, Μορφεύς, "lalaking naghuhugis, humuhubog, nag-aanyo, nagbabanghay[1], o nagmomolde", mula sa Griyegong morphe, may kahulugang "anyo", "korte", "hugis", "istura", "hitsura", "asta", o "porma"[2][3][1]; Ingles: Morpheus[2]; Kastila: Morfeo) ay isang Griyegong diyos ng mga panaginip o diyos ng mga pangarap, at diyos din ng pagtulog dahil nakapagpapadala siya ng mga pangitain ng mga anyong tao sa mga nahihimbing sa pagtulog.[2] Mayroon siyang kakayanang magbago ng anyo upang maging isang tao, anuman ang anyo. Kaya rin niyang lumitaw sa loob ng mga panaginip. Sa kanyang tunay na kaanyuan, nilalarawan siya bilang may mga pakpak sa kanyang likod. Anak na lalaki siya ni Hypnos o "Tulog".[2]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew. (2008). "Form". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org., nasa Form.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Morpheus, morphe, form; Hypnos, Sleep". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977)., Dictionary Index para sa M.
  3. Gaboy, Luciano L.. "form". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


MitolohiyaGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.