Pumunta sa nilalaman

Nadine Samonte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nadine Samonte
Si Nadine Samonte (sa kaliwa) kasama si "Tessbomb"
Kapanganakan
Nadine Burgos Eidloth

(1988-03-02) 2 Marso 1988 (edad 36)
NasyonalidadPilipino / German
TrabahoAktres
Aktibong taon2003–kasalukuyan
AsawaRichard Chua (k. 2013)
Anak3

Si Nadine Burgos Eidloth-Chua, kilala bilang Nadine Samonte (ipinanganak Marso 2, 1988) ay isang aktres na Filipina.

Si Nadine Samonte ay anak nina Frank Eidloth, isang Aleman at Edjenta Burgos, isang Filipina. Nagsimula si Nadine sa ABS-CBN Talent Center noong 14 na taong gulang siya. Ngunit naging sikat siya sa programang pampaligsahan ng GMA Network na StarStruck na ginanap noong 2003. Matapos ang programang ito ay gumanap si Nadine sa Love to Love at di kalaunan ay gumanap din siya sa Ikaw sa Puso na kung saan una niyang nakatambal niya si Oyo Boy Sotto, anak ng batikang komedyante at mang-aawit na si Vic Sotto.

Muling nagkatambalan sina Nadine at Oyo Boy sa pelikulang Forever My Love at ang programang pantelebisyon na Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa na gawa ng TAPE Inc. Noong 2004, ginawaran si Nadine ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation ng gawad bilang "Most Promising Actress".

Panandaliang tumigil si Nadine sa paggagnap sa pelikula at telebisyon. Matapos niyang mamahinga ay gumanap si Nadine sa mga programang pantelebisyon na Now and Foverever: Ganti at Etheria. Gumanap rin siya sa mga pelikulang Hari ng Sablay at Lagot Ka Sa Kuya Ko. Mapapanood ngayon si Nadine Samonte sa dramang pantelebisyon na Bakekang.

Ang tagapangasiwa ni Nadine na si Jeffrey Gamil ang nagbigay sa kanya ng pangalang "Samonte".

Taon Pamagat Ginampanan Himpilan
2003 StarStruck as herself GMA-7
Stage 1: Starstruck Playhouse
Stage 1: Live!
2004 SOP Gigsters
Love To Love Natalia/Mutya
2005 Ikaw Sa Puso Ko Sophia
Leya: Ang Pinakamagandang Babae sa Ilalim ng Lupa Leya
Now and Forever: Ganti Marianne
Darna Ava/Valentina
Etheria Hera Mine-a
My Guardian Abby Abby QTV
2006 Carlo J. Caparas' Bakekang Lorraine Arevalo GMA-7
2007 Super Twins Super T
Magic Kamison Ava
Sine Novela: Kung Mahawi Man Ang Ulap Catherine Clemente
Marimar Inocencia Del Castillo
2008 Sine Novela: Maging Akin Ka Lamang Elsa Paruel-Abrigo
Ako si Kim Samsoon Hannah
Dear Friend: Jasmine's Story Jasmine
Carlo J. Caparas' Gagambino Celine Lopez
2009 Suddenly its Magic Alani
SRO Cinemaserye: Suspetsa Abigail
Darna Roma / Babaeng Impakta
  • Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awardee (2004) - "Most Promising Female Actress" (Pinaka May Pag-asang Aktres)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]


PilipinasArtista Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Artista ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.