Papa Pio X

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pío X)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
San Pio X
Nagsimula ang pagka-Papa 4 Agosto 1903
Nagtapos ang pagka-Papa 20 Agosto 1914
Hinalinhan Leon XIII
Kahalili Papa Benedicto XV
Mga orden
Ordinasyon 18 Setyembre 1858
ni Giovanni Antonio Farina
Konsekrasyon 20 Nobyembre 1884
ni Lucido Maria Parocchi
Naging Kardinal 12 Hunyo 1893
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakan Giuseppe Melchiorre Sarto
Kapanganakan 2 Hunyo 1835(1835-06-02)
Riese, Lombardy-Venetia, Imperyong Austriyano
Kamatayan 20 Agosto 1914 (edad 79)
Palasyong Apostoliko, Roma, Kaharian ng Italya
Lagda {{{signature_alt}}}
Eskudo de armas {{{coat_of_arms_alt}}}
Kasantuhan
Kapistahan 21 Agosto
3 Setyembre (Pangkalahatang Kalendaryong Romano 1955–1969)
Beatipikasyon 3 Hunyo 1951
ni Papa Pio XII
Kanonisasyon 29 Mayo 1954
ni Papa Pio XII
Pamimintakasi Arkidiyosesis ng Atlanta, Georgia; diyosesis ng Des Moines, Iowa; unang mga komunikante; Diyosesis ng Great Falls-Billings, Montana; arkidiyosesis ng Kottayam, India; mga peregrino; Santa Luċija, Malta; Diyosesis ng Springfield-Cape Girardeau, Missouri; Arkidiyosesis ng Zamboanga, Pilipinas
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Pio

Si Papa Pio X (Latin na Eklesyastikal: Pius PP. X, Latin: Pius Decimus) (2 Hunyo 1835 – 20 Agosto 1914) na ipinanganak bilang Giuseppe Melchiorre Sarto, ay isang Italyanong pari ng Simbahang Katoliko Romano at naging ika-258 na Papa ng Simbahang Katoliko Romano na naglingkod mula 1903 hanggang 1914.[1] Isa siya sa mga santo ng Simbahang Katoliko.[2] Siya ang unang papa, mula kay Papa Pio V, na kinanonisa bilang santo. Itinakwil ni Pio X ang mga modernistang interpretasyon ng doktrinang Romano Katoliko at nagtaguyod ng mga tradisyonal na pangdebosyong mga kasanayan at teolohiyang ortodoksiya. Ang kaniyang pinakamahalagang reporma ang paglilimbag ng unang Kodigo ng Batas na Kanon na nagtipon ng mga batas ng Simbahang Katoliko Romano sa isang bolyum sa unang pagkakataon. Siya ay isang pastoral na papa na humihikayat ng personal na kabanalan at pamumuhay na nagpapakita ng mga kaugaliang Kristiyano. Siya ay ipinanganak sa bayan ng Riese na kalaunang idinagdag ang "Pio X" (pangalan ni Pio X sa Latin) sa pangalan ng bayang ito.

Maagang bahagi ng buhay[baguhin]

Ipinanganak si Giuseppe Sarto noong 1835 sa Riese na nasa Kaharian ng Lombardy-Venetia. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Padua.[3]

Pagkapari[baguhin]

Naordinahan si Sarto bilang pari noong 18 Setyembre 1858.[2]

Bilang obispo[baguhin]

Noong 1884, si Sarto ay ginawang Obispo ng Mantua ni Papa Leon XIII.[3]

Bilang Kardinal[baguhin]

Noong 1893, si Sarto ay ginawang Kardinal at Patriarka ng Venice ni Papa Leon XIII.[2]

Bilang papa[baguhin]

Noong 4 Agosto 1903, nahalal si Kardinal Sarto bilang Papa; at pinili niyang tawagin bilang Pio X.[3]

Kasantuhan[baguhin]

Noong 1951, sumailalim siya sa beatipikasyon, na isang hakbang sa proseso ng pagpapangalan sa kaniya bilang isang santo ng Simbahang Katoliko. Nakanonisa siya bilang isang santo noong 1954.

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. "List of Popes," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Pope Pius X," Catholic Encyclopedia (2009); nakuha noong 2011-11-02.
  3. 3.0 3.1 3.2 Flinn, Frank K. et al. (2007). "Pius X," in Encyclopedia of Catholicism, p. 519.


Mga kawing na panlabas[baguhin]

May kaugnay na midya ang Pius X sa Wikimedia Commons

Wikiquote-logo-en.svg
May koleksiyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles ukol sa:
Wikisource
Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:
Sinundan:
Leo XIII
Pope
1903–1914
Susunod:
Benedict XV