Pagkit

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang kandilang yari sa pagkit.

Ang pagkit, sera o waks[1] (Ingles: wax) ay isang sustansiyang nakapagpapakintab at nagdurulot ng proteksiyon sa balat ng mga prutas at dahon ng mga gulay at ibang halaman. May mga pagkit din na nagmumula sa mga hayop, katulad ng tutuli mula sa loob ng tainga ng tao. May mga waks din na nanggagaling sa mga petrolyo at mineral. Mayroon ding mga sintetiko o gawang-tao.[2]

May kaugnayan ang mga pagkit sa mga taba. Bagaman matigas, mas madaling masira ang mga ito kung ikukumpara mula sa mga taba. Hindi tumatagos ang tubig sa kapatagan ng mga pagkit, ngunit madila silang matunaw, kung kaya't nabibigyan ng hugis. Ginagamit ang mga pagkit sa paglikha ng mga pampaganda at pamahid na kosmetiko at panggagamot, plorwax (floorwax), kandila, mga plaka pang-musika, barnis, papel na karbon (carbon paper), krayola, mga artipisyal na halaman, at mga sabon.[2]

Mga uri ng pagkit[baguhin]

  • Mula sa mga mineral:

Mga talasanggunian[baguhin]

  1. "Pagkit, sera, waks, wax". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).
  2. 2.0 2.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8