Damo
Damo | |
---|---|
Namumulaklak na ulo ng Alopecurus pratensis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Klado: | Commelinids |
Orden: | Poales |
Klado: | Graminid clade |
Pamilya: | Poaceae John Hendley Barnhart[2] |
Tipo ng genus | |
Poa |
Ang damo ay isang uri ng halaman na may makitid na dahon na tumutubo mula sa ibaba. Ang kanilang hitsura bilang isang karaniwang halaman ay mula noong kalagitnaan ng panahon ng Kretasiko. Mayroong 12,000 espesye sa ngayon.[3]
Ang isang karaniwang uri ng damo ay ginagamit upang takpan ang lupa sa mga lugar tulad ng mga damuhan at parke. Ang damo ay karaniwang kulay berde, dahil napopolinasyon sila sa pamamagitan ng hangin imbis na polinasyon ng kulisap, kaya hindi nila kailangang makaakit ng mga insekto. Pinakamainam ang kulay lunti para sa potosintesis.
Nangingibabaw ang mga damo sa mga damuhan tulad ng sabana at parang. Sinasaklaw nila ang 40.5% ng lupain ng Daigdig, subalit wala sila sa Greonlandiya at Antartika.[4]
Ang mga damo ay mga halamang herbaseyong monokotiledoneya. Kabilang dito ang "damo" ng pamilyang Poaceae, na tinatawag na damo ng mga ordinaryong tao. Ang pamilyang ito ay tinatawag ding Gramineae, at kabilang ang ilan sa mga Cyperaceae at mga Juncaceae.[5] Hindi masyadong malapit na magkamag-anak ang tatlong pamilyang ito, kahit kabilang silang lahat sila sa mga klado sa orden na Poales. Pareho silang mga adaptasyon sa isang katulad na istilo ng pamumuhay.
May humigit-kumulang 780 henero at humigit-kumulang 12,000 espesye,[3] ang Poaceae ay ang ikalimang pinakamalaking pamilya ng halaman. Tanging ang Asteraceae, Orchidaceae, Fabaceae at Rubiaceae lamang ang may mas maraming espesye.[6]
Ang mga tunay na damo ay kinabibilangan ng mga sereal, kawayan at mga damo ng mga damuhan (turf) at lupaing madamo. Ang mga gamit para sa graminoide ay kinabibilangan ng pagkain (bilang butil, labong, o risoma), inumin (serbesa, wiski), pastulan para sa mga hayop, pawid, papel, panggatong, damit, insulasyon, konstruksyon, damuhan sa palaruan, paghabi ng kaing at marami pang iba.
Maraming mga damo ay maikli, subalit maaaring tumaas ang ilang mga damo, tulad ng kawayan. Ang mga halaman mula sa pamilya ng damo ay maaaring tumubo sa maraming lugar at gumawa ng mga damuhan, kabilang ang mga lugar na napakatuyo o malamig. Mayroong ilang iba pang mga halaman na mukhang katulad ng damo at tinutukoy bilang ganoon, subalit hindi mga miyembro ng pamilya ng damo. Kasama sa mga halamang ito ang mga hungko, tambo, papiro at apulid. Isang monokotiledoneya ang damong-dagat sa orden na Alismatales .
Ang mga damo ay isang mahalagang pagkain para sa maraming mga hayop, tulad ng usa, kalabaw, baka, daga, tipaklong, higad at marami pang nanginginain. Hindi tulad ng ibang halaman, tumutubo ang mga damo mula sa ibaba, kaya kapag ang mga hayop ay kumakain ng damo ay karaniwang hindi nila nasisira ang bahaging tumutubo.[7] Bahagi ito ng dahilan kung bakit matagumpay ang mga halaman.
Kung walang damo, mas maraming lupa ang maaaring maanod sa mga ilog (erosyon).
Ebolusyon ng damo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa mga damo ang ilan sa mga pinakamaraming gamit na halaman na anyong-buhay. Naging laganap sila noong dulo ng Kretasiko. May nakitang nakaposil na dumi ng dinosauryo (mga koprolito) na naglalaman ng mga pitolito ng damo (mga batong silise sa loob ng mga dahon ng damo).[8] Ang mga damo ay umangkop sa mga kondisyon sa luntiang maulang kagubatan, tuyong disyerto, malamig na kabundukan at maging sa mga intertidal na tirahan, at pinakalaganap ngayon na uri ng halaman. Ang damo ay isang mahalagang mapagkukunan ng pagkain at enerhiya para sa maraming mga hayop.[9]
Damo at mga tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang damuhan ay madalas na itinatanim sa mga palaruan ng palakasan at sa paligid ng isang gusali. Minsan ginagamit ang mga kemikal at tubig para tumulong sa paglaki ng mga damuhan.
Matagal nang gumagamit ng damo ang mga tao. Ang mga tao ay kumakain ng mga bahagi ng damo. Ang mais, trigo, sebada, abena, bigas at miho ay mga sereal, karaniwang butil na ang mga buto ay ginagamit para sa pagkain at para sa paggawa ng alak tulad ng serbesa.
Ang asukal ay nagmula sa tubo, na isa ring halaman sa pamilya ng damo. Ang mga tao ay nagtanim ng mga damo bilang pagkain ng mga hayop sa bukid sa loob ng halos 4,000 taon. Gumagamit ng kawayan ang mga tao sa pagtatayo ng mga bahay, bakod, kasangkapan at iba pang bagay. Ang mga halamang damo ay maaari ding gamitin bilang panggatong, pantakip ng mga bubong bilang pawid, at panghabi ng mga kaing .
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Yan Wu; Hai-Lu You; Xiao-Qiang Li (2018). "Dinosaur-associated Poaceae epidermis and phytoliths from the Early Cretaceous of China". National Science Review (sa wikang Ingles). 5 (5): 721–727. doi:10.1093/nsr/nwx145.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Angiosperm Phylogeny Group (2009). "An update of the Angiosperm Phylogeny class classification for the orders and families of flowering plants: APG III". Botanical Journal of the Linnean Society (sa wikang Ingles). 161 (2): 105–121. doi:10.1111/j.1095-8339.2009.00996.x.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Christenhusz, M.J.M.; Byng, J.W. (2016). "The number of known plants species in the world and its annual increase". Phytotaxa (sa wikang Ingles). 261 (3): 201–217. doi:10.11646/phytotaxa.261.3.1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-07-29.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reynolds, S.G. "Grassland of the world". www.fao.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-20. Nakuha noong 2016-10-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chapman G.P. & Peat W.E. 1992. (sa Ingles)
- ↑ "Angiosperm Phylogeny Website" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2016. Nakuha noong 20 Marso 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cheplick G.P. 1998. (sa Ingles)
- ↑ Piperno, Doris E. & Sues, Hans-Dieter 2010. (sa Ingles)
- ↑ Soderstrom T.R. et al (mga pat.) 1987. (sa Ingles)