Kasuotan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang damit, pananamit, gayak, panggayak, na kilala rin bilang kasuutan[1] (kasuotan), mga bihisan[2] o mga pambihis (Ingles:clothing;Kastila:indumentaria) , ay mga bagay na pantakip sa katawan ng tao.[1] May mga pananamit na nauukol para sa tiyak na bahagi ng katawan ng tao. Ang punungkatawan ay matatakpan ng isang kamiseta, ang mga bisig ng manggas, ang mga binti ng mga pantalon, maong, o palda, ang mga kamay ng mga guwantes, ang mga paa ng mga medyas at ng mga sapatos, mga sandalyas, mga bota, at ang ulo ng mga sumbrero. Yari ang mga kasuotan sa maraming mga materyal, katulad ng mga telang gawa sa bulak, lana, polyester, at katad. Sa mga pook na malalamig ang klima, nagsusuot ang mga tao ng mabibigat at makakapal na mga pangginaw.

Halos lahat ng mga tao ay nagsusuot ng mga damit. Nagbibigay ng proteksiyon ang mga kasuotan sa katawan ng tao mula sa init ng araw at matataas na mga temperatura sa mga bansang tropikal. Isinasanggalang din ng mga damit ang katawan ng tao mula sa napakalalamig na mga temperatura. Napuprutektahan din ng mga damit ang tao mula sa mga kulisap. Isinusuot din ang mga pambihis bilang mga palamuti o dekorasyon, katulad ng sa larangan ng moda. Nagsusuot ang mga taong mula sa sari-saring mga kultura ng iba't ibang mga damit, at may magkakaibang mga paniniwala at gawi hinggil sa uri ng mga damit na nararapat isuot. Para sa maraming mga tao, isang sagisag ng antas sa lipunan ang mga damit. Naglalarawan ang damit ng anyong panlipunan ng tao. Madalas na isang uri ang pananamit ng pagpapadama ng sarili. Sa kasalukuyan, naging mas masulong na ang dahilan ng pananamit, hindi na ito basta pananggalang lamang para sa ikabubuti ng katawan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Palagi nang ninanais ng tao na mapainam ang kanyang kaanyuhan. Gumamit ang unang mga tao ng mga balat ng hayop bilang damit. Para sa sinaunang mga tao, maaaring ang damit ay isang bagay na masalamangka, pangdekorasyon, at bilang kagamitan.

Talaan ng mga kasuotan[baguhin | baguhin ang batayan]

Wikang Filipino/Tagalog Wikang Ingles Wikang Kastila
kamisa shirt camisa
kamiseta t-shirt camiseta
kalketin sock calcetin
huanta glove guante
pantalon trousers pantalón
hat hat sombrero
kurbata necktie corbata
sarung sarong sarong
saya skirt falda
sapatos shoe zapatos
sandalya sandal sandalia
bra brassiere sostén
kamisadentro undergarment/underwear ropa interior

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L.. "Clothing, clothe, clothes, cloth". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew. (2008). "Clothing". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.