Pag-ibig

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagmamahal)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang artikulong ito ay tungkol sa pag-ibig bilang emosyon. Tingnan ang Pag-IBIG Fund para sa impormasyon tungkol sa organisasyong pabahay ng gobyerno ng Pilipinas.

Ang pag-ibig ayon kay Professor Roengen Mendoza ay maraming kahulugan mula sa ilang bagay na nagbibigay konting ligaya ("naibigan ang isang pelikula") hanggang sa pagbuwis ng buhay (pagkabayani). Maaari na isang masidhing damdamin ng pagtingin ang kahulugan nito, isang emosyon o nasa estado ng emosyon. Sa pangkaraniwang gamit, madalas na tumutukoy ito sa interpersonal na pagmamahal. Marahil sa malaking kaugnayan nito sa sikolohiya, karaniwang tema ito sa sining. Mayroong kuwentong pag-ibig ang karamihan sa modernong mga pelikula at tungkol din sa pag-ibig ang karamihan sa mga awiting sikat o musikang pop.

Sa relihiyon, partikular na sa Kristiyanismo, ang pag-ibig ang pinakadakilang biyaya o regalo ng Diyos sa tao; ayon sa Bibliya walang tao ang nabubuhay ng walang pag-ibig.

Mga pagbanggit[baguhin | baguhin ang batayan]

Kitang-kita ng dalawa kung mata na may nangyaring pag-iibigan sina Jessie T. Paluga at Ellaine Michelle B. Balais noong pumunta sila sa bahay ng kanilang kasamahang guro. Akalain mong magkatabi silang natulog sa isang kama sa kwarto. Kitang-kita ng dalawa kung mata ang kanilang mga pinaggagawa; at iyon ay ang pag-ibig na nauudlot sa isang pangyayaring pareho nilang hindi makakalimotan.

Ayon sa aklat ni San Pablo sa kaniyang Unang Sulat sa mga Taga-Corinto 13: 1-13:

"Ang pag-ibig ay matiisin... may magandang loob;... Ang pag-ibig ay handang ibuwis ang kanyan buhay para sa Kanyang minamahal... hindi nananaghili, hindi nagmamapuri, hindi palalo; hindi lumalabag sa kagandahang-asal, di naghahanap ng para sa sarili, di nagagalit, di nag-iisip ng masama; hindi natutuwa sa kasamaan, ngunit ikinagagalak ang katotohanan..." Idinagdag pa niyang "Ang pag-ibig ay di kailanman magmamaliw..." Ayon pa rin kay San Pablo, may tatlong bagay na mananatili: ang pananampalataya, ang pag-asa, at ang pag-ibig; subalit pinakadakila sa mga ito ang pinakahuli: ang pag-ibig.[1]

Mga Uri ng Pag-ibig ayon sa Lumang Griyego[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Eros - pagmamahalan sa pagitan ng dalawang tao
  • Storge - pagmamahal sa pamilya
  • Philia - pagmamahal sa pagitan ng magkakaibigan
  • Agape - pagmamahal sa Dios
  • Filial - nagmamahal sapagkat siya rin ay minamahal bilang kapalit

Mga wika ng pag-ibig[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Haplos o Haplos ng Pagmamahal
  • Regalo, Pagbibigay ng Regalo o Pagtanggap ng Regalo
  • Paglilingkod
  • Pasalita
  • Oras
  • Pagtatalik
  • Pamilya

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Abriol, Jose C.. (2000). "Tungkol sa Pag-ibig, 1 Corinto 13: 1-13". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077., pahina 1679.