Pagmamana ng katangian

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang pagmamana ng katangian ay ang pagpapasa ng mga katangian ng mga magulang (o ng mga ninuno) papunta sa mga anak o supling. Isa itong proseso kung saan ang supling na selula o organismo ay nakakakuha o nagiging nakalantad sa mga katangian ng magulang nitong selula o organismo. Sa pamamagitan ng pagkakamana ng katangian, ang mga pagkakaiba-ibang ipinapikita ng mga indibidwal ay maaaring maipon at makasanhi ng isang uri upang sumailalim sa ebolusyon. Sa larangan ng biyolohiya, tinatawag na henetika ang pag-aaral ng pagmamana ng mga katangian, na kinabibilangan ng larangan ng epihenetika. Kaugnay din ng pagmamana ng katangian ang tinatawag na linya ng lipi o guhit ng lahi o pinaglahian.


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.