Tiyo

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang tiyo o tiyuhin (Ingles: uncle, Latin: avunculus o "maliit na lolo" at kaugnay ng avus o "lolo") ay isang katawagan ng isang pamangkin para sa kapatid na lalaki ng isang magulang o para sa asawa ng isang kapatid na babae ng isang magulang. Katumbas ito ng tiya, kung babae. Ginagamit din itong pamagat ng paggalang o taguring may paggalang ng mga bata para sa mga nakatatanda o matatanda[1], halimbawa na bilang pangtawag sa mas nakatatandang mga pinsan, mga kapitbahay, mga kaibigan, o maging para sa mga hindi nakikilalang mga tao. Isa rin itong katawagang pangkarangalang ibinibigay sa ibang tao. Katumbas ito ng amain, kaka, tito, o mama (hindi ang ina).[1], bagaman ginagamit din ang kaka bilang pantawag para sa panganay na kapatid na lalaki o babae (para sa kuya o sa ate).[2] Ngunit bilang panturing sa tiyo o tiya, karaniwang ginagamit ang kaka para tawagin o tukuyin ang isang panganay na tiyo o tiya.[2] Maaari rin itong maging panawag para sa isang taong tagapayo.[1]

Tingnan din[baguhin]

Mga sanggunian[baguhin]

  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L.. "Uncle, amain, kaka, tito, mama, tagapayo". Gabby's Dictionary, Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Ayon sa paliwanag para sa kaka na nasa ilalim ng salitang tiya: ginagamit ang kaka para sa nakatatandang tiya o tiyo, elder aunt or uncle". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990)., pahina 1443.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.