Pambansang Istadyum ng Beijing

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Pambansang Istadyum ng Beijing
国家体育场
國家體育場
Beijing National Stadium
Pugad ng Ibon
BirdsNestLogo.png
Beijing Stadium April 2008.jpg
Lokasyon Flag of the People's Republic of China Beijing, Republikang Popular ng Tsina
Pagkakaton Disyembre 2003
Binuksan Marso 2008
May-ari Pamahalaan ng Republikang Popular ng Tsina
Kalatagan Damo
Halaga ng pagtatayo ¥4 na daplot na yuan (EU$500 angaw)
Arkitekto Herzog & de Meuron
ArupSport
CAG
Kakayahan Kakayahang Olimpiko: 91,000
Kakayahang Olimpiko (bago): 80,000
Mga nangungupahan
Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008
Supercoppa Italiana 2009
Supercoppa Italiana 2011
Pandaigdigang Kampeonato sa Atletika 2015

Ang Pambansang Istadyum ng Beijing (tradisyunal na Tsino: 北京国家体育场; payak na Tsino: 北京國家體育場; Hanyu Pinyin: Běijīng Guójiā Tǐyùchǎng; Tongyong Pinyin: Běijīng Guójiā Tǐyùchǎng), na kinikilala ring Pambansang Istadyum,[1] o ang "Pugad ng Ibon" (鳥巢) ukol sa arkitekturang ito ay isang istadyum na natapos para sa Luntiang Olimpiko sa Beijing, Tsina na natapos noong Marso 2008.[2]

Ang istadyum at mamumunong-abala ang mga pangunahing paligsahang atletika para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2008, ganundin sa mga seremonya ng pagbubukas at pagtatapos. Ito ay katabi sa silangan ng Sentrong Pambansa ng Palarong Pantubig ng Beijing.

Disenyo[baguhin]

Pasimundan ng Pugad ng Ibon

Noong 2002, inanyayahan ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga arkitekto sa buoang daigdig sa isang paligsahan ng disenyo. Nakipagsaubatan ang mga arkitekto ng Herzog & de Meuron, napanalunan ng Gantimpalang Pritzker, sa ArupSport at Pangkat ng Disenyong Pang-arkitektura at Pagsasalik ng Tsina upang manalo sa paligsahan. Si Ai Weiwei, isang kontemporaryong artistang Tsino, ay ang Kasangguning Makasining ukol sa disenyo.[3]

Ito'y ikinaton sa Bisperas ng Pasko ng Disyembre 2003, at nagsimula ang pagtatayo noong Marso 2004. Ang pagtatayo ay pansamantalang natigil nang bumagsak ang Himpilan 2E sa Pandaigdigang Paliparan ng Paris Charles de Gaulle, kung saan may kahawig ang disenyo sa Pambansang Istadyum. Pagkatapos ng mga pagbabago sa disenyo, itinuloy ang pagtatayo.[4]

Kakayahan[baguhin]

Ang istadyum ay may kakayahang paupuhin ng halos 91,000 manonood sa panahon ng Olimpiko. Ang kakayahan ay mababawasan sa susunod sa 80,000 pagkatapos ng Palaro. Ito ay napalitan sa orihinal na lugar na balak ipagdaos na Olimpikong Istadyum ng Guangdong.[5]

Ang istadyum ay gumagamit ng 258,000 metrong parisukat (2,777,112 talampakang parisukat) ng espasyo at may nagagamit na lawak ng 204,000 metrong parisukat (2,195,856 talampakang parisukat). Natayo ito na may 36 na kilometro ng bakal, na may timbang na 45,000 tonelada.[5] Ang istadyum ay nagkakahalaga ng 3.5 daplot yuan (423 angaw na dolyar).[5]

Ang istadyum ay may mga sukat na:

  • haba: 330 metro (1,082 talampakan)
  • lawak: 220 metro (721 talampakan)
  • taas: 69.2 metro (227 talampakan)
Pagtatanaw sa bahaging Timog ng Istadyum, Mayo 2008..
Pagtatanaw sa bahaging Timog ng Istadyum, Mayo 2008.
.

Tingnan din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]

  1. Pambansang Istadyum - Ang Opisyal na Websayt ng Palarong Olimpiko 2008 ng Beijing
  2. Larawan:Ang Opisyal na Websayt ng Palarong Olimpiko 2008 ng Beijing
  3. Merewether, Charles, Editor.~Essays by Jonathan Napack and Chin-Chin Yap. Ai Weiwei, Works: Beijing 1993-2003. Beijing: Timezone 8 Ltd., 2003.
  4. National Geographic Channel, Gawa ng tao: Olimpikong Istadyum ng Beijing
  5. 5.0 5.1 5.2 Chinatourtravel.org. "Chinatourtravel.org." Paglalarawan ng Pambansang Istadyum ng Beijing. Nakuha noong 2008-07-04.

Mga panlabas na kawing[baguhin]