Pangtimog na Hemispero

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ang Katimugang Hemispero na pinagliwanag sa pamamagitan ng dilaw na kulay (hindi ipinapakita ang Antarktika).
Ang Katimugang Hemispero na tinatanaw magmula sa habang nasa ibabaw ng Pangtimog na Polo.

Ang Pangtimog na Kalahati ng Daigdig, Pangtimog na Hati ng Mundo o Pangtimog na Hati ng Globo (Ingles: Southern Hemisphere) ay ang bahagi ng Daigdig (Mundo) na nasa timog ng ekwador. Tinatawag din itong Katimugang Hemispero. Ang salitang "hemispero" (mula sa Griyegong σφαιρα [espero o bilog]+ ημι [kalahati]) ay literal na may kahulugang 'kalahati ng bola' o 'kalahati ng bilog'. Ito rin ang kalahati ng esperong selestiyal na nasa timog ng ekwator na selestiyal. Ang Pangtimog na Hemispero ang naglalaman ng lahat o mga kabahagi ng apat na mga kontinente (Antarktika, Australia, karamihan sa mga bahagi ng Timog Amerika at katimugang hati ng Aprika), apat na mga karagatan (Timog Atlantiko, Indiyano, Timog Pasipiko, at Pangtimog na Karagatan) at ang karamihang bahagi ng Oceania. Ilang mga pulo na mula sa pangkontinenteng punong lupain ng Asya ay nakapaloob din sa Katimugang Hemispero. Dahil sa pagkiling ng rotasyon o pag-inog ng Daigdig na kaugnay sa Araw at sa tapyas na ekliptiko, ang tag-araw ay magmula sa Disyembre hanggang sa Marso at ang taglamig ay magmula Hunyo hanggang Setyembre. Ang Setyembre 22 o 23 ay ang ekwinoks (panahon kapag ang araw at gabi ay magsinghaba) na pangtagsibol (bernal) at ang Marso 20 o 21 ay ang ekwinoks na pangtaglagas.

Tingnan din[baguhin]


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.