Prusya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Preußen
Prusya
1525–1947
Location of Prusya
Kabisera Königsberg; Pagkabuo ng Imperyong Aleman: Berlin
Pamahalaan Not specified
Panahong pangkasaysayan Sinaunang modernong Europa hanggang ika-20 dantaon
 - Established 1525
 - Disestablished 1947

Ang Prusya (Aleman: Preußen; Ingles: Prussia; Latin: Borussia, Prutenia; Latbiyano: Prūsija; Litwano: Prūsija; Polako: Prusy; Lumang Pruso: Prūsa; Danes: Prøjsen; Ruso: Пру́ссия) ay isang dating rehiyón sa bansang Alemanya, na nasa tabi ng Karagatang Báltiko. Isa itong dating kaharián na itinatag noong 1525 hanggang sa pagpapalipol nito noong 1947 sa kamay ng Mga Alyado.

Ang kaniyang kasundaluhan ay itinuturing na pinakamalakas at pinakadisiplinado sa Europa noong kapanahunan nito. Noong 1871, pinagisa-isa ang mga kahariáng Aleman ni Kanselor at Punong Ministrong si Otto von Bismarck sa Imperyo ng Alemanya, at ang Prusya ang pinakamalaking bansáng nabibilinag dito. Nagwagi ang kaharián sa maraming digmaan noong ika-18 hanggang ika-19 dantaon hanggang sa pagbagsak ng kaniyang pangunahing sandataháng lakás noong Unang Digmaang Pandaigdig. Tuluyan nang bumagsak ang sandataháng lakás ng bansà pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1947, sanhî ng kaniyang pagkatalo sa digmaan sa kamay ng mga Dakilang Kapangyarihan, ang Unyong Sobyet, Imperyong Britaniko, at Estados Unidos.


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.