Raul Roco

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Raul S. Roco

Raul Sagarbarria Roco (26 Oktubre 1941 - 5 Agosto 2005) ay isang politiko sa Pilipinas. Siya ang napiling kumandidato ng Aksiyon Demokratiko, na kaniyang itinatag, para sa pagkapresidente sa eleksiyon ng Pilipinas noong 2004. Dati siyang senador at kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa ilalim ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinanganak si Roco sa lungsod ng Naga, Camarines Sur kina Sulpicio Azuela Roco, isang magbubukid, at Rosario Orlanda Sagarbarria, isang gurong pampublikong paaralan. Ikinasal si Roco kay Sonia Cubillo Malasarte, na taga-Bohol. Mayroon silang anim na anak (Robbie Pierre, Raul Jr., Sophia, Sareena, Rex at Synara) at apat na apo.

Noong 5 Agosto 2005, namatay si Roco sa sakit na prostate cancer sa St. Luke's Medical Center, Lungsod Quezon. Ililibing siya sa kaniyang bayang sinilingan.



Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.