Rio de Janeiro

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Tungkol sa lungsod sa Brazil ang artikulong ito. Para sa estado na may katulad na pangalan, tingnan Rio de Janeiro (estado).

Ang Rio de Janeiro ("Ilog ng Enero", binibigkas [ˈhiw dʒi ʒʌˈnejɾu] sa Portuges, /ˈriːoʊ deɪ ʒəˈnɛroʊ/ sa Ingles) ay ang panglawang pangunahing lungsod sa Brasil, pagkatapos ng São Paulo. Kabisera ang lungsod ng estado ng Rio de Janeiro (estado). Naging kabisera ito ng Brazil (1763–1960) a Imperyong Portuges (1808–1821). Karaniwang kilala bilang Rio lamang, palayaw din ng lungsod ang bansag na A Cidade Maravilhosa - "Ang Kamangha-manghang Lungsod".

Sikat ang lungsod na ito sa likas na tanawin, mga pagdiriwang Karnabal, samba at ibang musika, mga pang-turistang dalampasigan na may mga otel, katulad ng Copacabana at Ipanema, na nakalatag sa itim at kremang nakatirintas na huwarang mosaiko.

Turismo[baguhin | baguhin ang batayan]

Isa sa mga kilalang mga muhon (landmark) ang higanteng rebulto ni Hesus, kilala bilang 'Cristo Redentor' (Kristong Tagapaglistas) sa tuktok ng bundok Corcovado.

Palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Rio de Janeiro ang itinakdang punong-abala ng Palarong Olimpiko ng Tag-Init 2016.
Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.