Romeo Candazo
Romeo Candazo | |
---|---|
Kapanganakan | 18 Hunyo 1952 |
Kamatayan | 19 Agosto 2013 |
Mamamayan | Pilipinas |
Trabaho | politiko, abogado |
Opisina | miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas () |
Si Romeo "Ome" D. Candazo (18 Hunyo 1952 —19 Agosto 2013) ay isang politiko sa Pilipinas na nagsilbi bilang kinatawan ng nag-iisang distrito ng Lungsod ng Marikina mula 1992 hanggang 2001. Siya ang naglantad ng eskandalo noong 1996 sa maling paggamit ng mga mambabatas ng kanilang Pondo para sa Pambansang Pagpapaunlad o Countrywide Development Fund (CDF), isang pondong inilaan sa mga mambabatas ng Kongreso ng Pilipinas upang maisulong ang pagpapaunlad ng bansa, lalo na sa mga rural na lugar.[1]
Ipinanganak noong 1952, nagsitapos si Candazo sa Paaralang Elementarya ng Concepcion sa Marikina bago ito lumipat sa Paaralang Integrado ng Unibersidad ng Pilipinas (UPIS) para sa kaniyang edukasyon sa sekundarya. Noong panahon niya sa UPIS, sumali siya sa Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK o SADEKA), isang organisasyong makakaliwa na may simpatiya sa paniniwala ng Partido Komunista ng Pilipinas. Nagsitapos siya ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman noong 1975 na may Batsilyer ng Sining sa Kasaysayan, at naging mag-aaral din siya ng Paaralan ng Batas ng UP Diliman, kung saan nagsitapos siya roon noong 1986.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Umakyat patungo: 1.0 1.1 Salaverria, Leila (20 Agosto 2013). "Candazo, first whistle-blower on pork barrel scam, dies; 61". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. Nakuha noong 20 Agosto 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas at Politiko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.