Marikina

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Lungsod ng Marikina)
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Lungsod ng Marikina
—  Lungsod  —
Marikina is located in Philippines
Lungsod ng Marikina
Lokasyon sa Pilipinas
Coordinates: 14°38′24″N 121°5′50″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operatorMga koordinato: 14°38′24″N 121°5′50″E / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang < na operator / May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator; May mali sa ekspresyon: Hindi inaasahang * na operator
Bansa Pilipinas
Rehiyon National Capital Region
Distrito Una hanggang pangalawang Distrito ng Marikina
Mga barangay 16
Pagkatatag Abril 16, 1630
Ganap na Lungsod Disyembre 8, 1996
Pamahalaan
 • Punong Lungsod Del De Guzman
 • Pangalawang Punong Lungsod Jose Fabian Cadiz
 • Kinatawan
Lawak
 • Kabuuan 21.52 km2 (8.31 sq mi)
Taas 14.7 m (48.2 ft)
Populasyon (2010)
 • Kabuuan 424,150
Sona ng oras PST (UTC+8)
Kodigo Postal 1800 (CPO)
Kodigong pantawag 2
Kaurian ng kita Unang klase
PSGC 137402000
Website marikina.gov.ph

Ang Lungsod ng Marikina (Ingles: City of Marikina o mas pinaikli bilang Marikina), kilala bilang Sentro o Kabisera ng Sapatos sa Pilipinas, ay isang lungsod at bayan na bumubuo sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Dati itong punong lalawigan ng Maynila noong ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas. Matatagpuan ito sa pulo ng Luzon, sa silangang hangganan ng Kalakhang Maynila, napapaligaran ang Marikina ng Lungsod Quezon sa kanluran, Lungsod ng Pasig at Cainta, Rizal sa timog, Lungsod ng Antipolo sa silangan, ang kabisera ng lalawigan ng Rizal, at San Mateo sa hilaga na nasa Rizal din. Tinatayang 21 kilometro ang layo nito mula sa Lungsod ng Maynila.

Ang Lungsod ng Marikina ay isa sa bumubuo sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon sa Pilipinas, at nabibilang ito sa Silangang Distrito ng Kalakhang Maynila. Bahagi rin ito ng Metro Luzon Urban Beltway (Daanang-sinturon ng Mala-lungsod na Kalakhang Luzon). Ang Kalakhang Luzon naman ay binubuo ng Gitnang Luzon, Timog Katagalugan o Calabarzon at ang Kalakhang Maynila. Ang Kalakhang Luzon ay isa sa apat na Malalaking Rehiyon sa Pilipinas.

Tinanyagan ang Marikina bilang "Shoe Capital of the Philippines" o "Pambasang Kapital ng Sapatos ng Pilipinas", dahil sa kanyang sikat na industriya ng sapatos. Ang pinakamalaking pares ng sapatos na ginawa ng mga natatanging sapatero ng lungsod ay naitala sa Guinness Book of Records at makikita sa Riverbanks Mall ng naturang lungsod. Ang Museo ng Sapatos ay kilala din bilang tahanan ng tanyag na sapatos ng dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Dumadaloy ang Ilog Marikina, isang sanga ng Ilog Pasig sa gitna ng lungsod. Sa katunayan, sinasakop ng lungsod ang bahagi ng Lambak ng Marikina at binabaha minsan kapag may mga bagyo (tulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy).

Kakambal na lungsod ng Marikina ang Brampton, Ontario sa Canada.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Bahagi ng Lambak ng Marikina ang Lungsod ng Marikina. May 16 barangay ang Marikina.

  • Barangka
  • Calumpang
  • Concepcion Uno
  • Concepcion Dos
  • Fortune
  • Industrial Valley
  • Jesus De La Peña
  • Malanday
  • Marikina Heights
  • Nangka
  • Parang
  • San Roque
  • Santa Elena (Pob.)
  • Santo Niño
  • Tañong
  • Tumana

in short mali ito